Hiiiiii! Sorry, maiikli yung update ko. But this time, hahabaan ko. Tutal friday night naman eh, walang pasok tomo! :D :) Yahhhhoooooo! Okay. Guys! pinipilit ko kayong mag VOTE AT MAGCOMMENT! Aahahhah. Oo, sapilitan to! Kaya dali.
-----CHAPTER 1Monay's POV.
Last day na ngayon dito sa school. Kaya naman, happy happy lang. Di ko alam kung masaya ba ako o kung malungkot? Basta. Urghhhh. Sa Maynila nga pala ako mag aaral ng 1st year college! Hays! So, eto ako ngayon nakaupo sa.... Upuan! MALAMANG! Eh, saan pa ba? Hahahah. K! Nandito ako sa loob ng room. Nakikinig sa mga kaklase ko habang nagdadaldalan. Alam niyo ba kung ano ginagawa ko? Ede nakikinig! Kasasabi ko lang diba? nakikinig ako sa mga kaklase kong nagdadaldalan. Hahaha! Bat paulit ulit ako? Hano? :D
Sa sobrang tahimik ko, nagulat na lang ako sa konting kalabiet ng classmate ko.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Wala, bakit ang tahimik mo?"
"Ahm. Wala lang. Walang magawa eh."
"Ah, tara?"
"HA? SAAN?"
"Sa labas, libre kita?"
"Weh? Totoo ba yan, Sam?"
"Oo nga. Ah, eh... Sige ba!"
"Tara naaaaaaa"
Bigla na lang akong hinila ni Sam. Palabas nang room. Pinagtitinginan tuloy kami. Kilala din kase si Sam dito sa school. Kaya eto! Baka ma issue siya! Nakuuuu. Inaamin ko, nagkagusto ako sa kanya dati, nung 2nd year highschool ako. Pero di niya alam. At wala akong balak na ipaalam sa kanya.
Andito na kami sa Canteen. Madami pa ring nakatungin samin. Medyo naiilang ako! Tss.
"Ano gusto mo?"
"Ahm. Tubig lang!"
"Tubig? Ang cheap naman"
"Grabe Sam! ha, ano gusto mo lahat yan ipabili ko sayo?"
"Di naman syempre. Daliiiii, ano na? Tutal last day naman na ngayon"
"Osige. Isang spaghetti, water, 10 Stick-O, Clover .... At saka...... Ahm. Yun lang pala"
"Sige. Upo ka muna dun sa bakante"
"Sige"
Eto ako ngayon nakaupo, habang bumibili si Sam. Sa totoo lang di kami close niyan talaga eh. Ewan ko kung bakit biglang bait sakin..... SAKIN PA TALAGA HA? Sa gwapo niyang yun. Kinakausap ako? At ililibre pa. Oh diba? Hahahaha. Naniniwala na tuloy ako na maganda ako.
Di nagtagal, nayari na siyang bumili. Kaya naupo siya sa kabilang side ng table, kaharap ng upuan ko.
"Eto na yung pinabili mo"
"Ah. Thankyou ha?"
"Walang anuman"
Naging tahimik ang atmosphere saming dalawa. Di ko na matiis, kailangan ko na talagang ibuga yung nasa bibig. Pero di ako nasusuka ha? I mean, gusto ko nang mag tanong sa kanya.
"Ahm. Sam....." Tumingin lang siya sakin na parang nagtatanong. "Bakit biglang bait mo sakin?"
"Masama ba?"
"Ah, eh. Hindi naman. Syempre, nakakapanibago lang"
"I just wanted to be your friend. Is it okay?"
"Sureeeeee. ^______^"
Nginitian lang niya ako nung sinabe ko yun. Ang gwapo gwapo niya. Pero, wala na talaga akong nararamdaman na chemistry between me and Sam. Di katulad dati na tingnan lang niya ko. Halos mahimatay nako!

BINABASA MO ANG
Hidden Desire (HD)
FanfictionMASAYAHIN, BULLY, PALA KWENTO, MADALDAL, MATANONG, MAKULIT Atbp. Is there anyone can change her attitudes? And, who? Well, you must read this. If you want to know.