Nagulat si daddy nang magkasama kaming umuwi ni Toffi pero mas nagulat yata ito na naka-casual dress ako.
"Anong nakain mo at sinuway mo si Hiro ngayon?"yun ang sinabi nito nang makita ako.
"Dad, hindi ka ba masaya na sexy ng anak mo!? Isinama ko si Toffi dahil nagtatampo ako sa inyo. Wala ka man lang sinabi sa akin tungkol sa kanya!"
"Bakit boyfriend mo na ba si Toffi?"
"Never daddy!"
"So walang issue hija. Kumustahin mo muna ang Tita Isabel mo."
"Ok dad."
Hindi na ako nagpalit ng damit nang pumunta ako sa bahay ng parents ni Hiro.
"Good afternoon Tita,"bati ko sa mama ni Hiro na agad kong bineso-beso.
"Shindi!"nagulat ito at titig na titig sa akin."Asan si Hiro?"
"Hindi ko po sya kasama. Asan si Tito Tomo?"
"Nasa kompanya. Naubos na ba yung mga damit mo? Marami na akong bagong design para sa inyong dalawa ni Hiro. Iuwi mo na sa condo nyo pagbalik mo dun!"
"Ahm,tita,galing to kay Kate. Remember her? Sya ang first love ni Hiro!"
"Nagkita na sila!?"
"Yes tita at parang nagkakamabutihan na sila!"
"Ok lang sayo?"
"Opo naman!"
"Ganun ba? Ahm,kumain ka na ba? Magpapahanda ako ng pagkain kay Manang Salome.
"Wag na po. Tita,pwede ba akong pumunta sa kwarto ni Hiro? May pinapakuha lang sya!"
"Sige,bahala ka. Bukas naman yun!"
Umakyat ako sa kuwarto ni Hiro. Matagal na akong hindi pumapasok dito. Simula pa nung araw na nagtapat ako ng feelings dito. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid. Halos wala pa ring nagbago simula noon. Napakasinop talaga ni Tita Isabel.
Napatingin ako sa mga painting na ginawa ni Hiro. Nilapitan ko yung canvass na nakadrowing ang magkaakbay na sina Hiro at Kiro. Yun ang huling ginawa ni Hiro bago ang aksidente at dahil sa trauma, hindi na ulit nagpinta ang buddy ko.
Muli kong tinitigan ang canvass. Kinilabutan ako. Namiss ko bigla si Kiro. Magkahawig na magkahawig talaga ang dalawa.
Teka,asan na ba yung canvass na dinrowing ni Hiro para kay Kate. Hinanap ko yun sa closet at tuwang-tuwa ako nang makita ko yun. Nakabalot na ito sa plastic. Kinuha ko ito. Nang pababa na ako ay napadaan ako sa dating kwarto ni Kiro.
Ewan ko kung ano ang nagtulak sa akin para pumasok dun. Pinagmasdan ko ang buong silid. Napakalinis pa rin. Naalala ko tuloy nun, kiro used to play piano and sing for me sa silid na yun. Marami kaming memories ng kabataan sa silid na ito.
Namalayan ko na lang pumapatak na pala ang luha ko. Kiro,i miss you.
"Shindi!"nagulat ako nang bigla akong tawagin ni Tita Isabel mula sa sala.
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at saka bumaba na.
"Ano yan?"
"Painting po ni Hiro para kay Kate."
"Ah,napakaganda talaga ng batang yan. Ay hija, kumain ka na muna. Naghanda ai Manang Salome ng paborito mong pansit guisado!"
"Talaga po,ay namiss ko yan." Inilapag ko muna sa sala ang painting bago excited na kumain kasalo si Tita Isabel.
Panay ang bilin nito sa akin tungkol kay Hiro at ipinadala pa sa akin ang isang travelling bag kung saan nakalagay ang mga bagong design na damit daw namin ni Hiro. Mayamaya ay nagpaalam na rin ako dito.
BINABASA MO ANG
SHINDI
Teen FictionShindi Kishimoto secretly hides her affection for her buddy Hiro Kagesaki. Their fathers are best of friends kaya naman they grew up together, as in they attended the same school from kindergarten to college. Hiro treats her like his own brother at...