Kabanata 3

21.9K 756 87
                                    

Kabanata 3

Arms

Simula nang sunod-sunod na pagpunta ng dalawang Andrada dito sa gubat, hindi na ako mapalagay sa paligid. Kahit saan ko tignan, wala akong nakikitang rason kung bakit sila napunta rito. Malayo ang lugar ko sa planta kaya imposibleng napadpad lang sila dito.

Binuksan ko ang bintana ng kwarto at sinilip kung may posibleng tao sa labas. Nang makitang wala, dumiretso naman ako sa kusina para na rin silipin ang bintana na nandoon.

Lumabas na ako bitbit ang kagamitan sa pagpinta nang makitang walang tao. Wala akong gagawin kaya dito ko uubusin ang oras ko

Kumuha ako ng upuan at naupo habang inaayos ang stand ng painting sa harapan ko. Nang natapos, inayos ko na ang mga pintura.

Wala pa akong ideya na ipipinta kaya kailangan ko pang mag-isip. Pero imbes na ang ipipinta ang iisipin ko, lumipad iyon sa nangyari sa mga nakaraang linggo.

Wala sa sarili akong sumulyap sa kinatatayuan niya noon. Uminit ang pisngi ko.

Hindi ako nakatulog ng maayos ng mga ilang araw dahil sa kakaisip kung kita niya ba ang katawan ko sa ilalim ng tubig. Hindi ko alam ang gagawin kung posibleng nakita niya man.

Huminga ako ng malalim at itinuon na ang sarili sa pagpinta. Hindi ako sigurado kung nakaligo ba siya sa ilog matapos kong makapasok sa bahay ng araw na iyon, pero posibleng hindi dahil wala naman akong narinig na ingay ng naliligo. Hindi ako lumabas ng buong araw para maiwasan ang pagkikita namin.

Nakakatawang isipin na ako pa ang ayaw na makapunta ang Señorito Dean dito kahit na sarili nila itong lupa. Pwedeng pwede niya akong palayasin dito kung malaman niya man na ayaw ko sa kanya.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang mapagtanto na magkaiba at hindi patas ang naging reaksyon ko sa magkapatid.

Kung mapupunta man muli dito si Señorito Declan ay siguro kakayanin kong maging kalmado dahil alam kong hindi niya ako sasaktan. He's always serious, like he didn't even care your existence at all.

Pero iba na kung si Señorito Dean ang mapapadpad dito. Hindi ako sigurado sa susunod na magiging galaw kapag makita man siya muli. Matapos ang una naming pagkikita dito, nakakahiya nang humarap pa, lalo na't sa kagaya niya.

Palagi ko siyang natatanaw mula sa malayo noon pa man. Pero iyon ang pinaka-una na nabigyan niya ako ng atensyon.

Nakikita ko siyang pinapalibutan ng mga taong halos luhuran siya. Sa tatlong magkakapatid, siya ang lapitin dahil marunong humalubilo. Hindi matutuyuan ng laway ang makakausap niya, hindi kagaya ni Señorito Declan.

Mas gugustuhin kong makita ang panganay kaysa sa kanya. He may be serious but he's playful. Para bang bawat galaw niya, may mga ibang kahulugan. Parang nagpaplano ng kung anong bagay na hindi mo agad malalaman. Para siyang... babaero.

Hindi ko siya gusto sa punto na ayaw ko na siyang makita pa kahit na imposible iyon dahil lupa nila ang tinitirhan ko.

Natigil ako sa pagpinta nang matanto kong sino ang ipinipinta ko. Isang lalaking hubad ang pang-itaas at nakatalikod habang nakaharap sa ilog.

Wala akong eksaktong sinusundan na lalaki pero awtomatikong pumasok sa isip ko si Señorito Dean.

Uminit ang pisngi ko at akmang titigil na sa pagpinta nang makitang malapit na iyong matapos. Sayang ang mga pintura na nailagay ko kung itatapon ko lang ang buong painting. At saka hindi ko ito dadalhin sa lungsod, siguro gagawin ko na lang display.

Kinabukasan, nagising ako sa mabigat na ulo. Mainit ang singaw ng katawan ko, mukhang nilalagnat na.

Tumingala ako sa orasan at nakitang alas sais pa lang ng umaga. Tumayo ako at naghanap ng gamot. Pero wala akong nahanap na para sa lagnat.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon