Parang naging slowmotion ang pagtayo ni Claud, pati na rin ang paglalakad patungo sa stage kung nasaan siya.
"Now that we have a winner, Miss Athena Kendi, tawagin na natin si Mr. Claud Buenavista!"
Tumigil ang mundo niya, si Claud lang ang nakikita niya sa lahat ng taong nasa hall, hindi na rin naririnig ni Athena ang mga palakpakan at hiwayan ng mga bisita at mga kabarkada ni Claud. Nabalik lang siya sa reyalidad ng halikan siya ni Claud sa pisngi at inabutan ng isang long-stemmed red rose. May kakaiba itong ngisi sa kanya, parang nangungutya o naaliw. She can't determine what it is. She smiled politely, kinakabahan pa rin siya.
"They look together right? Gwapo at maganda!" Biglang sabi ng MC na siyang ikinapula ng pisngi ni Athena at lalong ikinangisi ni Claud. Magkatabi na silang nakatayo at nakalagay ang kaliwang kamay ni Claud sa bewang ni Athena na siyang ikina-iilang nito. Pasimple naman niya itong tinatanggal pero lalo lamang hinihigpitan ni Claud ang paghawak sa kanya. Titingin at ngingisi lamang ito sa kanya, kaya pinabayaan na lamang niya ito.
"Jerk." Bulong ni Athena.
"Yes, milady?" Bulong naman ni Claud sa tainga ni Athena na siya namang ikinatigas ng katawan niya at ikinatawa naman ni Claud. Pinaglalaruan ata siya ng binata.
Padre, tulong! Pilit na hinahanap ang pari para humingi ng saklolo pero nakita na lamang niya ito sa kanilang lamesa na busy sa pakikipag-usap sa iilang mga tao na hindi naman niya kilala.
"May we call in the newly wed for the removing of the garter!" Dagli naman ang naging pagtugon ng bagong kasal. Umupo ang mag-asawa sa isa sa mga isinet na dalawang Cleopatra loveseat sa gitna ng stage at sila naman ni Claud ay inanyayahang maupo sa isa.
"Richard, pwede mo ng tanggalin ang garter kay May." Makikita ang malaking ngiti ng lalaki pati na din ang kanyang asawa. Nakakatuwang panoorin kung paano kumislap ang mga mata ng mga ito sa simpleng ngitian lamang. Tumayo si Richard at inayos ang pantalon, paghahanda sa pagluhod sa harap ni May. Nang makaluhod na ito ay iniangat nito ang gown ni May at saka pumasok sa ilalim ng gown para kunin ang garter na siya namang ikinasaya ng mga nanunuod. Palakpakan at hiyawan ang mga ito.
"Mukhang nag-eenjoy si Richard sa ilalim ng gown mo ah, May?" Tukso ng MC sa bride na ikinapula namang ng mukha nito. Di rin nagtagal ay bigla namang lumabas sa ilalim ng gown si Richard kagat-kagat ang garter. Muli namang naghiyawan ang mga bisita.
"Woah!" Sigaw ni Richard.
"Mukhang nahirapan tayo sa pagtatanggal ng garter ah!?" Sabi ng MC sa groom ngunit ngisi lang ang isinukli nito.
"Oh." Biglang ibinato ni Richard ang garter kay Claud, buti na lamang at nasalo niya ito.
"Since na kay Claud na ang garter, pwede na niya itong isuot kay Kendi, pero may twist! Using his mouth! Yay!" Napatingin naman si Athena sa MC at nanlaki ang mga mata, samantalang si Claud naman ay mas lalong lumaki ang ngisi.
Damn! Ano ba tong napasukan ko? Nakakahiya!! Jeezz! Kumakalabog ang puso ni Athena dahil sa narinig, kinakain na naman siya ng kaba. Tapos ganito pa ang gagawin niya? Nasaan ang hustisya? Lord! help me, please! Dasal niya sa kanyang isip. Tinanggal niya ang pagkaka-cross ng kanyang legs at umupo ng maayos. Grace under pressure. Finesse, ika ng English teacher niya noong highschool. Naging hudyat naman ito ni Claud para magsimula.
"Galingan mo Claud! Wooh! Ayos yan pare!" sigaw ng mga kabarkada ni Claud.
"Pambato namin yan!" Pahabol pa ng mga ito na lalo namang ikinakaba ni Athena dahil sa mga biro ng kaibigan ni Claud. Nakatingin lang siya sa mga ito samantalang si Claud ay sumaludo lang na may napakalaking ngisi. Hindi inaasahan ni Athena ng lumuhod on one knee si Claud sa harap niya; kinuha ang kaliwang binti at dahan dahang inalis ang paborito niyang sandals. Nakatingin lang siya sa bawat gawin ng binata sa harapan niya.
Ang gwapo niya!! Isip-isip ni Athena.
Marami siguro talagang nagkakagusto sa kanya. Gwapo, tapos may dimples pa na kahit hindi ngumiti ay nakikita mo. Ang lapad pa ng balikat niya! Parang baliw na pinagpapantasyahan niya ang binata na ikinakakabog ng puso niya.
I never imagine that this will happen to me, eh nag gate crash lang naman ako! Oh Lord!
Dahan-dahantg isinuot ni Claud ang garter sa paa ni Athena ng matanggal niya ang sandels nito; ramdam na ramdam ni Athena ang hininga ni Claud sa binti na ikinikilabot niya. Nakita niyang nakatingin sa kanya si Claud, animo'y naghihintay ng hudyat kung sisimulan na ba niya ang pagtataas ng garter; isang buntong hininga lang ang isinagot niya, marahang pumikit at pagmulat niya ay isang tango ang isinukli sa binata. That is the start of his sweet torture . Kinagat ni Claud ang garter pero para sinadya niyang tumama ang kanyang mga ngipin sa balat ni Athena na siya namang ikinasinghap ni Athena. Pinanlakihan niya ito ng mata pero ngumisi lang ang binata.
Torture! Yan ang nararamdaman ni Athena, feeling kasi niya ay talagang binabagalan ni Claud ang pagtataas ng garter, hindi rin nakakatulong ang ritmong pagdampi ng labi at paghampas ng hininga nito sa balat niya. Nakakatinding balahibo.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na sa ibabaw ng tuhod niya ang garter.
Hay! Salamat at tapos na din!
She sighed and looked at Claud na nakangiti na sa kanya ngayon. Akmang tatayo na si Claud pero biglang sumigaw ang mga ito ng:
"MORE!!!"
"HIGHER!!!"
"KONTING TAAS PA!!!"
"Oh, paano ba yan guys, higher pa daw? Teka lang baka naman may nagagalit na sa atin dito... Claud! May girlfriend ka na ba?" Usisa ng MC kay Claud.
"I have no girlfriend!" sabay kindat at ngisi dnito.
"Wow! Oh girls single daw si Claud! Who would want to be his girlfriend?" at may ilan ngang sumigaw at nagtaas ng kamay sa mga bisita.
Pssshhhh. Akala mo naman kung sinong kagwapuhan! Mas gwapo naman sa'yo si T.O.P. Maktol ni Athena na di maipaliwanag ang inis na nararamdaman para sa binata.
"Ikaw Kendi, may boyfriend ka na ba? Baka mamaya may bigla na lang sumapak sa gwapong mukha nitong si Claud, sayang ang gwapo pa naman."
Feeling ko talaga type nitong si MC si Claud. Grabe lang ha!
"Ah, wala po!" magalang na sagot ni Athena.
"Bakit naman wala? Ang ganda-ganda mo kaya!" Usisa ng MC sa kanya, ikinibit balikat niya na lamang ito.
"Higher! Higher! Higher!" The guest chanted again! Napakamot na lang ng batok si Athena akala niya ay nakatakas na sila. Wala namang nagawa si Claud at lumuhod ulit sa harap ni Athena pero this time ang magkabilang kamay nito ay nakahawak na sa upuan, trapping Athena. She stiffed again.
What the hell is he trying to do?
Naramdaman na naman niya ang hininga ni Claud sa binti niya, level up na kasi nga upper thigh niya na ito. Dahan dahan nitong kinagat at iniangat ang garter, malapit na nitong marating ang hem ng dress niya pero di pa din tumitigil ang mga guests sa pagsigaw ng higher. Giving them no other choice but to comply, hanggang sa si Claud na ang tumigil at pasimpleng hinalikan ang binti nito, para sa kanya ay ayos na taas nito. Ayaw naman niyang mabastos si Athena pero di pa din maalis sa kanya ang mga ngisi niya. Her legs is indeed a beuatiful view; makinis at maputi. Kitang-kita din niya ang pagtindig ng mga balahibo sa binti ng dalaga tuwing humihinga siya.
He sighed and stood up. Ang lawak ng ngisi ni CLaud at sobrang lakas ng hiyawan ng mga guests. Tumingin naman siya sa MC na parang sinasabing tapos na ang palabas.
"OK, that's it! thank you Kendi and Claud, but can you stay for a while for picture-taking?" pakiusap ng MC sa dalawa. Agad naman tumayo ang kinasal, kinamayan ng groom si Claud na may malawak na ngisi.
"Guys, picture muna kayo wtih the newly weds bago kayo bumaba then later we'll ask you to dance after the couples first dance, pwede ba yun? Saglit lang naman eh." bulong ng MC sa kanilang dalawa.
"Sige po." sagot na lang ni Athena at tango lang ang binigay ng binata sa MC.
TSK. Suplado.
BINABASA MO ANG
that gate crasher
Romanceit was just a deal with my friends and then i get myself into dealing with her instead.