Chapter Two

12 3 0
                                    

Three Slaps, You Moron!

Dessa's POV

"So, bakit ka nga nag-iinarte? Ikwento mo naman sa akin kung ayaw mong masampal ng tatlong beses." Hindi sa chismosa ako pero gusto ko lang talagang malaman kung ano ba talaga ang mga dahilan niya para maisip ang ganoong bagay. Hindi naman kasi basta basta mag-iisip ang isang tao na tapusin ang buhay niya kung wala itong matinding pinagdadaanan.

Narito kami ngayon sa aking kwarto dahil hinahanapan ko siya ng pamalit na isusuot kasi ang pormal ng suot niya na mas lalong nagpapagwapo sa kaniya. All I can see is perfection towards this man. Chos!

Naka polong puti kasi ito, naka black pants at nakasapatos na itim. Inisip ko tuloy na pinaghandaan niyang mabuti ang pagpapakamatay niya ha? Ready na siyang pumasok sa kabaong kung gayon.

Bakas naman sa mukha niya na hindi niya gustong ibahagi ang problema niya pero kanina ko pa talaga siya pinipilit. Bahala siyang mabad-trip sa kakulitan ko at sa kamalditahan ko.

"My girlfriend broke up with me. My parents died unexpectedly on a car accident. My relatives blame me for that. They wanted me to be vanish so I guess I'll have to. Now tell me, why would I stay and live this miserable life?" Malungkot na tugon niya.

Nakakaawa nga ito. Para na siyang tinalikuran ng lahat dahil sa mga bagay na iyon. Pero hindi pa rin rason iyon para magpakamatay ano? Mahalaga ang buhay ng isang tao at walang sinuman ang dapat magdikta ng landas natin.

"Sa girlfriend or ex mo ay walang kaso iyon. Sa parents mo naman, I felt sorry for you. Pero sa mga hinayupak mong kamag-anak, aba! Gago ba sila? Bakit ikaw ang sisisihin e wala ka namang kasalanan? Bakit ka nila gusto mawala na rin? E kung sila kaya magpakamatay para wala nang toxic sa mundo. Nakakairita kayo." Inihagis ko sa kaniya ang isang tshirt at isang short at inerapan siya. Feel ko ay madidislocate na talaga itong mata ko kakairap sa kaniya. Nakainis kasi.

Kung tatanungin nyo ako kung bakit ako naiinis, basta naiinis ako. Wag ka na magtanong.

Bumuntong-hininga naman siya. "I don't-" pinutol ko ang sasabihin niya, "pwede ba, wag ka na ngang panay english jan. Hindi sa bobo ako pero ang tipid mo kasing magsalita kapag english e. Gusto kong magtagalog ka at nang makapagkwentuhan tayo ng maayos."

Tumayo na ako para lumabas ng kwarto upang makapagbihis siya. Gusto ko sanang tumingin e kaso parang ang landi ko na. Hindi ko naman ugali ang maging bastos lalo na't lalaki ito.

Habang nasa labas ako at nakasandal sa nakasaradong pinto ay sinigawan ko siya. "Ano nga pala pangalan mo? Nyeta ka, pinatuloy agad kita rito e ni hindi pa nga kita kilala."

"My name is Terrence. Terrence Kingston Fausen. Ikaw, anong pangalan mo?" Aniya, balik tanong niya sa akin. Ang hot talaga ng boses, ang sarap niyang pakinggan kapag nagsasalita.

'Wag mo nang tanungin kuya, maiinlove ka lang' Char.

Nakangisi naman ako, its like getting to know  each other na girl, kinikilig tuloy ako ng very slight. "I'm Dessa Ganda." Simpleng sagot ko.

I heard him chuckle. "Ano?"

Ano ba iyan, hindi naman narinig ang maganda kong pangalan. Kairita naman ito. "Dessa Margallo. Leche 'to." Pagtataray ko na napairap pa sa hangin.


'Terrence Kingston Fausen. Ang haba naman ng pangalan nito. Ang gwapo pa, ng name ha! Ang gwapo ng name ng kumag na ito.'

Natatawa pa ako ng bahagya nang biglang magbukas ang pinto na siyang ikina out balance ko. Mabuti na lamang at may mga matitipuno bisig ang sumalo sa akin upang hindi ako tuluyang matumba.

Three Slaps, You Moron! Where stories live. Discover now