Ang kwento ito ay naikwento nang kapit bahay ko.
Nangyari to sa kanya almost 3 years ago...Nakasanayan na ni Razel na umuwi nang madaling araw. Ito kasi ang schedule nang kanyang trabaho.
Sanay na rin syang na laging mapadaan sa mataas at malagong puno ng Acacia,kahit alam niya ang mga kwento-kwento sa punong ito ay hindi niya ito binibigyan ng pansin. Mag aalas dos na nang madaling araw nang makaalis si Razel sa kanyang pinagtatrabahuan. Sumasakay sila sa Jeep nang dalawa pa nyang ka trabaho nang magsimulang magkwento si Razel ng katatukan."Uy, alam nyo ba? may puno nang Acacia malapit sa amin na pinamumugaran nang mga masasamang elemento!!" -Razel
"Pinamumugaran? ng mga lamang lupa, ganon?!" Tanong nang kaibigan nyang si Jessie
"Oo, ang sabi sabi.. may mga kapre, engkanto at kung anu anung lamang lupa pa daw! Minsan nga daw, may magkasintahang ginabi na nang makauwi e, may nakita daw na babaeng nakasout nang damit pang kasal, wala raw ulo!
sa takot daw nang dalawa ay naiwan na nila ang dala dala nilang mga gamit!! ..ahaahaha! Tuloy tuloy na kwento ni Razel habang tumatawa."Hay naku! pati ba naman ikaw naniniwala pa sa mga ganyan?! nasa modernong panahon na kaya tayo!" sambit ng isa pa nyang kasamahan na si Andrei.
"Anu? hindi aah! kaya nga ako natatawa eh, biruin nyo nagpaunahan pa daw sila nang takbo tapos naiwan yung mga dala nilang gamit. hahhaaha.." tawang tawa na saad ni Razel.
"Razel,ayan na pala ang kalye pa inyo o." -Jessie.
"ay oo nga. Manong para nalang dyan! o mauna na ako sa inyo!" -Razel
"sige ingat, dyan sa mga kapre at duende.! hehehe.." pabirong sabi nang kaibigan nyang si Andrei.
"hhheeee..! nakakatakot!!" naiinis na bilin ni Razel sa kaibigan.
Pagbaba ni Razel, halos dalawang daang metro pa ang kanyang lalakarin para marakarating sa kanila. Wala na rin kasing dumadaang traysikel o di kaya'y pedicab kaya naglalakad nalang siya. Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang mapatingin sa puno ng Acacia, tinitigan niya ito ang maigi mula ulo hanggang sa mga ugat nito.
"hhee, kapre daw!" sabi nya sa sarili.
Nang makalampas na na siya sa puno.
.
.
.
.
.
HHHHAAAAAAA!!!...
.
.
.
nilingon niya kung saan nanggaling ang bumuntung hininga. Pero wala namang katao tao kundi siya lang at ang tanging ingay na maririnig ay ang ingay nang mga sasakyan sa highway."haay, pinaglalaruan lang yata ako nang isip ko!" pagpapakalma ni Razel sa sarili.
HHHAAAAAAAAAAA..!
.
.
.
sa pagkakataong iyon, matagal ito kaysa sa una. Matagal na napatayo lamang si Razel sa kanyang kinatatayuan at halatang natatakot na rin. Nilingon niya uli ang kanyang likuran at ang buong paligid. Pero wala pa rin siyang nakita.
Bigla siyang napabalikwas nang may nag whipflash sa kanyang isipan... ang ilalim nang puno, may nakita siyang tao pero hindi niya ito halos maaninag dahil parang Transparent ito na parang plastic cover!
Lumapit siya nang mga anim na hakbang para makita niya ito na maigi, laking gulat niya nang makita ang tinititigan na unti-unting lumilinaw, nakatitig ang isang lalaki sa kanya nakasuot ito nang puting damit na pang kasal at duguan at maraming sugat ang mukha nito habang nakatitig na parang demonyo sa kanya.".................HUUWAAAAAAAAHHH!!!" matagal pa nang nakasigaw siya pagkatapos mabalikan nang ulirat sa pagkakashock.
Nagkamalay lang siya nang maramdaman niyang tinatapik tapik siya sa balikat nang madadaan ang kakilala niya." zel,anong nangya..ri?" tanong nito na parang nagtataka.
..hii..ndi ko alam! hindi nalang niya sinabi ang totoong nangyari baka ano pa ang isipin nito sa kanya.
Inalalayan nalang siya ng kakilala na umuwi..Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang mapatingin sa puno. Siguro ang nakita niyang lalaki ay ang mapapangasawa sana nang babaeng nakadamit din nang pangkasal na nakita nang mag nobyo na ikinwento niya sa mga kaibigan. Nagpakita siguro sa kanya dahil sa pagbibiro niyang kwento sa mga kaibigan tungkol sa babaeng nakadamit pang kasal.
A/N: There's no harm to vote and share po! hahaha... (∩_∩)(∩_∩)!