Kabanata 2

56 8 2
                                    

"Ayoko nga magsuot ng dress, Ate. Hindi bagay sa akin iyan." Sabi ko kay Ate Ezikiah. Binili raw niya sa akin ang dress na dinala niya. 

Hindi ako mahilig magsuot ng ganoon, mas gusto ko ang mga jeans at mahahabang damit katulad noong nasa Maynila kami. Mas gusto ko na magsuot ng mga pantalon saka simpleng shirt lang dahil hindi naman ako lalabas ng mansyon.

Kasama ni Ate Ezikiah ang isa naming pinsan na si Ate Katherine, she's the only person who understand me and my situation.

Nakakaisang araw pa lang kami rito ay ang daming tao na agad ang pumupunta rito para kamustahin kami. Lalo na ang mga pinsan ko na dito nakitulog sa mansyon namin, madaming kwarto ang nandito sa mansyon kaya halos ang lahat ng pinsan ko sa mother side na nandito sa Marinduque ay dito sa mansyon nakitulog at makikitulog.

I don't like my cousin named Kalia, kanina kasi ay hindi siya kumatok sa pintuan ng kwarto ko at basta-basta lamang pumasok. I don't like her the way she says that I'm so quiet not like my other cousins daw na sobrang iingay, I'm not talkative person.

To be happy, I sometimes need to be alone. 

"Addie sige na. Maganda naman ito. Bagay kaya sa iyo 'yong suot mo kahapon kaya for sure babagay din sa iyo ito! And it's time para maging maganda ka, noh. Wala nang manghuhusga sa'yo hindi katulad sa Maynila saka kung mayroon man ay nandito naman kami." Paliwanag ni Ate Katherine. She always calling me Addie, sometimes she's calling me Delly.

"I don't think so, Ate. Hindi ko hilig ang mga ganyan pero sinabi mo kaya maniniwala ako." Sabi ko sa kanya.

I always believe her because she's the only person who understand me. Siya ang tanging tao na pinagkakatiwalaan ko ng lubos.

I took that tie shoulder split hem floral cami dress. Ang dami pang dresses na nasa bagahe ni Ate Ezikiah, inilagay niya lahat ng dresses sa kama ko at tumayo. Wala nang laman ang bagahe niya dahil nasa kama ko na ang lahat ng mga dress, off-shoulder, skirts, crop tops at marami pang iba't ibang klaseng damit na binili raw niya para sa akin.

"Wear that ngayon, pupunta tayo sa hacienda at papasyal. Maganda roon at mahangin." Ate Ezikiah said. 

Nagdalawang isip pa ako pa ako bago sumang-ayon sa kanya. Sa totoo lamang ay hindi na dapat ako pumayag, gusto kong magkulong dito sa kwarto ko pero naalala kong wala na pala ako sa Maynila. Ayokong makarinig ng masasamang sinasabi nila tungkol sa akin.

Hindi lamang hacienda ang pagmamay-ari ng mga magulang ko kundi ang isang malawak na lupain pa rito sa Marinduque. Mga puno at halaman lamang ang nandoon dahil hindi pa naaasikaso, siguro ay maaasikaso rin nila ang lupang iyon kapag dumating na sila mom at dad dito sa susunod na linggo.

Tumayo na ako sa kama ko at nagpunta sa bathroom ko. Malaki ang kwarto ko katulad ng mga kwarto na nandito sa mansyon.

May dressing room kung saan nakalagay ang mga damit ko pati ang ilang sapatos na dinala ko. Malaki rin ang kama ko at hindi lamang dalawang tao ang kasya roon sa tansya ko ay tatlong tao. Ang bathroom ko ay mayroong bathtub, malaki rin itong bathroom ko na hindi katulad ng kwarto ko sa bahay namin dati. Ang kwarto ko sa bahay namin dati ay sakto lamang para sa amin, hindi katulad rito sa mansyon.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng bathroom. Naabutan ko si Kalia na nakatayo sa harapan ni Ate Katherine at mukhang nag-uusap silang dalawa. Naglakad ako papunta sa kama ko para iligpit ang ibang dresses na na nakatambak roon, wala na si Ate Ezikiah, mukhang nagpalit siya ng damit.

"Adelaide, bakit hindi mo hayaan sila yaya ang gumawa niyan? Gusto mong tawagin ko sila?" Kalia asked, I shook my head and looked at her. 

I raised my brow slighty.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon