Cupcake.

31 0 0
                                    

Itong part na to eh yung pinaka sobrang cute na nangyari sa buhay ko.

--

December 1998.

Accountant ang mama ko sa isang Clothing company na sikat sa bansa. Isa siya sa mga Office Girls at ang papa ko ay nasa Packing Department. Doon din ang trabaho ng papa niya. Actually, dahil sa tita ng papa niya kung bakit nakapasok ang mama ko sa company na ito. Choirmates ang parents namin at sila ang tinutukso tukso pero, mama ko mas nag focus sa choir at magkaibigan ang parents namin. Family friend namin ang Family nila, dahil sa iisang Village lang kami nakatira. 

Madami akong Ninang at Ninong sa Company that time. Ninang kasi sa kasal nila mama at papa yung may-ari ng company. Actually, sikat na sikat talaga ako non sa Company na yon dahil sa sobrang bibo at sobrang cute ko daw ng mga panahong iyon. (Sana, hanggang ngayon. JOK HAHHAHAHAHA UTO UTO AKO NON EH). Ang cute daw ng porma ko lagi, lagi naka-pigtails at pink na damit. Mukha akong piglet noon.

Every year, may Christmas party doon sa company. Lahat ng Department magkakasama. So automatically, magkasama ang parents namin magcchristmas party. Ang cute cute ko daw nun. Naka-pigtails at naka dress na pink tapos naka doll shoes na white, syempre with matching medyas pa. Oha oha.

Lumayo daw ako kay mama noon, nagliwaliw kasama yung mga anak daw ng ninong at mga ninang ko, nakisama ako sa mga batang naglalaro. Kahit naman maldita ako noon, eh socialite parin talaga ako, Friendly parin. 

Nakita ni mama, may bata daw na lumapit sakin. 

Lalake siya. 

Tayo-tayo ang buhok, naka pants, t-shirt na white, rubber shoes at nakangiti sakin.

Boy: Hi, gusto mo ng cupcake? (Inabot yung cupcake)

Me: Sino ka ba ha!!! (Nagtataray moment)

Boy: Bagong kaibigan mo :)

Me: Ano muna pangalan mo?

Boy: Nakalimutan ko eh, gusto mo ba?

Me: AYOKO SAYO!

Nakita ako ng mama ko that time. Natawa daw siya at yung parents ni Boy.

Naglalakad daw si Boy na medyo paiyak na papalapit sa parents niya...

Papa ni Boy: Oh anak, bakit ka malungkot?

Boy: Hindi nya po tinanggap yung cupcake eh :(

Papa ni Boy: Okay lang yan.. Ngiti kana. Magkikita parin kayo niyan =)

Boy: Sana tanggapin na niya sa susunod. :(

Niyakap daw si Boy ng Papa niya.

Kinausap ako ni Mama..

Mama: Ikaw talaga aena, maldita ka talaga.

Me: Eh mama ayoko ng cupcake eh! Madami tayo niyan kasi mayaman tayo..

Mama: Hoy wag ka nga ganyan

Papa: Hahahahahaha! Nako, pasaway ka talaga anak!

Mama: Osiya, magsorry ka sakanya dahil di mo tinanggap cupcake niya.

Me: Ayoko uwi na tayo gusto ko dumede mama :((

Mama: Nako inantok na naman yung maarte na to.

Me: Sige na..

Umuwi na daw kami at isa daw yun sa pinaka cute na nangyari sa pagmamaldita ko non.

Dumaan ang mga araw at lagi na napunta si Boy sa company. Lagi kami nagkikita ni Boy at hindi nagpapansinan, nag Hi siya sakin more than a Hundred times pero snobera talaga ako nung bata ako. Hay oo nakakainis. HAHAHAHAH!

One time, andun ako sa Packing department kung saan si papa naka-assign. Nagkita kami ni Boy.

Boy: Hi!

Me: Hello..

Boy: Laro tayo?

Me: TAYA!

Boy: Hala taya ako agad?!

Me: Siyempre bagal mo e. :D

Simula ng araw na yon, lagi na kami magkalaro ni Boy. Lagi daw ako tawa ng tawa, hanggang sa madaming staff na nakakita samin lagi.

Staff1: Uy, ang cute naman nila.

Staff2: Bagay sila!

Staff1: Ano ka ba, ang babata ng mga yan.

Staff2: Hindi naman nagkakalayo bahay nila diba?!

Staff1: Sabagay.

Staff2: Hindi malayo mangyari yun, yung magkatuluyan sila.

Staff1: Basta ang cute nila :) 

Ang galing no.

Planado na planado.

Pag ibig agad, ke bata bata namin.

Wala pa nga akong alam dyan.

Our Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon