Chapter One

13 4 0
                                    

Three Slaps, You Moron!

Dessa's POV

Simple lang ang buhay ko rito sa Manila. May isang maliit na business which is cakes and pastries na minamanage at may simpleng bahay na tinitirhan. Mahirap kasi ang buhay namin sa probinsya. At nang makatungtong ako rito ay balak ko sana na magtrabaho nalang para sa susunod na taon ay makapag-aral na ako sa kolehiyo pero dahil may naipundar naman ako at sa tulong nang mga may kaya kong mga kamag-anak ay minabuti kong magtayo nalang ng negosyo.

Actually, inuupahan ko lang itong pwesto na ito. Kamag-anak ko rin kasi ang may-ari kaya hindi na ako nahirapan pa.

Ang bongga diba? Atleast, sa ganitong paraan ay kumikita at nakakapag-ipon ako. May talent din naman ako sa pagbe-bake kahit hindi culinary ang kursong nais ko.

At kung nagtataka kayo kung bakit sa mura kong edad, I mean.. twenty one na ako noh, ay nagagawa ko nang magbusiness at magpalago ng pera, ay mas nagtataka ako kung bakit nakikialam kayo. Joke.

Biro lang iyon. Ang totoo kasi niyan ay ganito rin ang negosyo ng mama ko doon sa probinsya namin, sa Negros Occidental. Natutunan ko sa kaniya ang lahat kaya in-apply ko ito sa aking sarili. Madiskarte kaya ako noh.


Ang ibang gamit ko sa shop ay binigay lang ng mga tita ko rito, at ang iba naman ay nabili ko nang tumaas taas na ang kita ko. Hangang-hanga tuloy sila sa akin dahil sa sipag at tiyaga ko.

At ang bahay na tinitirhan ko rito sa Quezon City ay dating bahay nina Tita Mildred, kapatid ni Mama. May isa pa kasi silang bahay sa Novaliches kaya pinatirhan nila sa akin ang bahay na iyon nang sa gayon ay may magaalaga at maglilinis naman doon.

Ang cool lang.

Mabuti at may mga mababait akong kamag-anak rito dahil kung hindi ay saan kaya ako pupulutin.

At dahil matumal ngayong araw ay naisipan kong magsara muna at mamasyal na lang sa mall para naman makapagrelax at makapag-enjoy ako, puro nalang kasi trabaho ang inaatupag ko.

Madaling-madali sa pag-iipon dahil gusto ko na talagang magcollege. Naawa na kasi ako sa mga magulang ko na naghihirap doon sa probinsya namin. Tapos may apat pa akong kapatid na pinapalamon-este inaalagaan doon.

"Tricia, magsara na muna tayo dahil matumal rin naman ang benta ngayong araw. Hindi mo kasi ginalingan sa pag-masa." Tawag ko sa bestfriend slash katulong ko rito sa shop. Kapit bahay namin siya sa probinsya. Sumama kasi ito sa akin galing dahil nabanggit kong magnenegosyo muna ako at gusto niya raw magtrabaho sa akin, kaya sinama ko nalang siya. Pareho din kasi kami ng layunin rito, ang makapag-aral.

Narinig ko naman ang sigaw nito mula sa kusina. "Sandali lang at tatapusin ko lang itong mga hinuhugasan ko. Baka hindi mo ako swelduhan e." Kita mo iyon. Ang gaga nangongonsensya pa. Akala mo naman ay hindi siya siniswelduhan wala naman akong palya sa pagsweldo sa kaniya. Feeling business woman kaya ito kaya alam ko ang ginagawa ko.

Pinagpatuloy ko nalang ang paglilista ng mga ingredients na bibilhin at kakailanganin.

Nang matapos na ito ay agad niya akong kinompronta. "Wow my dear bestfriend Dessa Nicholette Margallo, anong himala at naisipan mong magsara ng maaga?" Amaze na amaze pa siyang binanggit ang buong pangalan ko. Punyeta 'to, hindi na lang matuwa e.

Joke lang ulit.

Baka sabihin niyo, ang maldita ko. Maldita lang talaga ang isip ko pero hindi ko naman inaakto 'no. Minsan lang.

Isinilid ko muna sa sling bag ko ang listahan sinulat ko saka siya hinarap. "Matumal pa naman kasi ngayong araw, baka bukas ay muli silang dadagsa tsaka wala ring nagtext sa akin na oorder." Nababagot na sagot ko. Iniisip ko na kahapon naman ay ang lakas ng benta namin, actually almost everyday, pero ngayon... Anong meron?

Three Slaps, You Moron! Where stories live. Discover now