Kwentong Morgue

1.7K 26 1
                                    

A/N: Hi! sorry it's months na rin na di na kapag update.. Pero pangbawi ko po to.. sana mabasa niyo.! =)

Nagpatuloy ang nakakapanidig-balahibong kwento ni Sir Gil noong nag-aaral pa siya ng Clinical Psychology sa isang Unibersidad sa Maynila. Fourth year siya noon sa kursong Clinical Psychology at hindi niya makakalimutan ang nangyari noon sa kanilang practicum.

Tandang tanda pa niya ng mag-assign ang kanilang professor sa practicum na mag hanap ng isang punerarya at mangalap ng mga iba't ibang impormasyon tungkol sa mga namatay na tao. Hinati sila sa tig-tatatlong grupo at sila ay magtutulungan upang gumawa ng Research paper tungkol sa mga nakalap na impormasyon.

Naibahagi ni Sir Gil na sila'y hirap na hirap sa paghahanap ng isang punerarya na pagsasa-gawaan ng kanilang research. Tinanggihan sila ng iba't ibang punerarya dahil maaabala lamang sila ng mga estudyante sa kanilang mga trabaho. Hanggang sa isang punerarya sa Quezon City ang malugod na tumanggap sa kanila. Sila ay pinabalik ng Sabado ng gabi, mga 8pm iyon. Kasama ni Sir Gil ang dalawa niyang kagrupong babae at sila ay nagtungo sa di nabanggit na punerarya. Nabalot ng takot at kaba sa dibdib ang naramdaman ng dalawang kagrupo ni Sir Gil sapagkat sa pagpasok pa lang sa lobby ng punerarya ay tumambad na sa kanila ang mga hospital beds na may patay na tao na nakahiga at nakatakip ng kumot. Medyo masangsang din ang amoy ng loob dahil sa mga kemikal na ginagamit sa pang-eembalsamo. Todo kapit ang dalawang kagrupo ni Sir Gil sa kanya sapagkat hindi sila sanay na makakita ng mga ganung eksena. Sila ay pinapasok na sa Morgue ng manager ng punerarya upang simulan na nila ang pag-iinterview at pangangalap ng mga impormasyon. Tandang tanda pa niya ang laman ng Morgue. Isang malaking tangke iyon ng gas, mga bote ng formalin, mga hospital beds, at tatlong malalamig na bangkay na nakahiga sa mga iyon.

Sinuri ni Sir Gil ang tatlong bangkay na laman ng morgue. Tandang tanda pa niya ang mga hitsura ng mga iyon. Ang isa ay medyo may katabaan at ayon sa embalsamador na sumama sa kanila ay isa daw iyong holdaper na napatay ng mga pulis. Ang pangalawang patay na nasuri ni Sir Gil ay isang batang babae na namatay sa dengue. Nakaramdam siya ng awa dito sapagkat marami pa sanang mga pangarap ang batang iyon na inagaw ng kamatayan. Naglakad si Sir Gil papunta sa ikatlong bangkay. Napansin ni Sir Gil na nawala sa loob ng morgue ang mga kagrupo niya. Tinanong niya ang Mamang embalsamador kung nasaan ang mga kasama niya. Sabi niya ay pumunta lang sa CR ang mga kaklase niya.

Nagpatuloy na sa pagsusuri si Sir Gil. Sinusulat niya sa kanyang notebook ang mga nakakalap na mga impormasyon tungkol sa mga patay sa morgue. Huli niyang nasuri ang huling bangkay sa dulo. Napansin niya ang isang patay na matandang babae. Tatanungin niya sana ang Mamang embalsamador ngunit nawala ito sa loob ng kwarto. Habang naghihintay sa mga kaibigan at sa Mamang embalsamador, sinusulat niya muna ang mga deskripsyon ng matandang babaeng iyon hanggang sa di inaaasahang eksena ang tumambad kay Sir Gil. Isang duguang bata ang nakita niya na nakasilip sa kurtina ng operating room. Takot na takot na lumabas si Sir Gil sa loob ng Morgue at nakasalubong na niya ang mga kaklase at siya'y napuna na parang nakakita siya ng multo.

Kinuwento ni Sir Gil ang nakita niya sa kurtina ng Operating room. Hindi na niya kinuwento sa pamunuan ng punerarya ang kanyang nakita sapagkat baka raw magkaroon lamang ng gulo ay isyu.

Hanggang ngayon, usap usapan parin sa boung klase ang mga kwentong Morgue na napagtalakayan lamang nang isa sa mga subjects nila..

Totoo ba talagang.. payapa na ang mga minamahal nating namatay na.?
Paano kung hanggang ngayon ay narito pa sila kasama natin.. sa bahay, sa eskwela at kung saan pa..?

Kalye Trese ! | Tagalog Horror Stories |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon