Pinagpustahan-
My name is Luna, 18 years old. May jowa akong nagngangalang Joshua. Isang taon na kaming mag on. His the ideal man that every girls dream. Sobrang sweet niya kulang na nga lang langgamin kami maalaga din siya ayaw niyang nagpapalipas ako ng gutom ayaw niyang magkasakit ako. Tapos palagi kaming nag tetext sa isa't isa.
But one day, something suddenly change. Yung dating pagiging sweet niya sakin bigla na lang nawala. Yung pagiging concern niya bigla na lang naging cold. Yung araw araw naming pag tetext nawala na rin. Hindi ko alam kong may nagawa ba ako oh ano. Dahil gusto kong malaman ay tinawagan ko siya. Ilang beses pa itong nag ring bago niya sinagot.
"Hello." paos ang boses niya.
"Hi babe, naisturbo ba kita?" tanong ko.
"Kinda." walang ganang sagot niya.
"May ginagawa ka ba? Sorry, ano kasi hindi mo kasi ako nireplyam kaya tinawagan na lang kita." sabi ko ng may narinig akong ingay mula sa kabilang linya.
"Josh, okay ka lang?" may pag aalala sa boses ko.
"Yeah, I need to go. May gagawin pako." cold niyang sabi bago ibinaba ang linya.
Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Bakit ganun? Alam ko talagang may nagbago sa kanya eh. Dun ko hindi napigilan ang mga luha kong tumulo pero agad ko din naman itong pinunasan.
Akamang matutulog nako ng mag ring ang cellphone ko. Mabilis ko naman itong sinagot.
"Hello Josh."
"Uhmm sorry Luna si Kyle to." agad namang bumagasak ang balikat ko sa narinig.
"Oh kyle napatawag ka." hindi ko pinahalata na na dismaya ako.
"uhmm, ano kasi pwede ka bang pumunta dito sa bahay?" sabi niya, nagtaka naman ako.
"Huh, bakit?"
"May sasabihin lang sana ako." Napakunot naman ang noo ko.
"Bakit tumawag ka naman bakit hindi mo na lang dito sabihin?" takang tanong ko.
"Importante kasi to, atsaka may ipapakita rin ako sayo."
"Ahh ganun ba, sige pupunta nako."
"Sige mag iingat ka."
"Sige." at binaba kona ang linya.
Mabilis kong kinuha ang jacket ko. Hindi nako nag bihis tutal kela kyle lang naman ako pupunta naka pajama lang ako kaya okay na to. Hindi nako nag paalam kela mama na nanonood ng palabas sa tv.
Paglabas ko ay agad naman akong pumara ng taxi at nag pahatid kela kyle.
Sampung minuto rin ang tinagal bago ako makarating.
Nakita ko si kyle na nakatayo hanbang pabalik balik ang lakad. Agad ko naman itong pinuntahan. Pagtapik ko sa kanya ay nagulat naman ito.
"Hayst, anjan kana pala." sabi niya na parang kinakabahan.
"Oo, sabi mo eh. Ano bang pag uusapan natin?" tanong ko.
"Ano kasi Luna si Joshua." bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.
"Bakit kyle anong nangyari kay joshua?" mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong ko.
Pinikit dilat niya muna ang mata niya bago sumagot.
"Please luna wag mong pagalitan si Joshua kapag nalaman mona." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Huh, bakit?"
"Eh kasi-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng may narinig ako sigaw sa loob ng bahay niya.
"Anong meron sa loob?" tanong ko. Pero di niya ako sinagot.
"Kyle-" hindi ko narapos ang sasabihin ko ng may narinig akong boses ng babae na tinawag ang pangalan ni Joshua.
Kaya walang pagdadalawang isip na pumasok ako sa loob. Narinig kong tinaqag ako ni Kyle pero hindi ko ito pinansin at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa mabuksan ko ang pinto.
Agad ko na takpan ang bibig ko dahil sa nakita ko. At ng mapansin nilang may taong nakatingin sa kanila ay bigla silang nagsitigil sa ginagawa.
Bigla namang nanalaki ang mata ni Josh at agad din itong tumayo galing sa pagkakahiga niya sa sofa.
"Luna let me explain." habang lumalapit sakin.
"Josh bakit? Bakit moto nagawa sakin?" nanginginig ang boses kong sabi.
"Please it's not what you think." hindi ko napigilan ang luha ko at tumalo na ito.
"Bakit Josh, bakit best friend ko pa?!" sigaw n tanong ko.
"Oh dear sis hindi mo alam. Eh pano ba kasi ang tanga mo!" pasigaw niyang sabi kaya napalingon ako sa puwesto niya. Bigla namang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Akmang susugurin ko siya ng may humawak sa bewang ko kaya nilingon ko ito.
"Stop it." sabi niya. At dahil dun binigyan ko siya ng malutong na sampal galing sakin.
"Hayop ka, walang hiya." at hinampas hampas siya pero pinipigilan niya ako.
"Bakit Josh, may hindi ba ako naibigay sayo?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot.
"Hindi mo alam na matagal ka na nilang pinagpustahan?" para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi ng kai- hindi traydor pala.
Tiningnan ko naman si Josh na hanggang ngayon ay hindi parin makatingin sakin.
"Totoo ba yon?" tanong ko pero wala parin akong nakuha na sagot.
Kaya mas lalong tumulo ang mag luha ko.
"Gusto mo bang malaman ang totoo?" tanong niya kaya nalaingon ako sa kanya.
"Oo, totoong pinagpustahan ka lang namin." naramdaman kong parang tinutusok mg karayom ang dibdib ko.
"Bakit? May nagawa ba ako para ganyanin mo?"
"Wala naman, saraoa mo kasing pagtripan eh. Bobo mo pagdating sa pag ibig." sabi niya na may ngiti sa labi. Lumapit naman si Leah sa kanya at hinalikan sa labi sa mismong harap ko. Ang sakit. Ang sakit sakit. Kaya imbes na magtagal pa ako dun ay mabilis akong lumabas ng bahay at nakita ko si Kyle na may pag aalala sa mukha pero hindi ko sya pinansin.
Tumakbo ako ng tumakbo hindi ko alam kong saan ako dadalhin ng paa ko. Hindi ko namalayang nasa highway na pala ako ng biglang may bumusina na malaking truck. Napako ang mga paa ko at hindi makaalis.
Dun ko lang napansin na nakahiga na pala ako sa daan puro dugo ang katawan. Malabo na ang paningin ko may narinig pa akong tumatawag sakin pero hindi kona kinaya at ipinikit kona ang aking mga mata.
-June 2022
