Riley's POV
"Paalam !!"
"Maraming salamat sa lahat "
"Mag iingat kayo !"
"Sana makita uli namin kayo !"
Paalam nila Om samin ..Kumaway lang kaming apat at nag simula ng mag lakad .. Pupunta daw kami ngayon sa bundok ng fugi ,mas malapit daw yon sabi ni Rine
"Rene ,ano nga palang gagawin nyo sa bayan na yon ?" rinig kong tanong ni Rine
"Babawiin namin yung kwintas ni Ririn .. May nakapag sabi kase samin na nandon yung kumuna ng kwintas pero di pa alam kung sino" paliwanag naman ni Rene
"Ganun ba" sabi naman ni Rine
Tiningnan ko si Ririn ,para kaseng may iba sa kanya at diko alam kung ano .. Lagi naman tong hyper pero ngayon napaka tahimik nya .. Ano kayang problema neto ?
"Ririn" tawag ko sa kanya ,lumingon naman sya kagad sakin "Ok ka lang ?" tanong ko .. Tumango lang sya at naunang nag lakad
Blanko expression nya at diko alam kung anong problema ng babaeng yon ..
"Riley!" nagulat ako ng biglang umangkla si Rine sakin at naka ngiti pa ng malawak
"Ahmm ... bakit ?" medyo awkward na tanong ko
"Wala lang .. Gusto ko lang maging close tayo ,maski si Ririn gusto ko maging close kaso parang ang sungit" sabi nya sabay pout ... Cute
"Oo nga ,nakakapagtaka kase di naman sya ganyan " sabi naman ni Rene at dahan dahang inaalis yung pag kaka angkla ni Rine sa braso ko .. Medyo masama din yung tingin nya sakin
"Ayaw ba nya sakin?" tanong ni Rine at hinigpitan yung pagkakaangkla sakin na ikinagulat ko
O____O ----> reaction ko
(˘_˘) ---> reaction ni Rine
>:( -----> reaction naman ni Rene
Dahan dahan ko namang inaalis yung pag kakaangla ni Rine sakin ,baka mamaya masapak ako ng kambal neto
"Wala lang atang sa mood si Ririn" sabi ko
"Rene ,Riley ,tulungan nyoko maging close si Ririn ah" sabi ni Rine
"Oo naman ,madali lang naman pakisamahan si ate Ririn ,promise" sabi naman ni Rene at hinila si Rine palayo sakin
Hay nako Rene ,diko type kambal mo •__•
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Stay With Me [COMPLETE]
FantasíaSa panahon ngayon ,hindi mo alam kung may kasama ka ba o kakampe .. Hindi mo alam kung totoo ba ang mga nakikita mo .. Hindi mo alam kung tama ba yung gingawa mo .. Tayo ang malungkot na henerasyon o ako lang talaga ung malungkot ? Siguro nga ako l...