Kabanata 6

2 0 0
                                    

Pagkagising kinabukasan ay parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Halos hindi na ako makatayo dahil sa sobrang hilo. Mabuti nalang at weekends ngayon kaya wala akong pasok sa opisina.

Nang tingnan ko ang phone ko ay madaming unread messages from kuya, Ally, Jack and Jaxon.

Una kong binuksan ay yung kay Jaxon.

Handsome: Drink med. after you wake up. I'm on a trip, 2 days sa Iloilo. I'll be back real soon. Take care. I love you.

Nireplyan ko lang sya madali at sinunod ko ng tingnan ay yung kay kuya.

Kuya: Bakit hindi ka nagsabi sakin na uuwi ka na? Dapat umuwi narin ako. You don't have to ride a taxi!

Napasintido ako sa text nya.

Sunod kong binasa ay yung sa mag kapatid. Parehong nag tatanong kung nasan na ako. Kung umuwi na daw ba ako dahil hindi na nila ako makita sa bar.

I just say sorry and make it up to them soon if we had an available time agaid.

Alas siete palang ng magising ako at dahil sa sobrang sakit ng ulo ay natulog nalang muna ulit ako. Wala naman akong ibang gagawin ngayong araw kaya matutulog nalang muna.

Around 1pm ng magising ako. Hindi na masyado masakit ulo ko kaya nakabangon na agad ako para makaligo. Kumakalam na ang sikmura ko kaya dumiretso na ako sa kusina.

"Andi, gising ka na pala. Manananghalian ka na ba? Hindi ka na nakapag almusal kanina. Sandali at ipag hahain kita."

Tatalikod na sana si manag pero pinigilan ko sya.

"Hindi na manang, ako na po. Salamat. Si kuya po pala?"

"Umalis. May katawagan kanina, mukhang nagtatalo. Hindi ko alam kung saan pumunta."

Tumaas ang kilay ko.

And who did my brother mad? At sino ang katalo nya? Hmm. I'm curious.

"Sige, manang. Salamat."

"O sya. Ako'y naglilinis pa sa gym ng kuya mo. Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka."

"Sige ho."

Pumasok na ako ng kusina para maghain ng makakain ko.

I check my phone.

Three missed call from Jaxon and also three messages from him too.

I read his messages.

Handsome: I missed you already.

Handsome: Can I call?

Handsome: Are you busy?

I take one spoonfull food before I reply.

Me: I'm sorry, Jax. I got doze off. Sobrang sakit ng ulo ko kanina kaya nakatulog ulit ako. Btw, I missed you already, too. *kiss emoticon*

Tinapos ko na ang pagkain ko at hinugasan na rin ito.

Wala akong magawa dahil weekends. Kadalasan pag ganitong araw ay magkasama kami ni Jaxon pero ngayon na wala sya ay sobrang boring ng araw ko.

Naupo ako sa sala at nagbukas ng t.v. Tutal wala naman ako magawa ay maglilibang nalang muna ako sa panunuod.

My phone beeped and a text came from Jaxon.

Handsome: Kakatapos lang ng meeting. How are you feeling?

Me: Ayos na. So, how was your day?

I was smiling like a mad man while texting him. I don't know, kinikilig lang ako. That's what I feel naman everytime na magkausap kami, text man o tawag.

Secretly YoursWhere stories live. Discover now