KABANATA 4

9 3 0
                                    

Nagulat na lang ako nang magisnan si Hiro na naghahain ng breakfast.

"Goodmorning buddy!"masiglang bati nito. Napakunot-noo ako. Anong nangyari? Anong nakain nito at nakalimutan na nito ang galit sa akin kagabi.

"May nangyari bang himala nung natulog ka?"maang kong tanong.

"Hindi ako nakatulog kagabi. I'm sorry buddy,hindi ko na naman nakontrol ang emotions ko."

"Wala ka naman kasing dapat ikabahala. I'm fine,I can take of myself."

"I know,"nilapitan ako nito at niyakap. "Im sorry, basta next time, ipaalam mo sa akin kung nasan ka talaga ha."

Kumalas ako sa pagkakayakap nito. "Opo! Lika na,kainin na natin yang niluto mo."

"Babawi ako sa'yo kaya dadalhin ko kayo ni Kate sa disco mamayang gabi!"

"Disco? Ok ka lang?"

"Oo nga,kasama rin si Toffi at Kuya Chan."

"Napapayag mo sila?"

"Well,si Kate ang nagsabi sa kanila."

"Bakit hindi mo pa isinama sa imbitasyon si Auntie Eren!"

"Muntik na nga kaso inunahan na ako ni Kate na hindi nagpupunta sa disco si Auntie Eren!"

"Kaloko mo talaga!"

After breakfast ay nagworkout kami sa unit ni Hiro,me mga equipment kasi ito. Back to normal na kami. Parang walang nangyari.

"Hindi na masyadong halata ang pasa sa pisngi mo,konting blush on lang, hindi na yan kita!"sabi ni Hiro.

"Ang bading mo buddy! Kelan mo pa nalaman yang mga term na gaya ng blush on!"

"Remember that i'm a model. Mini-make-up din ako!"

"Ang bading mo pa rin!"

"Hoowoy,hwindwi awkow bawdwing now...."pagtotono pa nito na parang bading na ikinatawa ko ng wagas.

"Bagay na bagay sa'yo buddy!"

Tawa lang ito ng tawa.

Kinagabihan,hindi ko alam kung bakit bigla parang gusto kong magsuot ng mga kagaya ng isinusuot ng mga girls sa disco. Pero wala nga pala akong damit na pambabae talaga. No choice, kelangan kong magsuot ng tulad ng attire ni Hiro.

"Wow,pogi natin buddy!"puna ni Hiro,lumapit ito sa akin at nilagyan ng gel ang buhok ko na iginaya ng style sa buhok nito.

"Mapapagkamalan na naman akong lalaki nito!"

"Ok lang yun pogi ka naman. Pano ako makakakilala ng lalaki nyan?"

Napakunot-noo ito. "Buddy, you don't have to meet anyone else. Andito ako!"

"Selfish mo talaga!"

Hinawakan ako nito nang mahigpit sa braso. "Don't you dare look for anyone's attention!"

Nagulat ako sa reaction nito."Buddy,let go of my arms,nasasaktan ako!"

"Tara na!"sabi nito.

Yung dalang family van ni Manong Dodot ang ginamit namin para magkakasya kami kasama ng magkakapatid nina Kate.

Katabi ni Manong Dodot sa unahan si Kuya Chan. Sina Kate at Hiro sa pangalawang seat. Tas,magkatabi kami ni Toffi sa likod.

Pagdating sa disco ay um-order kami ng wine ni Kate. Hard liquor sa mga guys. During those time na magkasama sina Kate at Hiro, hindi na halos ako tinitingnan ng buddy ko,ang buong atensyon nito ay nakay Kate lamang. Ewan ko ba,pero nakaramdam ako ng relief. Lately, nakakaramdam na ako ng takot kay Hiro na dati hindi ko naman nararamdaman. Si Kuya Chan,me nakilala na agad na chix at panay na pakikipagsayaw nito sa dancefloor.

SHINDITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon