Nang imulat ko ang mata ko, nagulat ako na puro white ang nabungaran ko. Nasa langit na ba ako? Iginala ko ang tingin ko sa loob ng silid, bakit me mga aparato at sino tong nakadungko sa kinahihigan ko? Umupo ako at ibiniling ang mukha nito. Nanlaki ang tsinita kong mata nang makita ang side view ng lalaki at unti-unting nagbalik sa alaala ko ang mga nangyari. Mabilis akong napabangon at tinanggal ang kung anong nakakabit na aparato sa braso ko. Hanggang ngayon,hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang dapat kong isipin at maramdaman. Blangko pa rin ang utak ko. Eh bakit naman kasi ako masusuntok ng sobrang lakas? Si Hiro lang ang nanununtok sa akin pag nag-i-sparring kami pero hindi naman ako nito sinasaktan lalo na sa mukha.
Speaking of Hiro,asan na kaya ang buddy kong yun. Lagot sa akin ang lalaking yun,iniwan ako ditong mag-isa kasama ng isang estranghero.
TOFFI's P.O.V.
"Kuya,asan na si Shindi?"boses ni Kate habang niyugyog ang balikat ko ang gumising sa akin.
"Nakatulog pala ako,eh asan nga ba?"tanong ko.
"Pare naman oh, bakit pinabayaan mo si Shindi?"asar na tanong ni Hiro.
Sakto namang pagpasok ng nurse na in-charge kay Shindi na tila nagulat nang makita kami.
"Bakit andito pa kayo? Nakalabas na yung pasyente dito. Nabayaran na nga yung bill eh,"sabi ng nurse.
Kami naman ang nagulat. "Tara nang umuwi kung ganun. It's already twelve in the midnight,"basag ni Kate sa katahimikan!
"Sabay ka na sa amin,"sabi ko kay Hiro.
"Thanks na lang, i'll take a cab. Mauna na ako. See you tomorrow Kate,"paalam ni Hiro.
SHINDI's P.O.V.
Binalikan ko yung kotse na nakaparada pa din sa harap ng studio ng advertising company bago umuwi sa condo. Naratnan ko si Hiro sa unit ko.
"San ka galing?"kunot-noong tanong nito.
"Kinuha ko po yung kotse," nakangusong sabi ko. Nilapitan ako nito at bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan nito ang maitim na bahagi ng pisngi ko na me pasa.
"Nag-alala ako kanina. Masakit pa ba?"
"Hindi na. Blangko ang utak ko kanina. Nakatulog tuloy ako pagkatapos nya kong suntukin!"
"Gagong Toffi yun,napagkamalan kang lalaki. Eh bakit mo ba kasi hinipuan sa dibdib si Kate?"
"Excuse me! Mas malaki ang dibdib ko dun no. Hindi ko po sya hinipuan. Natisod ako pero balikat nya yung hahawakan ko."
"Patingin nga kung mas malaki yan kesa kay Kate,"biro ni Hiro.
"Buset ka!"malakas ko tong sinuntok sa tyan.
"Aray ko."
"Hoy gabi na,bumalik ka na sa unit mo,tatapusin ko na yung webtoon ko!"
"Magpahinga ka na muna,saka mo na gawin si 'KOKAI'... maawa ka naman dyan sa pasa mo."
"Toffi ba ang pangalan ng sumuntok sa akin? Grabe,di pa rin ako maka-move on na napagkamalan nya akong lalaki."
"Loko kasi yung gumupit sa buhok mo,sabi ko naman haba-habaan pa ng konti eh. And i guess,dahil din dyan sa damit mo."
"Itatapon ko na mga damit ko,magsusuot na ko ng pambabae!"
"Wag! Bakit naman? Wag ka magpaapekto sa iba,twin brothers tayo kaya dapat parehas ang isinusuot natin!"react ni Hiro.
"Joke lang yun,kaw naman,kumain ka na ba?"
"Kumain kami ni Kate kanina kaya si Toffi lang yung nagisnan mo!"
BINABASA MO ANG
SHINDI
Teen FictionShindi Kishimoto secretly hides her affection for her buddy Hiro Kagesaki. Their fathers are best of friends kaya naman they grew up together, as in they attended the same school from kindergarten to college. Hiro treats her like his own brother at...