This is where all of it started.
-Throwback-
February 05, 2018
It was a beautiful day and currently, papasok na ako sa school ko sa Lemery. Naglalakad ako sa side walk and goodness gracious because I haven't eaten anything because I've woken up so late again. Dadaan na lang ako sa harapan ng school para bumili ng pansit, sarap kaya magluto ni Aling Nena.
"Aling Nena, good morning!" Ngumiti naman siya nung makita niya ako. Suki niya kasi ako.
"Magandang umaga ganda, pansit ba ulit ang sayo?" Natawa naman ako sa kanya, palagi kasing ganyan ang bati sakin ni aling nena tuwing umaga.
"Ikaw naman Aling Nena, binobola niyo na naman ako. Hindi naman ako maganda and yes po I will buy again ng inyong pansit kasi it is so delicious. Dito ko na lang po siya kainin, maaga pa naman po." Nagtakal na siya ng pansit at inabot ko naman ang bayad sa kanya. I'm like this every day since I am not a morning person but ayoko naman ng pang hapon na klase, ang gulo ko.
"Aling Nena, sarap niyo talaga magluto." Ngumiti lang siya and pinagpatuloy na niya ang pagluluto niya. At nilasap ko lang ang pansit ni Aling Nena kasi super sarap niya talaga as in.
I am so rude. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala. I am Ayesha Natalie Carolina, a grade 12 student, and I am not a morning person. Anyway, I am only 16 years old but tomorrow is my birthday so yeah, magiging 17 na din ako.
Tumingin muna ako kay Aling Nena pagkatpos kong kumain. "Aling Nena, alis na po ako." Inayos ko na ang sarili ko, kinuha ang bag ko at tumayo na. Bat feeling ko pagdating ko ng room ay ako na naman ang una? Ang tatanghali naman kasing pumasok ng mga kaibigan ko eh.
Pagdating ko ng 3rd floor kung nasaan ang room namin. Napailing na lang ako dahil tama na naman nga ang hinala ko dahil ako na naman nga po ang nauna. Jusko, nakakabored naman kasi kaya ang ginawa ko na lang muna ay buksan ang mga bintana. Sumilip ako sa kabilang room, wala pa ang bestfriend ko. Antayin ko na lang siya then mangapitbahay na lang ako sa room nila. Hahaha.
Ichachat ko pala ang baliw nayun. Hahaha.
"Beshie san kana? Nauna na naman ako sa room. Wait kita then mangapitbahay ako sa room niyo. Ingat ka." Hmmn. Ganyan talaga ako sa mga kaibigan ko. Sweet pero pag nagalit ako, magtago ka na.Hahaha.
Chat sent! Nagisip muna naman akong gawain. I'm a jolly person, but ewan ko ba kung bakit minsan hindi ko trip magaral but ayoko parin naman ng babagsak ako. Bipolar kasi ako, and yes I am sick but not that severe.
Bumalik muna ako ng room at umupo sa assigned chair ko. Inilabas ko naman ang cellphone ko at nagopen ng facebook, naka free data lang ako kasi poor lang ako no at hindi ko afford and data palagi.
Nung nagsawa na ako sa cellphone, naisipan kong lumabas muna kasi nagsasawa nako sa loob ng room. Hahaha. Tamang abang na lang ako sa labas ng room kung sino ang unang dadating na sunod mula sa mga kaklase ko.
Ilang minuto pakong naghintay bago may dumating na tao sa floor namin. Napangiti naman ako nung makilala ko kung sino yung naglalakad papunta sakin.
"Good morning Angel!" Nakita kong natawa naman sakin si Angel bago pa siya makalapit sakin.
"Yes, good morning too Ayesha." Yes. Let me introduce Angel Alessandra, she is the smartest among all of us here sa room and syempre saming magbabarkada. Super talino niya as in, like no joke.
Pumasok naman ulit ako sa room since may kasama naman na ako. Yepp, madaldal akong tao.
"Ayesha ang energetic mo naman, ang gaga aga pa kaya. Hahaha." Ngumiti lang ako sa kanya. Well sanay na siya since matagal nadin kaming magkaibigan na dalawa.
BINABASA MO ANG
That Happy Ever After
Fiksi RemajaI met him when I was only a grade 9 student. I am currently in a relationship with my first boyfriend that time and he belongs to his circle of friends. I called and treat him as my older brother because of our huge age gap. We fell for each other a...