Hindi maalis ni Athena ang ngisi sa kanyang mga labi. Natatawa pa rin siya sa itsura ni Claud noong hinalikan niya ito pati na rin noong basta na lamang niya ito tinalikuran pero may kung ano sa kanya ang kinakabahan. Kinakabahan siya para sa sarili niya dahil sa attraction na nararamdaman niya para sa binata. Kakaiba itong humalik na para bang bago sa kanya ang tipo ng paghalik nito.
Pagkaalis naman ni Athena sa puwesto nila ay agad siyang pinuntahan ng mga kabarkada niya. Tinapik siya sa likod at kino- congratulate siya ng mga ito.
"Woah! That was hot!" sabi ng kaibigan niyang pinaka-playboy sa lahat. Si Sky.
"Magaling bang humalik?" tanong naman ng makulit na si Sun. Hindi umimik pa ang iba pa niyang kabarkada na si Rain at Storm. Likas na tahimik si Strom pero hindi si Rain na isa pa ding makulit tulad ni Sun na ipinagtataka niya ngunit pinawalang bahala na lang niya ito.
"Tsk. Lousy!" yan ang sagot ni Claud sa kanila pero naiisip niya na that was a great kiss. She has kissed every girl in town but she is different. Far different from the others he's known. May kakaiba sa babaeng ito at yun ang di niya maisip kung ano.
"Lousy ba yung halos kainin mo na yung mukha ni baby?" biro na naman ni Rain.
"Baby? Eh Athena ang pangalan nun!" takang sabi naman ni Claud kay Rain.
"Gotcha! Athena pala!!" sabay tawa ni Rain. Hinuhuli lamang naman niya ang binata at nakuha niya ang sagot sa tanong sa isip niya. Ano ang pangalan ng magandang babaeng napagtripan nila. Kumunot naman ang noo ni Claud sa sinabi ni Rain. Type ito ni Rain pero may kung ano sa kanya na nagsasabing sa kanya lang ang dalaga na siya ding ikina -iling niya. Imposible! Yan ang nasa isip niya ngayon. Imposible.
"Paano ba yan guys nanalo ako? Saan na ang bayad niyo? Sabi ko naman sa inyo eh." sabay tawa niya pero sa loob-loob niya ay naiiling siya sa panttrip niya sa mga kaibigan. Kung alam lang nila! Doble ang balik sakin.
Napagpasyahan ni Athena na dumaan muna ng wash room para na rin icheck kung may mali ba sa pagmumukha niya baka makahalata ang pari sa ginawa niyang kalukahan.Pumasok siya sa wash room at tinignan ang mukha sa salamin. Nakakapagtakang mapula ang kanyang mukha. She's flushed. Medyo kalat din ang lipstick niya na pula. She sighed. Inayos niya ang kanyang sarili ang re-applied her red lipstick. Sinuklay din niya ang mga buhok gamit ang mga daliri nito. Di kalaunan ay pumasok na siya sa venue.
"Hello po!" bati niya sa mga kasama sa lamesa. Sila din yung mga kausap nila kanina. OP na naman siya kasi nag uusap usap ang mga ito. Tinanguan lang siya ng pari pati na din ang mga kasama nito na kasalukuyang kumakaen. Ang iba ay nakapila na sa buffet table.
"Kumuha ka na din ng pagkain mo doon." sabi sa kanya ng pari.
"Sige po." sabay tango niya at ibinaba ang dalang sling bag sa kanyang upuan.
Di rin nagtagal ay nakabalik na siya sa lamesa at nagsimulang kumaen. Naging tahimik lang siya nakikinig sa instrumental ng mga kanta gamit ang violin at cello pero ang mga kasama niya sa lamesa ay puro kwentuhan. Humahanga siya sa tumutugtog ng cello. Gusto niya itong matutunan kaso wala siyang cello at wala rin siyang may kilalang marunong tumugtog nito para turuan siya. Namamangha din siya sa tumutugtog ng violin damang-dama kasi niya ang pagtugtog nito. Iniisip niya kung ganun din ba siyang tumugtog. Yes, marunong siyang tumugtog at magaling siya pero may insecurities siya. Nahihiya din siyang tumugtog sa maraming tao. Minsan lang din siya gumamit nito sa choir nila pag may okasyon lamang tulad ng kasal at Pasko.
BINABASA MO ANG
that gate crasher
Romanceit was just a deal with my friends and then i get myself into dealing with her instead.