Cha-poor - One

93 1 4
                                    

"Hoi Aubreyana!" Nilingon ko si Zefie na bruha.

"Ano?" Iritableng sabi ko, nag gagawa kase ako ng waiver para sa darating na field trip ng Biology Club kung saan kabilang ako. Ewan ko ba, 1week palang naman simula nung nag-umpisa ang pasukan pero inutusan na kaagad nila ako para dito.. May vacation lag pa ako eh!

"Excited kana para sa field trip natin?" excited na tanong nya sa akin.

"Ha? Oo, excited ako sa malling, pero yung ibang pupuntahan, hindi ako excited." Tamad na kung tamad, pero tamad talaga akong sumama. Excited ako sa bus, yung sa byehe, kase dun yung part na makakapag-bonding kami.

"Ano ka ba naman Aubrey, president ka pa naman ng Biology Club, pero tinatamad ka.. HAHAHAHA! Alam mo hindi ka huwaran..." Heto na naman ang best-friend kong baliw. Walang ginawa kung hindi pulaan ako.

"And so? Tinatanong ko ba opinion mo? Anong feeling mo? Huwaran ka sa pag-ka-bise-presidente mo? Eh puro kalokohan lang alam mo eh. HAHAHAHA!" Pang-aasar ko din sa kanya.

"At least naman ako may boylet.." Yan na naman po ang pang-bato nya sa akin kapag wala na syang masabi.. Eh ano kung wala akong boyfriend?

At least... WALANG SAGABAL SA BUHAY KO!

"At least....-" Hindi ko na nasabi yung sasabihin ko kase pinutol na ng bruha

"Uma-atleast ka na naman dyan.. Ewan ko sayo! Bahala ka pag naging old maiden ka dyan.."  Bakit mas excited pa sya sa love-life ko no?

"Tse! Manahimik kana nga dyan. Old maiden- old maiden pinagsasasabi mo?! Marami pa akong makikilala, kaya hindi ko kailangang mag-madali.." Mataray at siguradong sagot ko sa kanya..

"Eh.. papano kung.... paano kung mamatay kana bukas?! Wala ka na makilala! Tsk.tsk.. Kawawa ang love life mo nun girl.. Hindi ko ba alam kung bakit nasa top ka eh ang bobo mo naman.. Hindi mo man lang naisip yung naisip ko.HAHAHAHA!" Atrimitida talaga ang babaeng 'to! Pakialamera! Bruha! Lukaret!

"Eh kung inuumpisahan na kitang patayin ngayon?? Ano?? Kita-kits nalang tayo kung saan mapapunta?!" Mataray na sabi ko pero syempre nag-bibiruan lang naman kaming dalawa, ganyan lang talaga kami mag-biruan..^_^

"HAHAHA! Ako sigurado sa heaven pupunta, Ikaw ba? HAHAHAHAHA!..." Aba at sumagot pa... "Osya. mukang sa kabilang taon kapa matatapos dyan, uuna na ako sayo ha.. Nagtext si Papa.."

"Mabuti pa ngang umaalis kana. Para tahimik ang buhay ko! Ingat Bruha!" Ibang klase kami no? HAHAHAHA!

Andito ako sa office ng Biology club, kung saan kasama ang mga hayop..

Literal na hayop..

Mamaya kung ano iniisip nyo dyan. ^__^

Patapos narin naman ako sa waiver na 'to... Lutang kase utak ko kaya medyo matagal akong gumawa. Haiyy.. Nabasa ko kase yung My Anatomic Love ni @YourPrettiestFriend kaya medyo may tama ako ngayon...

A/N: OO na, sige na.. Alam ko, ako na ang selfish na author! HAHAHAHA! i-advertise ba naman ang sariling story.. HAHAHAH! Hayaan nyo na, pretty naman kayo, LIKE ME! :DDD

Nakaka-inlove naman kase talaga si ALex Jeremy Miriano! OO! Yung leading man dun! Asaaar! Hindi ko talaga akalain na magiging sila ni Yin, pero medyo naiinis nga ako kay Yin eh, kase dapat ako nalang doon.

Heto na naman ang pagpapantasya ko...

Yeah... Story is still a story, malay ko kung hango sa totoong buhay yun o imahinasyon lang nung baliw na author nun, malaman ko man o hindi..

Left Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon