Sa hindi inaasahang parte ng araw na yun, habang papunta kami kila cojay.. Nagtatanong sakin si richard.
"Gel, okay lang na may manligaw sayo ha. Wag ka mabibigla."
"Ha? Chard sino ba talaga yan?! Naiinis nako, imbis na bilisan natin, wala na! Tutulong pa ko sa bahay."
"Chill ka lang, nagpaalam tayo sa mama mo."
At ayun, nakarating na kami sa bahay nila cojay. Sinundo namin kasi masyado talaga siyang paimportante noong mga panahon na iyon kahit hanggang sa kasalukuyan. Inimbitahan ko na din ang pamilya niya dahil hindi naman iba sa pamilya namin ang pamilya nila.
Nung paglabas ni cojay ng gate nila, ang laki ng ngiti ng loko. Yung ngit na akala mo eh nanalo sa lotto ng grand prize? Yung ngiting WAGI :D Yung ganyan basta..
"Hi, Nygel" :)
^ Banat agad ni cojay na may pagkaway pa.
"Hi Cojay."
Seryoso, medyo badtrip nako talaga niyan kasi antagal nila magsikilos. Yung ganun feeling. Sobrang mainipin pa naman ako.
"Gel, una na kami ni elca, pero sa unahan nyo lang kami maglalakad."
Aba, ang lakas ng loob neto ni richard kausapin ang pinsan ko. Haha!
...Nauna na sila richard at elca sa paglalakad. Hanggang sa sinigaw ni richard..
"Cojay! Wag kana magpaka-torpe! Walangya ka sasampalin kita eh."
Si cojay, namumula.
Syempre, ako. Nagtataka.
Awkward no.
Habang naglalakad..
"Nygel, may boyfriend ka na ba?"
"Ha? Cojay naman, ako magkakaroon? Ang pangit ko kaya!"
"Wag mo sabihin yan, ang ganda mo kaya."
"Hala? Jusko bolero!"
Syempre, oo sa part na yun, kinikilig ako na medyo flattered kasi siya palang ang nakapagsabi sakin nun sa personal, sa part na yun, hindi ko na alam ang mga susunod na mangyayari pa. Hanggang sa bumagal ang lakad namin.
"Nygel, may itatanong ako sayo."
"Ano yun, Cojay?"
Doon palang, sa parte na yon. Nararamdaman ko na siya ang manliligaw na sinasabi ni richard. Ayokong magpaka TH nung una kasi mamaya sabihin nila ang feeler ko, si Cojay pa ang manliligaw eh hindi naman nagpapakita ng motibo yung tao tapos biglang ganun.
Hanggang sa ayan, nagpakita na nga ng motibo.
Nasimulan na ni richard eh.
"May nanligaw na ba sayo?"
"Wala nga, ang pangit ko eh."
Syempre.. pabebe muna sa part na yun :D
"Hindi ka nga pangit, maganda ka."
Eh nako, pag inuulit ulit niya yung mga linyang yun, parang may something na spark na basta sa akin.. Ewan ko.. :">
..to be continued

BINABASA MO ANG
Our Story.
RomanceKwento hango mula sa dalawang tao na sa huli ay sila parin talaga.