Kabanata 4

0 0 0
                                    

Hindi naman masyadong abala ang team namin ngayon kaya dinoble check ko nalang ang report namin, pagkatapos ay wala na akong ginawa kaya nagbukas muna ako ng facebook ko at nag scroll-scroll sa newsfeed.

Bumungad sakin ang groupie photo nila kuya kagabi. Si Lorens ang may hawak ng camera, nasa kaliwang side si Valerian at Brian samantalang magkatabi naman sa mahabang sofa si kuya at si Anton. Malalaki ang ngiti nila maliban kay Anton na seryoso lang na nakatingin, kagit ganun ang reaksyon ay hindi parin maipagkakaila ang kagwapuhan. Si Valerian ang nag post ng picture and as usual marami ang nag cocomment.

Nag view muna ako ng mga comment.

Lady Ignacio: How much that serious face guy?

Napataas ang kilay ko sa comment nya, may reply sa kanya si Valerian.

Valerian Ross: Ako nalang, libre pa.*wink emoticon*

The usual Valerian Ross.

May nag comment na isang babae na nakamention kay kuya.

Roseline: Aston Martin Guevarra mine na kita.

Paninda lang?

Napailing nalang ako sa mga comment na nababasa ko, halos kanyahin na nila silang lima.

Sabagay sino nga bang hindi makikipag-agawan sa kanila. As for now wala pa akong ibang nakikilala na kasing gagwapo at macho nila. Well, my Jaxon.

Inisa-isa ko silang stalkin. Una ay si Valerian na puro mga sexing babae ang nasa timeline, meron ding picture nya na naka boxer lang habang umispark ang six pack abs sa sikmura. Kasunod kong binisita ang timeline ay si Lorens at Brian, well as usual ano pa bang aasahan ko sa kanila?  Puro mga babae din ang laman ng timeline. Sinunod ko na si kuya, infairness naman at wala masyadong babae ang nalilink sa kanya lately dahil busy sya ngayon sa opisina.

Ang huli kong nabisita ay si Anton.

"Antonious Saadvedra." Basa ko sa pangalan nya.

Ang ganda talaga ng pangalan nya. Bagay na bagay sa kanya.

Two thousand lang ang friends nya hindi tulad nung apat na naabot na ang maximum friends. Pero umaabot parin sa ten thousand likes ang inupload nyang profile picture.

Nasa sea side sya habang nakasuot ng shades. Tanging boardwalk short lang ang suot nya, while hanging on his V line. Basa rin ang katawan nya ng tubig dagat. Hindi sya nakatingin sa camera dahil sa bandang kaliwa sya nakalingon, kaya nadepina ang perpektong hugis ng panga nya, kitang-kita din ang matangos nyang ilong sa anggulong iyon.

Ang hot.

Hindi sya masyadong active sa facebook, tanging mga tag lang ang bumubuhay sa timeline nya. Tag ng kung sino-sinong babae.

Nalibang ako sa pagbabasa ng mga nakatag sa kanya kaya hindi ko namalayan na alas sinco na kung hindi pa kumatok sa pintuan ko si Tristan.

"Andi, alas sinco na. Hindi ka pa ba uuwi?"

"Uuwi na rin ako. Sige mauna na kayo. Ingat kayo."

"Sige. Ikaw din."

Inayos ko na ang mga gamit ko para maka uwi na. Pauwi na rin naman siguro si kuya.

My phone beeped so I check it. A message from kuya.

Kuya: I need to take some time to finish my work. Expect me to be there anytime.

He said pertaining to the bar we are going in.

I just shrug my shoulder and proceed to the lot.

Secretly YoursWhere stories live. Discover now