➤kyotieblythe's note
lutang ako nu'ng sinulat ko 'tong chapter na 'to kaya medyo korni siya sksksksks-----
Dear Diary,
Naiinis ako diary! Gustong magbasag ng mga plato para iparamdam sa'yo kung gaano kalala ang inis ko na nararamdaman ko kaso 'pag ginawa ko naman 'yun baka basagin lang ni Mama 'yung mga mangkok sa ulo ko kaya 'wag na lang.
'Wag kang mag-alala diary, nitong mga nakaraang araw tinigilan na rin ako sa wakas nu'ng dalawang batang impaktita sa mga pangwawalang hiya nila saakin.
Iba naman ang dahilan kung ba't ako naiinis ngayon--- 'yung mga basabolerong barkada kasi ni Ian!
Ganito kasi 'yan diary, inutusan ako ni Mama na bumili ng sinigang mix sa labas, ewan ko nga kung anong gagawin ni Mama sa sinigang mix eh adobo naman 'yung ulam namin kanina.
Eto 'yung nangyari kanina diary. . .
"Nak, bili ka nga sinigang mix sa labas. 'Yung maliit ha? Nasa taas ng ref 'yung pera." Syempre si Mama ang nag-utos niyan, hindi naman pweding ako ang mangutos dahil baka isaksak niya sa tagiliran ko 'yung kutsilyong pinanglilinis niya ng manok.
"Kaloka ka naman, Ma. Hindi ko kabisado itong Baguio baka maligaw pa ang beautyness ko sa labas." reklamo ko 'yan kay Mama diary.
Kaso dahil nga si Mama ay isang dakilang kill joy na pandak, talagang natyempuhan pa niyang ibato sa'kin 'yung chopping board na nakabalandra sa faucet.
Kainis talaga si Mama diary noh? Kung makabato akala mo naman pagmamay-ari niya 'yung mga gamit dito eh 'yung panty nga niya galing lang sa pa-give away ni Tita Corazon.
"Ikaw Mikmik 'wag mong pinapainit ulo ko ah. Andami ko pang nakaabang na gagawin kaya tumulong-tulong ka naman. Hindi kita dinala rito sa Baguio para maging batugan lang! 'Wag kang OA, sa kabilang kanto lang 'yung tindahan!" sigaw ni Mama habang nakapamewang pa.
Kung alam ko lang sanang gagawin niya lang akong assistant kasambahay dito sana pala hindi na lang ako sumama. Nangrealtalk na siya eh, ano pa bang magagawa ko diary? Edi sumunod.
Kinuha ko na 'yung bente sa taas ng refrigerator na pagkataas-taas, atsaka na 'ko lumabas.
Paglabas ko biglang nanginig mga tuhod ko sa sobrang lamig. For a meantime nakalimutan kong nasa Baguio nga pala ako. Puting t-shirt lang ang suot ko nu'n na may tatak pang Never Give Up. Syempre may shorts din sa baba! Gago ka ba diary? Alangan namang hindi ako magsaplot edi nakita ng mga tao ang bayabas ko. Okay nang walang brip basta may shorts, 'di ba diary?
Nagwiwiggle tuloy 'yung putotoy ko habang naglalakad ako. Ang ganda ng view du'n diary, kitang-kita ko 'yung hamog ng hangin sa daan atsaka 'yung mga bahay sa bundok na sure akong mawawasak na sa landslide.
'Di man lang sinabi ni Mama kung sa kanan o kaliwang kalsada ako dadaan. Pero ang ending, sa kaliwa ako dumaan diary kasi pakiramdam ko tinuturo ng kaluluwa ko na doon ang tamang daan. Yes diary, kaya kong gawing compas ang kaluluwa ko.
Nagsimula na 'kong maglakad.
Medyo malayo-layo rin ang nilakad ko siguro 10 meters gano'n. Ang layo diary noh? Habang patuloy akong naglalakad may mga ingay akong naririnig na parang nagsisigawang mga lalaki at pagtalbog ng bola.
"Foul 'yun ah!"
"Pasa mo rito, Jeremy!"
"Tangina, ang daya niyo!"
BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not
RomansaOo diary! Promise! No lies! Mamatay man 'yung kapit-bahay namin! Hindi ako nagsisinungaling! Hinalikan ako niya ako. . . Hinalikan ako ni Ian, hihi. Inggit ka ba diary? Magfinger ka na lang. -------------------------------------------------------- S...