Promise
I was in the middle of reading my book ng may muntik ng makatama ng bola sakin agad ko namang tiningnan ito.
"Sorry miss okay ka lang?" tanong ng lalaking pawis na pawis at hinihingal pa I think player sa ng soccer base on his uniform.
"Yeah." walang ganang sagot ko at binalik ang tingin sa libro ko. Akala ko aalis na ito pero nagkamali ako.
"By the way, I'm Ace." aniya at naglahad ng kamay sa harap ko.
"Hindi ko tinanong." masungit kong sabi.
"I kinda like you right now." sabi niya ng may ngisi sa labi.
"Well, I don't care." agad kong niligpit ang gamit ko at handa ng umalis ng may humawak sa pulsuhan ko. Inis ko itong nilingon.
"Pwede ba Mr. pakitanggal at aalis nako."
"Name mo muna." may nakakalokong ngiti sa labi niya.
"Shan." at agad kong tinanggal ang kamay niya at mabilis na umalis dun narinig ko pa siyang sumigaw.
"Nice to meet you Miss. Shan!"
***
Andito ako ngayon sa cafeteria kumakain ng lunch ng may naramdaman akong umupo sa nay harap ko.
"Hi Shan."
Napahigpit naman ang hawak ko sa kutsara. Sino pa nga ba edi si Mr. Ace also known as the Famous playboy in our university. And he's the guy I meet 3 weeks ago sa may soccer field. Pagkatapos ng araw na yun ay hindi na niya ako tinantanan.
Akmang isusubo ko na yung kutsara sakin ng hawakan niya yung kamay ko at sinubo ang kutsara.
"Hmmm...sharap." aniya habang nginunguya ang pagkain.
Nawalan naman ako ng gana agad akong tumayo at iniwan siya dun.
***
"Please will you stop following me!" bulyaw ko sa kanya at mas binilisan ang paglalakad.
"No." hinila niya ako sa pulsohan at naramdaman ko na lang ang malamig na semento sa likod ko. Tinukod nito ang dalawang kamay sa gilid ng ulo ko para hindi agad ako makawala.
"Hindi ako titigil kakasunod sayo hanggat hindi mo pa ako sinasagot." seryuso ang mukha nito.
Napataas naman ako ng kilay. "Hindi kita binigyan ng permeso para ligawan ako Mr. Montemayor."
Napangisi naman ito. "I don't care Miss. Vergara. Sa ayaw at gusto mo liligawan kita."
Naningkit naman ang mata ko sa sinabi niya. Malakas ko itong tinulak dahilan para mapaatras ito ng kunti. Damn bakit ang tigas ng dibdib ng isang yun...erase erase.
Ng makawala ako sa kanya ay mabilis akong tumabok paalis dun.
***
"Good morning Miss. Vergara." agad naman akong napaangat ng tingin.
'Siya nanaman'
Tumakbo itong lumapit sa akin at agad n kinuha ang bag ko at siya na ang nag bitbit nito. Mukhang wala na akong takas sa isang to. Sa tatlong buwan na panliligaw niya sakin ay ito palagi niyang ginagawa kong hindi naman ay nililibre niya ako ng lunch hindi pa naman ako makatanggi ay naunahan na niya ako.
Pero sa tatlong buwan na yun pakiramdam ko may nararamdaman na ako sa kanya. Hindi lang gusto kundi mahal na. Dahil na rin siguro sa sweet at caring siya sakin.
