Traveler Soul

2.8K 56 1
                                    

Halos araw-araw ay dinadalaw ni Anthony ang puntod ng asawa sa pribadong sementeryong iyon sa gawing Quezon City.

A year ago ay namatay ang asawa niyang si Jamie dahil sa car accident. Nabangga ang minamaneho nitong kotse nang pauwi na mula sa opisina. Dead on the spot si Jamie. May six months pa lang silang nakakasal nang mangyari iyon kaya hanggang sa kasalu-kuyan ay hindi pa rin magawang matanggap ni Anthony ang nangyari sa asawa.

Itinalaga ni Anthony ang sarili na sa abot ng makakaya ay pupuntahan niya palagi ang puntod ng asawa. Sa ganoong paraan man lang ay makasama niya ito sa loob ng ilang minuto bawat araw. Ganoon kamahal ni Anthony ang asawa.

Kung hindi bago pumasok sa opisina, pagkagaling sa opisina ang schedule ng pagpunta nito sa sementeryong kinalilibingan ng asawa.

Sa dalas ng pagpunta ni Anthony sa sementeryo ay napansin nito ang isang lalaki na walang palya rin nitong nakikita na pumupunta sa sementeryong iyon. Lagi itong may bitbit na bulaklak at kandila tulad din niya. Kung minsan ay sampaguita ang dala nito.

Minsang dumaan sa harapan niya ang nasabing lalaki at naisipan niya itong batiin.

"Pare, madalas ka rin dito, a."

Tumango at bahagyang ngumiti ang lalaki. Pagkuwa' y tumayo si Ramon mula sa kinauupuang damuhan. Inilahad ang isang kamay sa lalaki.

"Anthony, Pare..."

Nakipagkamay ito.

"Guilbert. Sige."

Iyon lang at itinuloy na ng lalaki ang paglakad. Ang direksyon nito ay sa dulong bahagi ng sementeryo. Doon laging nakikita ni Anthony na nagpupunta ito.

Nang sumunod na mga araw ay nakita pa rin ni Anthony ang lalaki sa iba't ibang panig ng sementeryong iyon. Ngunit hindi na nagawa ni Anthony na muling kausapin ang lalaki.

Nais pa sana ni Anthony na makakuwentuhan si Guilbert. Malaman kung sino ang palagian nitong dinadalaw doon. Ngunit sa tuwing makikita ito ni Anthony ay nasa malayong bahagi si Guilbert. Madalas din na malayo ang tingin nito kaya nahihiya naman siya na istorbohin ito.

Isang hapon, araw iyon ng Linggo. Natawag ang atensyon ni Anthony nang isang parating na kotse. Sinundan niya ito ng tingin kung saan papunta ang kotse. Tumuloy ito sa dulong bahagi ng sementeryo.

Natukso si Anthony na mag-usyoso.

"Hon, sandali lang ako ha. D'yan ka lang," paalam pa nitong sabi sa puntod ng asawa.

Tinalunton ni Anthony ang daan patungo sa dulong bahagi ng sementeryo. Doon nga niya nakitang nakahimpil ang kotse. Sa tapat mismo ng isang musuleo. Tatlong tao ang naroroon sa loob. Nakita rin niya ang mga sariwang bulaklak na marahil ay dala ng mga ito.

Lumingon kay Anthony ang lalaki at bahagyang ngumiti. Gumanti ng ngiti si Anthony at lumakas ang loob na lumapit sa musuleo.

Tatlong magkakatabing puntod ang laman ng musuleo.

"Sa inyo pala ito," wika niya na ang pinatutungkulan ay ang lalaking nakangitian.

Lumingon at ngumiti ang dalawang babaeng kasama ng lalaki. May edad na ang isang babae. Yumukod at ngumiti si Anthony sa mga ito.

Sa pagbaling ng mukha ni Anthony, nahagip ng kanyang tingin ang lapida at kapagdaka'y nangunot-noo ito.

"Guilbert?" sambit ni niya.

"Oo," sagot ng lalaki. "Bayaw ko siya. Kapatid ko ang asawa niya.. .iyang nasa kabila."

Ofelia naman ang nakasulat sa kabilang lapida at sa isa pa ay Wency. Muling binalikan ng tingin ni Anthony ang lapidang Guilbert ang nakatitik.

"Ikaw.. .may dinadalaw ka din?"

"Oo, asawa ko."

"Ganoon ba? Mag-asawarin 'yan. Last year lang namatay. Up to this minute parang hirap pa rin kaming paniwalaan na patay na sila."

Ngunit iba na noon ang takbo ng isip ni Anthony.

"Pare, curious lang ako. Huwag mong mamasamain ang itatanong ko kasi..."

"Okay lang. Ano ba 'yon?"

Nakaupo na sa naroong bench ang dalawang babae at nagkukuwentuhan.

"Iyong Guilbert... 'yang bayaw mo, a.. .puwede bang i-describe mo ang itsura niya?"

Saglit pang kumunot-noo ang lalaki.

"Well.. .halos kasing taas ko siya. Medyo payat.. .may..."

"May nunal sa dulo ng ilong? Kulot ang buhok... fair complexion?"

"Oo. Kilala mo ba siya?"

Kaagad namutla si Anthony sa natuklasan. Ang ibang katangian ay posibleng nagkataon lang. Ngunit ang prominenteng nunal sa dulo ng ilong at ang pangalan ay sapat ng katunayan.

"Bakit, Pare, may problema ba?"

Napilitang magkuwento ni Anthony sa kanyang karanasan. Maging ang dalawang babae ay na-curious na ring makinig kay sa kanya. Hindi halos makapaniwala ang mga ito sa sinabi ni Anthony na madalas niyang makita si Guilbert. Na minsan nga'y nakausap pa niya ito.

Napilitan ang lalaki na magkuwento ng mga bagay tungkol sa mag-asawang nakalibing sa puntod.

Isang kahanga-hangang love story daw mayroon ang mag-asawang Guilbert at Ofelia. Hindi birong hirap ang pinagdaanan ni Guilbert bago sila nagkatuluyan ni Ofelia para paghiwalayin lang pala ng kamatayan.

Namatay si Ofelia sa panganganak. Maging ang sanggol na nagawa nitong isilang ay binawian din ng buhay dahil sa komplikasyon, pagkaraan lang ng ilang oras pagkasilang dito.

Halos mabaliw si Guilbert sa nangyari. Gabi at araw ay umiiyak ito at nagkukulong sa loob ng kuwarto. Hindi kumakain. Hanggang mapilitan sila na dalhin ito sa ospital ng mga baliw. At doon nito tinapos ang sariling buhay. Nagbigti si Guilbert.

Mortal sin na itinuturing ng simbahan ang pagbawi sa sariling buhay. At iyon ang ginawa ni Guilbert. Kaya marahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakakapasok sa dapat puntahan ang kaluluwa ni Guilbert.

Ang 'unsaved soul' niy marahil ang siyang nakikita o nagpapakita kay Anthony sa sementeryong iyon..

Kalye Trese ! | Tagalog Horror Stories |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon