Third Person's POV
Minsan na syang namatay...kung ang iba ay masisiyahan dahil nabigyan sila ng pag kakataon na mabuhay
Pwes ibahin mo sya
Para sa kanya ang mabuhay muli ay isang parusa na iniiwasan nya
Mula pa noon ay palagi nang pumapasok sa isip nya na kapag sya ay namatay
Sana'y wag na syang mabuhay pa
Nakuha nya ang ideya na kapag 'namatay ka ay muli kang mabubuhay' sa kanyang master
Dahil sa sobrang pagka hanga nya rito ay halos lahat ng sasabihin nito ay kanyang pinaniniwalaan
Pero sinong mag aakala na kung ano pa yung pinaka iniiwasan nya ay yun pa talaga ang mangyayari
Pag katapos syang torturin ng sarili nyang pamilya ay sila mismo ang tumapos sa buhay nya
Alam naman ni Ashe na wala syang makakapitan na iba bukod sa sarili nya
Tinagurian syang the great assassin
Pero para sa kaniya iba dapat na tao ang nabigyan ng ganung klaseng karangalan
Pero yung taong iyon bigla na lamang nawala na parang bula
Ginamit niya lahat ng koneksyon nya para mahanap nya ito
Ngunit parang lahat ng oras nya ay nasayang dahil kahit anino nito ay hindi nya nahanap
Ngayon nga ay namatay sya at muling nabuhay
"Execute her,after two hours" utos ng emperor sa kanyang tauhan at tuluyan nang lumabas
Naiwan ang mag ina sa kama
"Anak ko...*sniff *sniff Azalea,patawarin mo si mama...hic..."hinagkan niya ang bagong silang nyang anak habang patuloy na humihingi ng tawad
Sino bang ina ang hindi maiiyak kung alam mong dahil sayo mag durusa ang buhay ng anak mo?
At ang malala?
Bilang na lang ang oras mo sa mundo
Sinulit ng ina ni Azalea ang mga oras na kasama nya ang kanyang anak
Inaruga nya ito na parang wala nang bukas pinag silbihan at hindi binitiwan
At nang pumasok ang mga kawal nadatnan nila natutulog ang bata habang tinatapik-tapik ng ina nito
Nang mapansin sila ng ina ay sinenyasan niyang tumahimik muna ang mga ito
Sa huling sandali ay hinalikan nya ang noo at kamay ng bagong silang na anak
At kusang sumama sa mga kawal
Habang sila ay nag lalakad tahimik syang lumuluha
At nang makarating na sila sa pupuntahan ay kahit sa huling sandali
Si Azalea Railey Zephyr ang kanyang iniisip
Nag papasalamat sya sa diyos na kahit papaano ay nakasama at nahagkan nya ang kanyang anak
"m-my...ba...by"
Azalea's POV
MINULAT ko ang aking mga mata at tatlong babae ang unang bumungad sa akin
BINABASA MO ANG
The Great Assassin-Reincarnated as the-Unwanted Princess
FantasiKyline Ashe Smith...The great assassin,AKA-Ashe the reaper got reincarnarnated as the unwanted princess of the Frode Empire?! What will she gonna do? Continue to live or end her life? Well,"if she end her life that would be great"... Theodo...