Kabanata 1

22 4 0
                                    

*Kabanata 1*

KYRITH POV



"Uy, Talia!" Tawag ni Seinna sabay batok sa akin. Kasama niya ang iba pang kaibigan namin na tumatawa, wala akong alam na nasa likuran ko na pala sila.

Huminto ako sa paglalakad at sinamaan sila ng tingin. Bukas na ang pasok namin sa college kaya kinakabahan ako, baka kasi hindi ako makapasa bilang doktor. Sarap na lang maging basurero.

"Saan gala natin? Magre-review pa ba tayo para bukas?" Tanong ni Zam habang nagkakamot ng batok. Nasa gilid kami ng kalsada, walang masyadong kotse na dumadaan sa paligid mga tricycle lang at ang iba ay bikers.

"Huwag na. Edi kung hindi makapasa, edi sama-sama ulit tayo kahit hindi iisa ng course." Irap ni Seinna sa kanya.

Tumawa naman ako dahil tama nga naman siya, sama-sama kami best friends goals hahahaha!

"Pumunta na lang tayo sa mall para maka-pasyal." Sabi ni Gabby na halatang buryong na buryong. Nakasuot pa siya ng berret, paboritong paborito niya iyon samantalang noong nagsuot ako ng ganoon ay nahuhulog.

Sumang-ayon kaming tatlo sa sinabi ni Gab kaya naghintay kami ng taxi. Nang may dumaan na taxi ay umupo si Gabby sa passenger seat n'on at kaming tatlo sa likuran, nagsisiksikan kaming tatlo dahil ang liit ng upuan dito..

"Ang taba naman kasi ni Seinna. Ano bang kinakain mo?" Angal ni Zam na hindi mapakali sa kinauupuan niya. Nakita kong sinamaan siya ni Seinna ng tingin at kumandong sa kanya.

Buti na lang nauna akong pumasok kaya hindi ko na kailangang makipagsiksikan sa dalawa. Ang lilikot naman!

"Ayan, kandungin mo na lang ako para tumigil ka na sa kakadada riyan!"

"Sige." Sagot ni Zam.

Nagmaneho na ang driver papunta sa mall, naririnig kong nagtatawanan silang dalawa sa gilid ko pero hindi ko sila pinansin. Si Gabby ay nakita kong may ka-chat sa cellphone niya, nakangiti siya.

Feeling ko si kuya Enzo iyon dahil siya lang naman ang laging kinu-kwento niya sa amin. Hindi na rin daw alam ni kuya Enzo kung nasaan na si Asha, wala na siyang contact sa kapatid niya at deactivated ang account niya sa Facebook maging sa Instagram at Twitter.

Anyway, kinuha ko ang cellphone ko at chi-n-at si kuya Kyle dahil hindi pala ako nakapagpaalam sa kanya na pupunta kami sa mall. Wala naman kaming ibang pupuntahan kundi sa mall, kung hindi sa mall edi sa park o kaya maglalakad hanggang sa mapagod. Hays, kailangan na talaga naming magbakasyon nakakatamad na sa lugar namin dito.

Kyrith: kuya, mall lang kami ng mga tropapits ko. Kasama naman si Seinna kaya dapat pumayag ka na. Okay?

Kapag kasama si Seinna ay papayag si kuya dahil si Seinna lang ang pinagkakatiwalaan ni kuya. Hindi naman ako sinusumbong ni Seinna dahil yari din siya sa ate niya, isusumbong ko rin siya kapag ganoon.

Kuya: ok.

Nasa trabaho ata si kuya kaya ganon lang ang reply. Buti nga ganoon lang dahil kung hindi ay sobrang haba ng sasabihin niya.

Tropapits sila ni kuya Enzo, hindi manlang niya sinabi sa akin na bff pala sila simula bata pa lang. Hala! So, ibig sabihin si Asha 'yung kalaro ko dati noong bata pa ako? Noong 10 years old pa lang ako, wala namang ibang kalaro si kuya kundi 'yung lalaking kasing-edad niya noon. Hala, sana all childhood friends!

Dahil sa magulo kong isip ay naisip ko na si Asha iyon, sana siya nga! Sana.



*~*~*



Our Delight AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon