Chapter 6

28 0 0
                                    

Dumating ang JS Prom at kasalukuyan akong naglalakad sa entrance ng isang sikat na hotel dito sa Manila kasama si Bryan. Oo,si Bryan na nga talaga ang naging partner ko sa Prom. Ayoko man pero wala na akong magawa at wala na akong kawala. Saka kung inaasam ko na sana ay niyaya niya ako edi sana hindi ko kapartner ang unggoy na ito. Speaking of him, nasaan kaya siya?

Nakapasok na kami sa loob kung saan nagaganap na ang JS Prom ng school. Pagpasok ko kaagad hinanap ng mata ko si Kuya Sean pati si Mickey. Pero kaagad kong nakita si Mickey at lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa katabing upuan niya at kinalabit siya.

"Mickey."

Lumingon siya bigla at tuwang-tuwa na makita ako ngayon.

"Jaimee! Nandiyan ka na pala! Kanina pa kita hinahanap!"

"Kakarating ko lang kasama si Bryan."

"Aahh. So,ang kambal kong epal ang partner mo ha. Di ba,ayaw mo siyang maging partner?"

Sumingit bigla si Bryan sa pag-uusap namin at humarap kay Mickey.

"Manahimik ka nga! Baka pagkatapos nito pasalamatan pa ako ni Jaimee na ako ang naging partner niya sa Prom. Di ba,Jaimee?"

"Oo na lang.."

Pinakita ko sa kanila 'yung walang kagana-gana kong pagsasalita para asarin si Bryan.

"Hahaha. Kitam! Halatang napilitan lang si Jaimee nasabihin na okay sa kanya!"

"Nasaan na nga pala 'yung date mo?"

Pag-iiba ko ng topic para hindi lalong maasar si Bryan sa ginagawa namin sa kanya.

"Nasa toilette..Ah! Ayan na pala siya!"

Nakita ni Mickey 'yung partner niya sa Prom at pinakilala sa amin ni Bryan. Makikipag-kamay sana si Mark sa akin pero inunahan na ni Bryan.

"Bryan pare! Nice meeting you."

Napapangiti na lang ako sa inaasal ni Bryan ngayon. Ang weird niya kase kanina pa simula nung pumunta siya sa bahay hanggang ngayon.

"Feeling boyfie lang. Gano'n?"

Natawa ako sa sinabi ni Mickey kay Bryan kaya pinigilan ko na si Mickey na huwag nang asarin pa si Bryan. Kase malamang sa palaman mag-ro-royal rumble na naman ang dalawang ito. Dahil wala silang pinipiling lugar nang pakikipag-away sa isa't isa.Bigla kong naalala si Kuya Sean kanina ko pa siya hinahanap ng mata ko pero di ko siya makita. Tinanong ko na si Mickey about kay Kuya Sean.

"Bakit parang hindi ko ata nakikita 'yung kuya mo?"

"Hindi ko din alam eh. Ang alam ko una siyang umalis sa amin ni Bry. Ang akala ko nga nandito na siya."

"Ganun ba.."

Naisip kong hanapin siya ngayon kaya nagpaalam ako kay Mickey at Bryan na pupunta lang ako ng toilette. Pero sa totoo lang hahanapin ko si Kuya Sean. Una kong tinignan ang hallway sa hotel, nagbabakasakaling naroon siya sa isa sa mga bench at nakaupo. Pero wala,kaya bumalik ako sa loob at pumunta sa labas ng toilette ng mga lalaki. Nag-abang ako ng 5 minutes kung may Sean na lalabas pero wala talaga. Buti na lang at nakita ko ang classmate niya. Nagtanong na ako sa kanya.

"Alam mo ba kung nasaan si Sean?"

"Oo. Naroon siya sa may parking lot.

"Salamat."

Tumakbo ako papuntang parking lot at nang nasa parking lot na ako hinanap ko siya. Pero narealize ko na.. Bakit ko nga pala siya hinahanap?

Ano naman ang sasabihin ko kapag nagtanong siya kung bakit ko siya hinahanap? Haaay! Makaalis na nga!

Paalis na sana ako ng Parking lot pero may nakita akong familiar na kotse sa may dulo nito. Pinuntahan ko iyon at duon ko nakita si Kuya Sean na nakatingin sa langit. Tinignan ko din ang langit, nakita ko ang pagkarami-raming bituin sa langit. Sa sobrang ganda ng nakita ko hindi ko namalayan na tinitignan na pala ako ni Kuya Sean. Lumapit siya sa akin na naka-kunot ang noo at nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?"

"A-ano kase.."

"Ano?"

"Ka-kase.."

Dahil sa hindi klaro ang pagsasalita ko sa tingin ko nainis na si Kuya Sean kakahintay sa sagot ko.

"Sige aalis na ako."

Papaalis na siya pero pinigilan ko siya. Kaya huminto siya at hinarap ako.

"Ano?"

Nakita ko iyong iritasyon sa mukha niya kaya inayos ko na 'yung pagsasalita ko.

"Kase..hinahanap kita."

"Bakit mo ko hinahanap?"

"Wa-wala lang.."

"Hinahanap mo ko dahil wala lang?"

"Hinahanap kita kase.."

Sasabihin ko ba o hindi? Ah ewaaaan!

"Kase ano?"

"Nag-aalala ako saiyo."

"Bakit ka nag-aalala sa akin?"

"Kanina ka pa daw kase umalis. Nagbakasakali akong hanapin ka dito. Dahil nga nag-alala ako saiyo."

"Ang layo ng sagot mo. Sabihin mo nga sa akin. Gusto mo ba ako?"

Dahil sa tanong niyang iyan feeling ko guguho na ang mundo sa paligid ko at feeling ko huminto na lang bigla ito.Gusto kong bagsakan ng poste sa ulo para maging bingi na ako.

Ano tanoooong niyaaa??!! Biiinnggggiii nnnaaaaa aaakkkooo!!!

"Ha?"

"Ano? Gusto mo ko?"

Hindi ako makapagsalita sa tanong niya.Sobrang kaba ang naramdaman ko nang tanungin niya ako tungkol sa feelings ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sasabihin ko ba o hindi? Kapag magsasabi ka ng feelings sa isang lalaki wrong move iyon. Bakit? Kase ayaw ng mga lalaki na inuunahan sila sa pagsasabi ng feelings nila. Kaya...

Umalis na lang kaya ako dito? Mukhang hindi ko kaya..

"Silence means yes. So gusto mo nga ako. Alam mo--.

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at nagsalita na ako bigla. Kahit alam kong hindi niya magugustuhan ang sasabihin ko,sasabihin ko padin.

"Hindi! Hindi kita gusto! Dahil--"

Ngayon, siya naman ang hindi nagpatapos sa pagsasalita.

"Buti naman. Sige alis na ako."

Tumalikod siya at naglakad ng mabilis papuntang hotel.

"Te-teka!"

Pero hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad habang ako naguguluhan na ang isipan. Ni hindi niya man lang ako pinatapos sa pagsasalita ko. Pero mas maganda na din iyon kase baka iwasan niya ako. Ayoko pa naman iyong iiwasan niya ako!

Dahil sa nag-iisa lang ako dito natulala na lang ako bigla habang sinasabi ang...

Hindi kita gusto..dahil mahal kita..

---

Stay blessed and stay be a blessing! Maraming salamat po sa mga nagbasa na nito. Patuloy lang po! God bless! (:

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love that WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon