TOFFI's P.O.V.
Niyaya kami ni Auntie Eren na magbiseklita sa Luneta pero tinatamad si Kate at si Kuya Chan naman ay maagang pumasok sa kompanya kaya napilitan akong samahan si Auntie pero hindi ko akalaing nagloloko na pala ang bike na ginagamit ko. Hindi ko na nga mahabol si Auntie,hindi ko na matanaw kung asan sya,palingon-lingon tuloy ako habang nagba-bike at nabigla din ako nang mamalayan ko na lang nasa gilid na pala ako at may lalaking nakatayo sa daan,huli na para umiwas,nabangga ko na ito. Tumalsik din ako pero mabilis akong tumayo at nilapitan ang nabundol ko. Hinawakan ko ito sa balikat at marahang itinayo.
"Mister, im sorry,nagloko kasi ang preno ko eh,"apologetic kong sabi pero nagulantang ako nang makilala ito.
"Ikaw!"magkasabay na bulalas namin.
"Pag minamalas nga naman ako. Sabi ko na nga ba,may instinct ako ngayon na delikado para sa akin ang umagang ito!"galit na galit na sabi ni Shindi.
"Halika,dalhin kita sa ospital!"nag-aalalang sabi ko.
"Pwede ba,okey lang ako,hindi ako kasing clumsy na kagaya ng inaakala mo!"nakapameywang na sabi nito.
"Shindi,i'm sorry!"sincere kong sabi. Hindi ko alam kung bakit natigilan ito nang sabihin ko yun."Sorry talaga, pagsusuntukin mo ako,okey lang yun sa akin. Kung yun ang paraan para makaganti ka!"
"Tseh!"
"Toffi,anong nangyari? Bakit inabandona mo na ang bike mo?"tanong ni Auntie Eren na napatingin kay Shindi."Oh I see!"
"Auntie Eren,si Shindi! Shindi,sya ang auntie ko!"
Nagmano si Shindi sa auntie ko na makahulugang ikinangiti nito.
"So,ikaw ang napakagandang si Shindi!"sabi ni Auntie Eren.
"Kilala nyo po ako?"
"Oo naman,"makahulugang tiningnan ako ni Auntie.
"Auntie,ang sama sama ng pamangkin nyo,binundol nya ako ng bike at ang mas masakit dun tinawag na naman nya akong Mister!"parang batang nagsumbong si Shindi sa Auntie ko.
"Totoo ba yun ha Toffi?"kunway galit na sabi ni Auntie.
"Auntie,nagloloko nga yung preno ng bike. Matagal ko na rin kasi yun hindi nagamit. Bigla ka na lang kasi nagyaya,hindi ko tuloy natest yung bike!"
Malakas akong siniko sa dibdib ni Shindi. "At bino-bottomline mo pa ng sisi si Auntie Eren!"
"Oo nga,ang bad mo Toffi,"saway ni Auntie. "Ahm,Shindi, nasaktan ka ba?"
"Hindi po pero me pasa pa po ako sa pisngi dahil sa magaling nyong pamangkin!"
"Pano ka ba kasi napagkamalang lalaki ni Toffi eh napakaamo ng mukha mo,well,medyo panlalaki nga ang attire mo."
"Auntie, i told you i was trying to protect Kate, nagkamali nga ako ng interpretation."
"Tara na munang magpahinga. Are you sure na walang masakit sa'yo ha Shindi?"
"Wala po Auntie!"
"Tara na dun sa picnic mat natin Toffi,"yaya ni Auntie. Hinawakan na lamang namin ni Auntie ang bike papunta sa pinaglatagan namin ng banig ni Auntie. Malapit lang naman yun mula sa pwesto namin.
Palihim kong sinusulyapan si Shindi habang masayang nagkukwentuhan ang dalawa. Maya't maya nagtatawanan ang mga ito.
Totoo ang sinasabi ni Auntie,maamo nga ang magandang mukha ni Shindi. Tsinita ang mga mata, cute ang pagkakatangos ng ilong at manipis ang pinkish lips. May pagkakahawig ito sa Korean actress na si Park Shin Hye. Kulay brown ang buhok nito na katulad ng style ng buhok ni Hiro.
BINABASA MO ANG
SHINDI
Teen FictionShindi Kishimoto secretly hides her affection for her buddy Hiro Kagesaki. Their fathers are best of friends kaya naman they grew up together, as in they attended the same school from kindergarten to college. Hiro treats her like his own brother at...