Chapter 1

68 2 0
                                    

After 3 years..

3rd year High School na ako ngayon at 4th year High School naman si Kuya Sean. Akala ko magiging super close ko na siya pero im wrong. Lalo siyang lumayo sa akin dahil marami na siyang friends sa school. Kung noong nakakapag-basketball pa kami, ngayon hindi na. Simula noong iniwan niya ako sa basketball court madalang na lang niya akong pansinin. Kaya ang ginawa ko noon,kinukulit ko siyang magbasketball kami ulit pero umaayaw siya. Hanggang sa nagsawa na ako kakapilit sa kanya. Dahil nakita ko na may mga bago siyang friends at wala na ata siyang balak na maging kaibigan ako simula noon.

Kaya kapag pumupunta ako sa bahay nila para sunduin si Mickey. Duon ko lang siya nakikita pero hindi nakakausap. Gusto ko sanang kausapin siya ulit pero dededmahin na naman niya ako. Kaya tahimik na lang ako at maghihintay na sana kausapin niya ako.

Nandito ako ngayon sa may bench malapit sa field dahil hinihintay ko si Mickey. Cleaners kasi siya ngayon kaya nauna akong lumabas sa kanya.

Magkaklase kami palagi ni Mickey noong elementary hanggang high school. Buti nga hindi ako nagsasawa sa mukha niya. Hahaha. Biro lang! Si Mickey na ang naging kaibigan ko since hindi na ako pinapansin ni Kuya Sean. Sabi niya nga sa akin ako na daw ang Bff niya. Pumayag naman ako dahil hindi naman siya iba sa akin saka matagal na kaming magkaibigan. Malambing at mabait sa akin si Mickey kaya pumayag akong maging Bff niya. Pero ang ayoko lang talaga noon sa kanya ay iyong pagkakikay niya. Pero ngayon sanay na ako sa attitude niyang iyon. At masaya ako na naging Bff kami ngayon dahil may mga sikreto akong sinasabi sa kanya tungkol sa kuya niya.

"Hoy! Jaimee! Tulalaers ka na naman!"

"Ha?"

"Haay! Malamang sa palaman iniisip mo na naman si Kuya!"

"Huwag ka nga sumigaw. Baka may makarinig."

"Hindi naman ako sumisigaw ah!"

Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa ginagawa niya. Isa pa palang ayaw ko sa kanya simula noon. Ang boses niyang parang nakalunok ng microphone. Kung pwede lang i-volume ng sobrang hina ang boses niya matagal ko ng ginawa.

"Sumisigaw ka kaya."

"Haay. Nako! Tara na nga. Im hungry and thirsty na!"

"Fine."

"Ai wait! May nakalimutan ako!"

Pfftt. Isa na rin pala 'yung pagiging makakalimutin niya.Bakit kaya hindi sila parehas ng ugali ni Kuya Sean?

"Ano na naman?"

"Nakalimutan ko 'yung ballpen ko sa desk ko. Wait lang ha kukunin ko lang."

"Okay."

Umalis na sa bench si Mickey at ako naman kinakalikot 'yung phone ko dahil may mga gusto akong burahin sa files ko. Habang kinakalikot ko ang phone ko bigla na lang may tumamang bola sa ulo ko.

Dyaskeng iyan! Ang sakit ha! Sino bang bumato nito?! Baka ibato ko sa kanya 'to! Aiissshhh.Calm down Jaimee. Hindi ka pinalaki ng Daddy mo para maging war freak. Calm down.

Tama.Tama.Tama. Haaay! Buti na lang sa ulo ko tumama 'yung bola kung sa mukha baka mamula mukha ko kaya calm down.

"Nasaan ang bola?"

Tinignan ko kung sino iyon. Nakita ko si Bryan,'yung kakambal ni Mickey. Si Bryan na mayabang. Pssh. Baka humangin ng malakas dito. Isa pa 'to ni hindi man lang napahiran ng ugali ni Kuya Sean.Hindi man lang mag-sorry! Ang yabang talaga!

"Hindi ko alam."

"Tsss.Ang engot mo naman. Sa'yo tumama hindi mo nakita."

Ano?! Engot ako! Ha! Matalino ako,bobo!

A Love that WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon