Kabanata 17

21.2K 657 42
                                    

Kabanata 17

Brave

Ang isiping naka-display ang painting ko sa bahay nilang mag-asawa ay halos hindi ko kayanin. Ang guilt na mayroon ako ay mas tumindi. Tiyak ako na nasisiraan na siya ng bait kung ganoon nga ang ginawa niya sa painting. Wala na akong pakialam sa kanya kaya hindi ko na dapat ito iniisip pa.

Kagaya ng plano, bumili ako ng cellphone. Wala akong interes sa social media kaya para lang sa mga tawag at text ang cellphone na mayroon ako. Wala ring magiging kwenta kung gagamit ako ng social media apps dahil maliban kay Noah, wala na rin akong ibang kaibigan o kilala.

"Pwede kitang turuan kung gusto mo."

Binuksan ko ang cellphone at umiling. Ilang araw na sa akin ito.

"Hindi na, wala naman akong planong gumamit ng social media."

"Alright. Just ask me if you have questions."

Tumango ako at binigyan na ng atensyon ang movie sa harapan. Nilagay ko ang cellphone sa maliit na table malapit sa akin. Nasa iisang sofa kami ni Noah pero mayroong distansya, natahimik na rin siya at pinanood ang nasa tv.

Ilang minuto ang lumipas nang tumunog ang cellphone ko para sa isang text message. Sinulyapan niya ako pero ibinalik din ang tingin sa harapan.

Unknown Number:

Good Morning, Ms. Oliveros. I'm a big fan of your paintings. I would like to have an appointment to you tomorrow if you're free.

Muling napatingin sa akin si Noah nang nagsimula akong magtipa ng sagot sa mensahe.

Ako:

I'm free tomorrow. I'll just send the time and address.

Hindi ko pa nailalapag ang cellphone nang mabilis siyang magreply. Bahagya ko pa iyong ikinagulat.

Unknown Number:

Sure, Ms. Oliveros. I'll wait for it.

Ibinigay ko ang address ng condo. Sa isang restaurant sa baba ang lugar na sinabi ko. Wala akong ibang alam na lugar at mabuti na ring sa baba na lang para hindi na ako kinakailangang samahan ni Noah.

"Meeting?"

Nilingon ko siya. "Oo, pwede na sigurong ako na lang ang pupunta. Sa baba lang naman."

"Okay, just call if ever you need me."

Tumango ako, kahit na wala namang plano gawin iyon. Marami na siyang naitulong sa akin kaya ayoko nang magdepende pa.

"Sino raw ang gustong kausapin ka?"

"Hindi sinabi ang pangalan. Fan daw ng paintings. Ilan pa ang nabigyan mo ng numero ko?"

"Tatlo pa ang nabigyan ko, pero puro mga negosyante."

"Ang sabi niya'y fan daw, siguro posibleng isa lang sa kanila. At baka, may nanghingi lang ng numero ko sa mga nabigyan mo na."

Natahimik siya para sandaling mag-isip.

"Siguro ganoon nga. Pwede nga ring hindi nanggaling sa tatlo."

Sumang-ayon ako. Hindi na siya nagsalita. Hindi siya nakatingin sa pinapanood namin kaya sigurado akong may malalim siyang iniisip.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Maagang umalis si Noah para mag asikaso sa sariling trabaho. Mamayang hapon pa ang meeting ko sa baba.

Inubos ko ang oras sa paglilinis sa condo. Pawisan ako nang matapos. Saglit akong nagpahinga bago napagpasyahang maligo. Isang oras pa bago ang meeting nang matapos ako mag-ayos ng sarili.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon