Chapter 5

48 1 0
                                    

Lunes.Dumating ang whole day exam namin at sobrang napagod ang utak ko kakapiga para maalala ko mga pinag-aralan ko noong nakaraang linggo. At ngayong tapos na,nagdiwang na ang lahat ng kaklase ko.

Makakapagpahinga nadin sa wakas!

"Jaimee! Pwede na tayo magmall! Hindi na ako grounded!"

"Talaga?"

"Yep! Tara na! May bibilhin akong make up kit para sa darating na JS Prom."

"Teka. Di ba may make up naman ang Mommy mo? Bakit hindi na lang 'yun ang gamitin mo?"

"Ayoko nga! Gusto ko 'yung bago para sa face ko. Kaya let's go! Mag-sshopping tayo!"

"Shopping talaga? As in marami ang bibilhin mo?"

"Yes. Tara na kase!"

"Okay."

Umalis na kami ni Mickey sa school at pumunta ng mall para daw 'mag-shopping'. Pagpunta namin sa mall,kaagad kaming pumunta sa department store para magtingin ng mga make up kit. Todo suri siya sa mga make up na nakikita niya at talagang tinetesting pa.

"Bakit kailangan mo pang i-testing 'yan? Saka ano ba 'yan?"

"Blush-on 'to! Haaay! Kapag talaga sa pagpapaganda alien ka. Kailangan kong i-testing 'to para makita ko kung bagay ba sa'kin."

"Aaah.Okay.."

"Gusto mo i-try?"

"Hehe. Ayoko."

Nagpapatawa ba siya? Kung nagpapatawa siya hindi siya nakakatuwa. Ayokong magmukhang espasol. Kung 'yung sa JS Prom nga pilit lang dito pa kaya? Pfft..

"Try lang natin! Dali na!"

"A-ayoko!"

"Sige na! Ngayon lang naman!"

"Ayoko nga!"

Todo iwas talaga ako kay Mickey habang may balak siyang lagyan ako nh blush-on sa mukha. Buti na lang at natigil din siya sa kakapamilit sa akin at sa mukha niya na nilalagay 'yung blush-on.

"Wait!"

Biglang kumuha si Mickey sa stall na iba pang gamit for make up. Pagkatapos,binuksan niya isa-isa 'yung mga bagong make up habang nakatingin 'yung sales lady sa amin. Nakita naman ni Mickey na parang nag-aalala 'yung sales lady na baka hindi namin bayaran 'yung mga binuksan niya. Naka-uniform kase kami baka akala nung sales lady nangt-trip lang kami. Kaya ngumiti si Mickey sa sales lady at kinausap ito.

"Don't worry ate. Bibilhin ko lahat ng ito. I-tetest ko lang ito sa kaibigan ko."

Haaay. Ang kulit niya talaga.

"Okay lang po,Ma'am. Kung gusto niyo po may mga bago kaming eye shadow at eyeliner. Ipapakita ko po sa inyo."

"Sige."

Nag-usap silang dalawa na sila lang 'yung nagkakaintindihan. Wala kase akong alam sa make up kaya nanahimik na lang ako sa tabi ni Mickey. At nang matapos na 'yung pag-uusap nila. Mismong 'yung sales lady ang nagmake up sa akin. Pipigilan ko sana siya kaso natakot ako ng bigla niya akong hawakan sa braso. Si Mickey naman ngingiti-ngiti lang habang mine-murder ang kawawa kong mukha.

Haaay. Bahala na magmukhang espasol mamaya!

Natapos ang make over sa akin at hinarap nila ako sa isang maliit na salamin. Nanibago ako sa itsura ko dahil talagang hindi ko makilala ang sarili ko. Parang hindi ako dahil naging sophisticated ang mukha ko. Akala ko talaga magmumukha akong espasol kapag minake-up-an ako hindi pala. OA lang ako magdescribe talaga. Hahaha. Pero masaya ako sa bago kong itsura hindi dahil sa maraming lalakeng napapalingon sa akin kundi nakakapagpataas ng confidence kapag naka-make up.

A Love that WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon