April 2008
Nagkaroon ng isang misa na kaming 10 ang kumanta, pero 5 dun ay nag back out.
5 nalang kaming natira at tinawag kaming "Magic 5."
Unang nadagdag samin ay si Kuya Nikos. Anak ng Village manager namin, at Isang core commander ng isang public HS dito sa barangay namin. Kilala siya ng karamihan sa kabataan samin, dahil hindi lahat dito ay nakaka afford ng private school.
So ayun, kinabukasan.
May nadagdag.....
Tatlo sila, Isang babae at Isang lalaki.
"Oo nga pala choir, eto yung bago kong isasali..."
Sabi ng ninong ko.. Ayun, nagpakilala na sila isa isa.
"Ako si Eugenie Ochoco, taga St.Francis, 3rd year HS..."
Okay huh, mukha siyang bata. Pero bakit ganon hahaha para siyang kuya ko. :))
"Ako si Sheila Mae Ochoco, 2nd year HS sa UBNHS.."
Mukhang eto, pwede kong kulitin.. Kalog din siguro to :)
"Ako si Carlo Jay Ochoco, 1st year HS sa BNHS..."
Eto parang siguro magiging tropa ko lang, mukhang makulit din to eh.. Ang liit naman neto. wala na bang itatangkad tong tao na to?
Hay ano ba yan bakit andami kong sinasabi tungkol dun sa last na nagpakilala? Dun ba sa Carlo Jay na yun? Hay jusko, bakit nga ba ako nag-iisip sa tao na hindi naman kami magkakilala? Nakakahiya naman 'tong pinagsasasabi ko.
Unang misa na kumanta sila, naging taga-projector ako.
Hiyang hiya ako sa sarili ko non dahil ngarag na ngarag ako non, hindi pa naka powerpoint nung mga panahon na iyon dahil nagkakahiyaan pa magsilabasan ng laptop noon, palibhasa mga newbie. Pero ngayon, powerpoint na ang projector, nag level up din mga tao dito. HEHE.
That time, nagkakatinginan kami ni Carlo Jay at tingin siya ng tingin sakin. After mass, inapproach niya ako.
"Grabe, natatawa ako sa pagp-projector mo! Kinakabahan ka?"
Bira niya. Nagulat naman ako, bigla ako kinausap ng taong 'to na nakangiti.
"Uy, Hi carlo jay! Haha pero okay lang yung pagprojector ko?"
"Okay naman, kahit sablay sa Papuri hehe"
"Nakakahiya naman carlo jay! Haha"
"Ate wag mo na ko tawagin na carlo jay.. COJAY nalang :)"
"Ay sige sige, Nygel nga pala :)"
"Taga saan ka sa Holy?"
"Malapit lang sa tolok! Hahahaha bakit?"
"Pwede pumunta?"
"Para saan?"
"Ah eh wala.. Hehe :">"
Siguro yung mga panahong iyon ay yung mga sobrang saya kung babalikan, Unang una talaga hindi ko alam kung bakit natingin siya sakin. Yung ganung feeling, diba.. :">
Alam kong naramdaman mo narin yun :)
Days passed, lagi na kami nagkakausap ni cojay, tawanan kulitan.. Lalo na sa bahay ni Ninong Boy.. Lahat ng events andun kami, kasi Youth Club pa kami nun! Hahaha! Puro kabataan.
Dumating ang Basketball League o Liga na tinatawag.. Every summer meron nun dito samin, sumali si cojay.. Naging muse ako nun ng black team pero sky blue team siya.
Grabe, sa pangit kong yun.. Naging muse pa ko!
Take note, BLACK pa. Ano ha, EMO talaga?!
Galing. Pinanindigan ko talaga. HAHAHAHAH!
Since 12 years old pa lang kami nun, 5 years tanda ko sa kapatid ko..
Nag 7th birthday siya nun.
Hindi ko makakalimutan yung araw na yun.
April 10, 2008.
Pumunta ang choir, first time nilang pumunta samin ng may event. Ayun, kainan kulitan.. Even yung side ni papa pumunta, Masaya ang lahat. Busy ako kasi syempre andami ko rin inaasikaso.
Umupo ako sa isang tabi.
Nilapitan ako ni Chard.
"Gel, ano gagawin mo pag may nanligaw sayo?"
Seryoso. Nagulantang ako sa tanong niyang yun. Kasi, sa pangit ko na 'to.. May manliligaw sakin? Eh wala ngang napuri ng picture ko sa Friendster?! (friendster pa kasi uso nun.)
"Ha? Chard, seryoso ka ba dyan?"
"Oo naman gel, pano kung meron nga?"
"Imposible. Sino naman?"
"Basta. Tara sunduin na natin si Cojay."
Ayun, sinundo na namin si cojay since taga dito lang siya sa village namin.
Papunta palang kila Cojay eh natatawa na si Chard.
Sinama ko pinsan ko nun eh.
Sino kaya yung manliligaw na yun?
Anlakas naman ng loob niya.
..to be continued.

BINABASA MO ANG
Our Story.
RomanceKwento hango mula sa dalawang tao na sa huli ay sila parin talaga.