Start.

17 0 0
                                    

Matagal tagal na panahon narin ang nagdaan at namuhay ako ng normal. 

Hanggang sa hindi ko na natandaan na nagkaroon pala ako ng childhood sweetheart dahil sa pag-alis ng mama ko sa company. Nagsimula ako ng bagong buhay at nagkaroon ng maraming kalaro.

Naging tweener nako at siguro panahon na para marating ang mga bagay bagay sa mundo.

Yung "lovelife" na tinatawag nila, ano ba yun?

----------------------------------------------------------------

April 2008

Nananahimik lang ako sa bahay ng mga panahong iyon.. 

Friendster friendster lang, YM at soundtrip ng emo songs. (Ew hahaha)

"Knock knock! Mare? Andyan ba si Nygel?"

OH teka wait, parang pamilyar sakin yung boses na yun ah. "

"Oh pare! Kamusta na?! Nabisita ka ata dito?"

Sabi ni mama ng may gulat. Like na shock hahahaha

"Ok naman ang buhay mare, andyan ba si Nygel?"

"Nak! Ninong Boy mo hinahanap ka! Mamaya kana mag computer!"

Sabi na nga ba eh, pamilyar talaga yung boses. Anlaki, mama talaga! Hahahaha. Onga pala bakit ako nabisita ng ninong ko? Ano kaya kelangan neto? Himala eh. Pumunta sa bahay after godzilla years lol 

Napag-usapan nila ni mama at ng ninong ko na bubuo daw sila ng choir, pero ninong ko ang mag mamanage si mama adviser lang daw. Mga 5pm daw magkita kami, SHARP.

Eh ang choir pa naman namin, pag sinabing SHARP; Isang oras ang interval hahaha! 

Since ang interval nga ay isang oras..

6pm na kami nagkita! HAHAHAHAHA

10 kaming kabataan nagtipon tipon sa tapat ng bahay ng Ninong Boy ko. Naalala ko non.. Sobrang cute naming lahat except sakin kasi medyo tomboy look ako non tapos suplada at taong bahay basta mukha akong agta hahahaha ew to myself.

Nagkaroon na ng mga several practices lalo na ang unang practice ay sa bahay namin. Alala ko non, "Blessed be God" pa ang unang kanta naming prinaktis. Si Ninong boy ang nagigitara..

Nabanggit niya sakin na may bago daw siyang isasali na choir. 

Taga-village din namin. 

Old Choir din daw ang tatay non at kilalang kilala si mama dahil nagkasama sila sa trabaho dati.

Napaisip ako, sino kaya yon? Ano yan, bagong pakikisama na naman? 

Di bale, kakayanin ko 'to.

Marami-rami pa ang makikilala kong choir. 

Our Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon