06

2.8K 182 3
                                    

Dear Diary,

Mahigit isang buwan pa lang ako rito sa Baguio pero namimiss ko na agad ang Pangasinan. Ano nga bang mga namimiss ko sa Pangasinan? Syempre unang-una si Brandon ko. Pangalawa, si cutiepie Brandon ko. At panghuli si lodibabes Brandon ko ulit.

Ang haba ng sinabi ko diary pero si Brandon lang talaga ang namimiss ko du'n--- ay isama mo na rin pala sin Lolo at Lola kahit hinampas nila sa ulo ko 'yung elisi ng electric fan para lang makasama ako rito kay Mama.

PS: Hindi ako napilitang imention sila okay?

Ewan ko ba kung ba't ako sumama kay Mama eh gagawin niya lang pala akong taga-hugas ng puwet nu'ng dalawang impaktitang anak ng amo niyang si Eugene kalbo at si Corazon ang unang aswang. Joke lang diary 'to, baka 'pag nabasa nila 'tong mga pinagsususulat ko sa'yo mapalayas kami nang wala sa oras nito.

Pero kamusta na kaya si honey bunch Brandon ko sa Pangasinan diary? Ano kayang ginagawa niya ngayong gabi? Nanonood kaya siya ng bold habang nagjajabol ngayon? Hiwalay na kaya sila nu'ng girlfriend niya ngayon na si Mikaelang malantong na hindi naghuhugas ng bilat?--- 'Yan 'yung mga tanong sa isip ko kanina pa diary.

Pwe! Ayoko na pala silang isipin! Nasasaktan lang ang left and right ventricles ng heart ko tuwing iniisip ko kung nasubo na ba nu'ng hampaslupang Mikaela na 'yun ang longgadog ni baby Brandon ko.

Syempre hindi ko naman maiwasang isipin 'yun kasi lagi silang magkadikit sa labas at loob ng school nu'ng pasukan pa. Malay ko ba kung 'yung malansang kweba naman ni Mikaela ang pinasukan ni baby Brandon ko 'di ba? Playboy kasi 'yun si baby Brandon ko diary. Bali-balita raw na 'pag natikman niya na ang babaeng natipuhan niya eh hihiwalayan niya na agad kinabukasan. Hindi pala siya playboy diary, pakboy pala siya.

Ako kaya diary, may pag-asa kayang tikman niya rin ako? Hehehe. Hindi ako ilusyonada diary ha? Nagtatanong lang ako.

Change the topic na nga tayo diary! Nagkakasala ako dahil sa'yo punyeta ka. Ito ang chika of the day ko sa'yo diary, tungkol ito sa nangyari kaninang tanghali.

So kanina pagkatapos makipagbasag-ulo ni Ian du'n sa mga kalaro niyang mababantot kanina, inalalayan ko siyang maglakad dahil bugbog sarado ang loko. Bwisit din kasi 'yung Ian na 'yun! Makikipagbasagan ng bungo eh hindi rin naman pala mananalo. Pumusta pa naman ako ng bente sakanya tapos matatalo lang pala siya. Eh papaano kasi, pinagtulungan siya nu'ng ilan sa mga kalaro niyang maaasim. Barkada pala 'yun nu'ng abnoy na halos magkandamatay-matay na kanina dahil sa suntok ni Ian.

Ang ending, natalo na nga ako sa pusta, may reward pa akong sapak kay Mama pag-uwi ko dahil ipinampusta ko 'yung pambili ko sana ng sinigang mix.

Pero bago ako umuwi, inalalayan ko muna si Ian pauwi sa boarding house niya diary. Ewan ko kung napilayan ba 'yun o ano basta 'di siya makalakad nang maayos.

"Salamat sa oras, Mikmik. Naabala pa tuloy kita." Pasasalamat niya pagkatapos kong linisin ang mga galos niya.

May iba pa siyang mga sinabi pero hindi ko na naaalala o mas maigi siguro kung sabihin ko na lang na hindi ko talaga naintindihan kasi tutok na tutok ang inosente kong mga mata sa abs niya diary. Pati pala isip ko nakafocus du'n.

Hindi ko naman sinasadyang tignan 'yung abs niya diary eh, napadaan lang 'yung mata ko kasi malikot talaga ang beautiful eyes ko. Wait, ba't ba ako nag-i-explain?

"Okay lang 'yun, masarap ka naman eh." sagot ko.

"H-Ha?" tanong niya.

Sa puntong 'yun diary nakalimutan ko talaga kung ano 'yung sinabi ko.

"Sabi ko God is good all the time, all the time God is good. Buti hindi ka namatay kanina. Hahahaha sayang." paglilinaw ko sakanya atsaka siya tumawa. Pero parang ang peke ng tawa niya diary, nakornihan ata siya sa 'kin.

Whatever!

Namamanhid na rin puwet ko sa tagal naming nakaupo kaya tumayo na ako para sana magpaalam na't umalis kaso nanlumo na naman ako sa itsura ng kwarto niya.

Oh my gosh diary, ganito ba talaga ang kwarto ng mga straight na lalaki? Parang nasalanta ng bagyong haliparot. Sobrang kalat! 'Yung gamit na brip niya sinabit lang niya sa doorknob. OMG talaga diary, parang gusto kong amuyin 'yung brip niya. Ahihihi.

Ay hala erase erase! Hindi pala ako malandi.

May nakita pa akong ipis na tumakbo sa sahig, syempre napasigaw ako nu'n sa takot diary kasi syempre OA nga ako. Kaso nagulat ako kasi bigla na lang akong inirapan nu'ng ipis atsaka bigla siyang lumipad sa pagmumukha ko.

"AAAAAAHHHHH SHETTT!!!" sigaw ko 'yan diary kasi nga OA talaga ako. Buti na lang sinampal agad ni Ian ng tsinelas 'yung mukha ko kaya imbis na 'yung ipis ang mamatay ako pa ata ang namatay diary.

Nang tuluyan nang mamatay 'yung ipis winalis na niya ito palabas.

"Pasensya ka na Mikmik ha? Nakalimutan kong maglinis ng kwarto kahapon. Madami kasi akong ginagawa." paumanhin niya habang napapakamot sa ulo.

Hays, gusto ko sanang maghimutok pero wala naman ako sa posisyon para gawin 'yun kasi hindi ko naman pamamahay 'to. Ang kapal ko naman kung magcomplain pa ako 'di ba?

"Okay lang 'yun. Ang mahalaga maganda ako at pogi ka." Kalmado kong sagot kahit sa kaloob-looban ko nagsusumigaw na talaga ang katawang lupa ko sa inis.

Bwisit diary! Nagkapasa ata mukha ko. Rambong tsinelas ba naman 'yung sinampal saakin edi basag ang bungo ko niyan.

"Hahaha. Baliw ka talaga noh? Ano namang konek ng pagiging maganda at pogi natin sa nangyari?"

Ang cute niya tumawa diary. Bigla kong nakalimutan kung ba't ako naiinis sakanya. Napangiti tuloy ako nang wala sa oras, kaso inalis ko rin 'yung ngiti ko nang mapansin kong titig na titig siya sa mukha ko.

May muta ba ako diary?

Napatingin ako sa ibang direksyon. "Mema lang. Wala na akong masabi eh, kaysa naman magspeechless ako edi ang awkward naman nu'n 'di ba?" sagot ko.

Tatango-tango lang siya sa sinabi ko diary.

"Sa bagay may point ka." tugon niya.

Ang pogi ng boses niya diary. Parang kaboses niya si Brandon mei'luvs na medyo mas malalim.

Napangisi ako bigla. "Sabi kasi saakin ng lola ko, It's okay to say something stupid than to stay quiet because ice for sale is the best policy. Advice 'yan ng lola ko saakin noon." pagmamayabang ko.

Biglang nag-iba ang expression ng mukha niya diary.

"HAHAHAHA laptrip 'yang lola mo, ang talino ah! Siguro favorite siya ng teacher niya nu'ng kabataan niya." Natatawa niyang sabi.

"I know rights." sagot ko lang.

Ahihi. Alam ko naman 'yun diary. 'Di ba nga lahi kami ng mga matatalino at maganda na rin syempre.

Wait lang may kasunod pa 'yan diary teka puno na 'yung back to back page mo. Kinginamers!

Hindi pa tapos magchika,
Mikmik

@kyotieblythe

He Loves Me, He Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon