Chapter 10 ( Kpop Event Prt.1 )

457 23 2
                                    

John Mark's POV

Matapos ng Prom naging ok naman lahat kaso madalang na lang namin kasama si Aeron alam mo naman dahil sa Gf niyang Higad at yung mga kaibigan ko din madalang na lang den kami mag sama sama kasi may mga bebe na sila kaya lagi kong kasama si Philip na taga 4th floor Stem student talino diba.

Kaya yung mga kaibigan ko at si Aeron dito na lang kami minsan nakakapag usap ganun so ito na nga P.E class na namin kakatapos lang ng Statistic and Probability sakit talaga sa head.

" Good day Class I have special announcement " Sabi ni Mr. Kapili teacher namin sa P.E

" Ang ating mga SSG officers ay nag propose ng isang event sa ating Principal dahil nga mga kabataan ngayon ay fan ng mga kpop ay gagawa sila ng Kpop Event sino pambato niyo dito sa section niyo? " Sabi ni Sir at ayun na nga nag ingay na ang kaklase ko kung sino pamdato namin at ako chill lang kasi kahit na fan ako ng kpop ayaw ko munang sumali Aral muna ako

" May additional grade din ito at may cash price din at every time ng P.E exempted na siya sa lahat ng mga activities at pati na rin sa periodical exam " Dagdag pa ni sir feeling ko maganda naman

" Sir! " Sabi ni Chloe at nag taas ng kamay at nag smirk siya sa akin

" Yes? Miss. Chloe? " Sagot naman ni Sir

" Sir si JM po panlalaban natin sa sec. namin. " Sabi ni Chloe at nanlaki ang mata ko kasi wala naman akong balak na sumali eh.. at nilakihan ko siya ng mata.

" Ok sige we have representative na si Mr. Jm " Sabi ni Sir at nag palakpakan ang lahat ako napa kunot na lang ng nuo at tiningnan ko mga kaibigan ko at sabi ni Aeron with matching sign FIGHTING daw at binigay na ni sir saakin yung isang paper na instructions ng mga mag peperform

Ano ba to 3 sayaw? Potek hingal na hingal kami nun at sabi dito 3 segment daw iyon bali kada segments may mga points na mang gagaling sa judge at sa 2nd to the last segment need na 2 ang matitira para sa final showdown ano pa ba ito Pageant? Miss Universe? May pa segment pa

Nandito kami sa Caféteria dito sa school as usual kasama nila mga bebe nila hindi ko na lang gaano tinitingnan si Chelsie at baka mas lalo lang ako ma bwiset nandito ako ngayon naka dukdok sa lamesa at inorderan na ako ni Philip ng kakainin ko

" Oh? Bakit naka dukdok ka diyan? " Tanong ni Philip nakarating na pala siya at dinig ko yung pag lapag niya ng tray

" Sasali kasi siya ng Kpop Event siya representative namin " Proud pang sabi ni Chloe

" Anong ako sasali eh tinuro mo ako waaaaaaaaa " Pag mamaktol ko nag tawanan naman sila at itong si Chelsie inirapan lang ako hayst ewan ko ba diyan inis sa akin pero nakikijoin pa saamin every lunch eh may mga pwends kuno naman siya

" Ako den representative sa section namin " Singit naman ni mukhang singit este ni Chelsie

" Talaga babe? Good luck " Sabi ni Aeron with kiss sa fore head ni singit este Cheslie may mga times talaga na nag seselos ako parang gusto ko manapak pero ala naman akong karapatan kasi kaibigan lang naman ako eh...

" Eh... Babe ano naman ang e peperform mo? " Tanong ni Aeron kay Chelsie at bigla niya akong tiningnan at nag taas kilay

" Secret muna baka kasi may makarinig at gayahin " sabi niya with role eyes at alam ko naman na ako yun

" Eh ikaw ano naman i peperform mo? " Tanong ni Philip

" Oo nga " Pag sang ayon ni Karl

" Oo nga ano ba? " Sang ayon din ni Chloe at tumingin si Aeron na parang hinihintay yung sagot ko

" Ahm... Hindi ko pa sure eh pipili pa ako sa playlist ko " Sabi ko kaya napag desisyunan ko nang lumamon

Nag daang ang mga ilang oras ay uwian na namin so ako nanman mag isang uuwi dati kasi hinahatid ako ni Aeron simula na maging sila ni Chelsie ay hindi na talaga niya ako hinahatid

" JM!!! " Sigaw mula sa likod at napatingin ako sa likod ko at si Philip lang pala

" Mag isa ka lang ba uuwi? " Tanong niya sa akin

" Oo ikaw ba? " Tanong ko din sa kaniya

" Oo, hatid na kita " Alok niya

" Naku... Ma abala ka pa " Tangi ko

" Sige na please please " Pag mamakaawa niya sa akin natawa na lang ako kasi sa gwapong ito nag pplease sa harap ko HAHAHA kaya pumayag na lang ako

Nag papasalamat talaga ako kasi nag karoon ako ng kaibigan na ganito na sobrang bait at naka rating na ako sa tapat ng bahay namin

" Thank you pala sa pag hatid ah " Sabi ko

" Wala yun basta ikaw " Sabi niya at maya maya ay nag kawayan na lang kaming dalawa at umalis na siya at ako naman ay pumasok ng bahay.

James Aeron

Nang matapos ang Prom bihira na lang kami mag usap ni Jm nakaka panibago lang kasi dati lagi kami nag uusap at nag tatawanan simula nung dumating yung Philip na yun parang inagawan niya ako ng pwesto kay Jm.

Minsan pag nag uusap kami ni Jm sa classroom mga ma iikli na sagot lang na tatangap ko sa kaniya dati kasi mahahaba ang mga sagot niya at tumatawa pa siya nun ngayon hindi na.

At hindi ko na rin siya na ihahatid sa kanila nahahatid ko siya dati pero ngayon Gf ko na ang hinahatid ko.

" Musta na pala kayo diyan? " Tanong ni Melvin

" Oo nga balita ko may mga jowa na kayo ah " Dugtong ni Kelvin gumawa kami ng gc na kami lang tatlo at ito katawagan ko sila

" Oo maliban sa isa " Sabi ko

" Sino naman ? " Tanong ni Melvin

" Si Jm " Sabi ko

" Ay kala ko sila nung Philip " Sabi ni Kelvin

" Alam niyo simula nung dumating iyang Philip na yan lagi na lang cold si Jm sa akin dati pag nag uusap kami ni Jm nagiging matagal yung Pag uusap namin at nag tatawanan ngayon sila na yung ganun!! " Inis kong sabi

" Woah woahh Bro kalma" sabi ni Kelvin

" Oo nga HAHAHA dami mong sinabi para kang nag seselos HAHAHA " Natatawa na sabi ni Melvin

" Oy hindi ah bakit naman ako mag seselos wala akong gusto kay Jm ah tsaka may gf ako noh " deny ko tsaka totoo naman eh

" Oy chilax HAHAHA bakit porket ba pag sinabing selos ay may gusto ka na sa isang tao hindi ba pwedeng selos sa kaibigan? HAHAH " Natatawa na sabi ni Melvin

" Oy hindi kami nag sabi niyan ah ikaw nag sabi niyan HAHAHHAA " natatawang sabi ni Kelvin

Ano ba nang yayari sa akin bakit ba ako nag kakaganito hayst.

SORRY PO SA PAG AANTAY😓

I Thought You Are My Mr. Right ( Tagalog BL Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon