Chapter 2

58 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa malawak na field ng school namin para hanapin si Bryan. Pero hindi ko siya makita kanina pa. Kalahating oras ko na siyang hinihintay dito sa may field pero wala padin siya. Nagtext siya kanina sa akin at pinapapunta niya ako dito para isoli ko 'yung binato niya sa'king panyo. At kapag hindi ko daw sinoli iyon ipapakalat niya daw sa lahat 'yung video ko na umiiyak sa court. Nireplyan ko siya kanina ng belat dahil hindi ako naniniwala. Pero naniwala na ako nang i-send niya sa akin 'yung video na umiiyak ako. Kitang-kita 'yung itsura kong may uhog at gulo-gulong buhok. Kaya naman nandito ako ngayon para isoli na sa kanya ang panyo at huwag makalat ang video ko.

Ayoko kasing maraming makakita sa akin sa ganung itsura. Kilala nila ako na hindi iyakin at palaban. Saka baka malaman ni Daddy na umiyak ako dun sa may court. Baka magtanong iyon pati din sila kung bakit ako umiiyak. Ayoko namang malaman nilang iniyakan ko si Kuya Sean dahil kapag nalaman nila tutuksuhin nila ako. At malamang lalayuan na ako ng tuluyan ni Kuya Sean!

"Nasaan na kaya 'yun? Kanina pa ako dito. Ang tagal naman nun!"

Nawala 'yung pag-iisip ko nang makita ko siyang naglalakad na may kasamang babae. Lumapit ako sa kanya para ibigay ang panyo niya. Kaagad niya akong nakita nang lumapit ako at iniwan ang kausap niyang babae. Pero 'yung babaeng kausap niya sumunod lang sa kanya.

"Bakit?"

"Eto na 'yung panyo mo. Salamat."

Inabot ko sa kanya 'yung panyo niya at tinalikuran ko na siya. Pero napalingon ako dahil bigla na lang siyang sumigaw.

"Sandali!"

"Bakit?"

"Ibili mo ko nang pagkain sa Canteen! Gusto ko 'yung mabubusog ako. Maliwanag?"

Ha! Ang kapal! Kailan pa ako naging utusan niya ha? Kapal talaga! Sa sobrang kapal ng mukha niya hindi na siya tinatablan!

Tinaasan ko siya ng kilay at tinalikuran siya. Pero bigla akong hinila sa kwelyo ng magaling na babaeng kausap niya at binitawan kaagad.

"Ano ba!"

"Hindi mo ba narinig? Inuutusan ka niya. O baka gusto mo pang magkalagas-lagas 'yang buhok mo? Kaya kung ako sa'yo sumunod ka na lang."

Pinakalma ko ang sarili ko para makaiwas ako sa away. Ayaw kasi ni Daddy na napapa-away ako. Ang gusto niya panatilihing at peace ako sa lahat ng tao. Kaya kahit mahirap pinakalma ko ang sarili ko at kinausap si Bryan.

"Pera."

Nakalahad 'yung kamay ko para kunin 'yung perang pambili ng pagkain kay Bryan. Gagawin ko na lang para matapos na 'to. Kahit na labag sa kalooban ko para makaiwas sa away.

"Anong pera? Pera mo ang gagastusin mo para bumili ng pagkain ko."

"Fine!"

"Maghihintay ako dun sa may bench. Kaya bilisan mo!"

Inirapan ko silang dalawa at iniwan.Pumunta na ako sa Canteen para bumili nung pagkain ng unggoy na 'yun. Pagpunta ko sa Canteen ay kaagad na akong pumila sa counter at magtingin ng mga pagkain. Buti na lang malaki ang allowance na binibigay sa akin ni Daddy kung hindi...

Lagot! Bakit ito na lang ang pera ko?!

Chineck ko ulit 'yung pitaka ko pero 25 pesos na lang ang laman nito. Tinaktak ko 'yung wallet ko pero walang nalaglag ni singko. Naalala ko na may binayaran pala kami sa school kaya 25 pesos na lang ang natira sa akin.

Paano ba 'yan 20 pesos ang pamasahe ko pauwi? Ano naman ang mabibili ko sa 5 pesos? Aiiisssh. Bahala na!

Pumila padin ako sa counter at nakaisip ng paraan kung paano ko mabibilhan ang unggoy na 'yun.

A Love that WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon