Hindi siya sumama kina Bogz nang pumunta ang mga barkada kina Roy kinagabihan. Kahit anong pilit ng mga ito ay hindi siya nagpadala. NAgdadahilan siyang kailangan niyang tulungan ang ina sa tindahan sa may wet market. May kaunti kasi silang tindahan ng gulayan doon at bigasan. Dahil likas na matigas ang kanyang ulo ay hindi na siya napilit ng mga ito. Hinatid niya ng tanaw ang limang barkadang umalis.
Nagtataka naman ang kanyang ina sa kanyang ginawa. Dahil ito ang unang beses na tumanggi siyang sumama. NAgdahilan nalang siya ditong masakit ang kanyang ulo.
Hindi niya alam kung paano ipaliwang ang kanyang nararamdaman para sa binata. Sa loob ng 23 taong pamumuhay ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Ang bilis ng pintig ng kanyang puso habang hawak siya nito sa beywang.A strange feeling that she can't explain. Umalis siya sa balkon at pumasok sa kanyang kwarto. Pabaling-baling siya sa kanyang higaan. Hindi niya magawang makatulog dahil sa tuwing pinipikit niya ang mga mata ay ito ang kanyang nakikita.
Dahil madaling araw na siya nakatulog kaya matagal siyang nagising kinabukasan. Nagulat nalang siya sa lakas ng katok ng kanyang ina.
"Tatin! Gumising kana diyan! May naghihintay sa'yo sa labas!" sigaw ng ina sa labas ng kanyang kwarto. "Kailangan ko nang pumunta sa tindahan, kaya bumangon ka na. Mahiya ka naman sa bisita mo." saad ng ina. Bumaba ito pagkatapos.
Pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata kahit mahapdi. 'Sino na naman kaya ang maaga kong bisita? Imposible namang isa sa barkada dahil alam niyang tulog mantika ang mga iyon.
Napilitan narin siyang bumangon at pumasok sa banyo para maghilamos. Hindi na siya nagbihis at ang ternong pajama lang ang kanyang suot. Tumingin muna siya sa orasan bago lumabas ng kwarto, 8:15am.Pagbaba niya ng hagdan ay ang nakangiting Marie ang sumalubong sa kanya.
"Hi! Good morning!" bati nito sa kanya.
"'Morning. Anong ginagawa mo dito sa amin ng ganito ka aga?" agad niyang tanong dito nang may pagtataka sa kanyang mukha. At ang alam niya hindi pa sila close para dalawin nito. Sino ba naman ang hindi magtataka? Hindi naman sila close nito. Umupo siya kaharap nito. Matamis naman na ngiti ang binigay nito sa kanya. Which she find it weird.
"Yeah, cuz i was expecting you last night but you didn't come. I even prepared some food na alam kong magugustuhan mo." saad nito na may pagtatampo sa boses.
"May importante lang akong ginawa kagabi." maikli niyang sagot dito.
"And thats why i'm here. I want to have some bond with you. To know you more." excited na saad nito.
"Wait! I just want to make things clear. You don't find me to-to-be-a-ahm---" hindi niya masabi nang diritso ang gustong ipahiwatig. Cause she find it awkward.
"Oh! No! No! No!" mabilis nitong saad. "I know what you mean, being a t-bird, right?" napatango siya dito. "I'm not! In fact, i find you too beautiful to wear such thing." komento nito at tiningnan ang kanyang damit. "I can tell a person just by looking at them. I get used to it because of my brother. Alam mo naman na masyadong gwapo ang kuya ko kaya marami talagang mga kano ang nagkakagusto sa kanya. Some are disguising as a straight guy para lang mapalapit sa kanya and their are some girls who pretended to be a t-bird so they could flirt him." mahabang paliwanag nito.
Naaliw siyang pagmasdan ito.
"I know you find him too attractive too, so don't give me that look." nakangiti nitong saad. Giving her a look that tells that she knew something.
"Hey! I never said that gusto ko ang kuya mo. 'Wag mo akong pangunahan." kaila niya.
"Pero na fe-feel ko, how you look at his eyes yesterday. KAya nga masaya ako kasi you both stared at each other like no one is around. There is a spark with the two of you." kinilig nitong saad.
YOU ARE READING
T A T I A N A
Short StoryTomboy ang madalas na bansag kay Tatiana. Palibhasa ay mahilig siya sa sports lalo na ang basketball. At ang mga kaibigan niya ay kilalang basagulero sa kanilang kanto pero sa totoong buhay takot sila sa kanilang mga nanay. Pero nang makilala ni Tat...