~*PaCOOL Legends part2*~

103 4 2
  • Dedicated kay BB'S<3
                                    

~*PaCOOL Legends part2*~

Sumasakit nanaman ang ulo ko, andito ako sa labas nakatambay habang isa isang pumapatak ang ulan, Buti na lang at tapos na ang bingo.  Wala ng maingay mapayapa na.

Pinagusapan namin kanina ng mga kaibigan ko ang pagpasok namin sa college. Iiwan na daw namin ang isa't-isa, at magkakaroon na daw kami ng bagong kaibigan.

Natuwa ako kasi may nalalaman pa silang mga ganyang bagay. Pero naiiyak din kasi kung iisipin mo magkakahiwalay na kayo ng mga taong kilala mo na, base sakanilang utot, balakubak at tutuli mo. Iba padin sila.

Iba padin ang mga kaibigan mo all throught time.

Yung kahit may tampuhan o may clash of the titans kayo e hindi niyo matitiis ang isa't-isa at magbabati rin.

Yung kasama mo sa mga kagaguhan mo. Pag pinagalitan kayo ng teacher o principal niyo. Yung walang lag-lagan. Yung kahit konti lang ang mapahamak at yung iba e hindi na.

Para kayong kanin na dikit dikit. Yung pag bumili ka ng pagkain eh hindi ka mabubusog dahil inubos na nila.

Yung kahit corny yung joke eh matatawa ka. Yung isang senyasan niyo pa lang eh magkakaintindihan na kayo.

Yung kasama sa inuman at pag nalasing ka, sila yung magaalalay sayo.

Ang sarap magkatropa na ganun.

Wala kang araw na hindi ka masaya, malungkot, galit. etc...

Yung kasama mo sa kalandian mo. Dumadamay sayo kahit broken hearted ka. Yayakapin ka, kapag hindi mo na kaya ang sakit. Magpupunas ng luha sa mga mata mo kahit hindi ka na makahinga.

Pagtatawanan ka kapag nadapa ka.

Mga kasama mo pag wala kayong makitang taxo, mga magpapagabi na lakwatsa, ilulusot ka sa nanay mo na umuusok na ang ilong at tenga sa galit.

Mga taong hindi nagbabago at hindi ka pipiliting magbago.

Mga kasama mo, kahit mukha na kayong tanga.

Mga nanlilibre sayo kapag short ka na sa pamasahe o wala kang pangkain.

Mga kasama mo sa adventures mo. Kahit mamatay ka na sa takot, ihaharap ka nila doon.

Kasama mo sa mga nakakatakot na rides at sabay sabay pagpapawisan ang mga kili-kili at kamay niyo. Kasabay mong taas kamay para lalong ma-feel na mamatay ka na.

Pagsasabihan ka na wag tumalon talon sa tabi ng seaside at baka mahulog ka.

Kasama mo sa daganan at agawan ng baon.

Kakopyahan mo sa mga test, assignment, projects at kung ano-ano pa.

Kung baga sa gatas sila yung ALASKA kasi kahit hindi masyadong mahal walang tatalo sakanila. They are the best among the rest 'ika nga. Parang mga kapatid mo na sila. Kahit wala kayong pera makagala lang kayo ayos na basta magkakasama. Masaya magkaroon ng ganitong kaibigan. Yun bang walang iwanan. Magkakasama padin sa dulo. Kahit magaway away na wala lang umalis sa grupo. Kahit wala ng bf/gf basta anjan ang barkada ayos na ang buhay! >:D<

Kahit matatanda na, kahit maputi na at amoy lupa na lahat kayo, basta nabubuhay padin ang espirito ng pagkakaibigan, walang bibitiw hanggang sa dulo.

**

BB's wag na kayo maginarte okay? Hahaha, namiss ko na kayo. Magkikita na tayo sa monday mga gung-gong! Labyu all <3 Based from a true to life friendship. Hahah, One year na kami and still counting or until forever ends.

xoxo,

SEXYKAYAAKO/DAYNE! <3

PaCOOL LegendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon