Dear Diary,
Kanina pa ako ikot nang ikot sa sulok-sulok ng masikip na kwarto namin ni Mama. Nagpaplano kasi akong ibalik ngayong araw 'yung mga drawing ni Ian sakanya. Ewan ko ba diary, kagabi hindi ako makatulog, para akong nagi-guilty na ewan. O baka naman nag-o-overthink lang ako?
Kung para sakanya simpleng drawing lang 'yung mga 'yun, para saakin kasi hindi. Hindi lang ito basta iginuhit nang walang dahilan, kung bubusisiin nang mabuti 'yung bawat drawing niya halatang may pinanghuhugutan siyang inspirasyon.
Sa madaling salita, halatang motivated siya. Sino kayang nagmomotivate sakanya nu'ng mga panahong idinrawing niya 'yung mga 'yun diary noh?
Ah okay diary, mukhang kilala ko na pala kung sino. . . edi syempre 'yung girlfriend niya 'yun panigurado.
Pero nasaan kaya 'yung girlfriend niya diary? Bakit hindi sila magkasama? Eh 'di ba dapat ang mga magshota always stick to each other? Kumbaga ang armchair, hindi mo matatawag na armchair kapag walang arms kasi nga armchair 'di ba?
Nagi-gets mo ba ako diary? Hay nako, boplaks mo talaga ever diary. Isa pang problema ko eh 'yung pagpapaalam ko kay Mama, paano kaya ako makakapagpaalam sakanya nang hindi niya nalalaman kung saan ako pupunta?
Napatigil ako sa pag-ikot-ikot ko nang marinig kong may namumuong ingay sa labas. Mukhang nagkakagulo sila!
Kabado akong lumabas ng kwarto. Wala akong taong nadatnan sa sala pero narinig ko sila sa labas kaya sigurado akong nasa nandoon sila.
'Di ko pa tuluyang nabubuksan ang pinto pero sure ako na may nangyaring hindi maganda. Oh my kipay diary! What is happening kaya?
Naabutan kong pinagkakaguluhan nila Mama at nu'ng dalawang impaktitang bata si Tito Eugene.
"Does it hurt, Dad?" - Impaktitang nerd.
"OMG! Kadiri, there's a blood!" - Impaktitang loka-loka
"Teka lang, sir. Kukuha ako ng ipanglilinis sa sugat niyo." Tarantang paalam ni Mama bago kumaripas ng takbo papasok ng bahay.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong iika-ikang naglalakad si Tito Eugene with matching gasgas sa ilang parts of the body niya at sugat on the tuhod. Oh my gas, diary! What happenings! #ConyongBakla
Dahil isa akong dakilang sipsip, agad akong lumapit sakanya para alalayan siyang maglakad, hindi naman umepal 'yung dalawang anak niya kaya okay lang. Wala si Tita Corazon ngayon dito kasi tapos na ang die off niya kaya otomatik na nasa trabaho siya.
Sigurado akong sesermunan na naman siya ng asawa niyang si Corazon ang unang aswang.
"Ano po bang nangyari sainyo, tito?" Medyo nag-aalala kong tanong sakanya bago ko siya ipaupo sa monoblock na upuang nasa gilid ng mga halaman.
"Eto, dinalaw ng malas. Naaksidente sa motor." sagot niya at napakamot sa ulo. Nagtaka ako bigla diary kasi wala naman siyang buhok pero nangangati pa rin ang ulo niya. Taray diary ah, binabalakubak din pala ang mga kalbo.
"Po? Naaksidente kayo sa motor? Eh 'di ba kotse ang sinakyan niyo kanina? Paano kayo nagkamotor? Nagugulahan kong tanong.
"Diskarte lang, car nap car nap lang 'pag may time." sagot niya na may kasama pang pagtaas-babang kilay.
Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya diary. Gago pala 'tong si Tito Eugene eh! Kawatan pala ampota. #KalboMasamangTao lang ang peg HAHAHAHA laughtrip.
Hindi na lang ako sumagot.
Napatawa naman ang kalbo nang wala sa oras dahil sa reaksyon ko. "Biro lang 'yun ah? Baka isipin mo na car napper talaga ako. Hahaha!" Paglilinaw niya.
"Hindi na po ako magtataka kung totoo nga na car napper kayo kasi magface mask na lang kayo ng itim mukha na kayong kawatan eh." Wala sa sarili kong sagot kaya't agad kong tinikom ang bibig ko.
Nagulat ako nang bigla namang tumawa si Tito Eugene.
Hays, may katok talaga sa utak 'tong si Tito Eugene kung minsan diary. Inasar na nga tatawa pa ampota HAHAHAHAHAHA kalbo!
Maya-maya pa ay nakabalik na si Mama dala ang mga first aid kit na kinuha niya. Nilinis niya ang mga sugat ni Tito Eugene, wala na rin naman akong gagawin kasi nando'n na si Mama kaya naisipan ko nang pumasok sana dairy kaso. . .
"Mikmik!" Narinig kong may tumawag sa pangalan ko.
Napatigil ako saglit para lingunin kung sino man 'yung lechugas na kalakas-lakas ng boses na kung makatawag akala mo ipapaaresto ako sa pulisya pero nalaglag ata ang panty ko este brip pala after ko masight kung sino 'yun.
Shutanginames! Ang gwapo niya--- este ano palang ginagawa niya dito diary?!
Papalapit na siya ng takbo saakin.
Ewan ko ba diary pero habang pinapanood ko siyang tumakbo papunta saakin parang kakaiba ang nararamdaman ko. Para bang nag-i-slow motion ang paligid at tanging siya lang ang nakikita ng mga mata ko. Unti-unti ring bumibilis ang tibok ng heartless ko at pakiramdam ko. . . may mga paro-parong nagliliparan sa loob ng sikmura ko.
Diary, help meee! Ito na ba ang sign?
Is this the sign of. . .
DIARRHEA?
Natatae,
Mikmik@kyotieblythe
BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not
RomansOo diary! Promise! No lies! Mamatay man 'yung kapit-bahay namin! Hindi ako nagsisinungaling! Hinalikan ako niya ako. . . Hinalikan ako ni Ian, hihi. Inggit ka ba diary? Magfinger ka na lang. -------------------------------------------------------- S...