I was there but you chose him

14 2 0
                                        

I was there but you chose him

Andito ako ngayon sa kwarto ko nag scro-scroll sa pakening facebook ko ng bigla kang pumasok at agad akong niyakap. Narinig namam kitang humagulhol kaya agad kong hinawakan ang mukha mo at hinarap sakin.

"Bakit ka umiiyak?" kunot noong tanong ko pero hindi ka sumagot.

Nag isip naman ako ng mga dahilan sa pag iyak mo. Agad na pumasok sa isip ko ang boyfriend mo.

"Sinaktan ka ba niya?" parang may galit sa boses ko pero hindi ka sumagot.

"Cath, sinaktan ka ba niya?" tanong ko ulit ng may pagbabanta sa boses at tango lang ang sinagot mo kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Anong nangyari pwede mong sabihin sakin." imbes na kausapin moko ay mas lumakas ang iyak mo at mas humigpit ang yakap mo sa bewang ko.

I pat your back to make you stop crying.

"Shhh, it's okay. It's okay stop crying nasasaktan akong makita kang umiiyak." sabay pahid ng mga luha mo.

Tumingin ka sakin ng may namumugtong mata so I smile.

"Tell me what happened?"

Akala ko hindi ka sasagot dahil iniyuko mo ang ulo mo.

"Nakita ko siyang mag kahalikang babae sa may parking lot ng condo niya." nanginginig ang boses mong sabi.

My blood boiled dahil sa sinabi mo. 'That jerk, you'll pay for this.' Agad akong napabalik sa reyalidad ng magsalita ka.

"Please don't. Please don't hurt him, you knew I love him right? So please." may pagmamakaawa sa boses mo.

"But he hurt you." diin kong sabi pero umiiling ka lang. Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, I won't."

"Thank you." you smile.

***

This day I was planning to confess my feelings for you, but...

"Kleo, kami na ni Kyle." sabi mo ng may ngiti sa labi.

Akala ko hindi lang tayo hanggang mag best friend but I was wrong.

Alam nating dalawa na isang playboy si Kyle kahit sino sino lang ang babae nito pero ang sabi mo...

"Hindi, magbabago siya. Sigurado ako dun." tiningnan moko sa mata."Sabi niya mahal niya ako."

I even remember the day na umiiyak ka dahil nakita mong may kasama ang jowa mo sa mall holding hands while walking.

"Ang sakit kleo." iyak mo. "Sabi niya ako lang mahal niya e bat may kasama siyang iba."I was whole day there just to comfort you. And you said...

" Siguro hindi niya talaga ako mahal. Makikipaghiwalay nako sa kanya."

Gusto kong tumalon sa saya nung sinabi mo yun. Pero the day after tomorrow...

"Kleo, bati na uli kami hindi ko siya matiis mahal ko eh."

Akala mo yun na yun, pero hindi pala...

Days past at parang paulit-ulit lang yung nangyagari. Nakikita mo syang may kasamang o kahalikan na babae ay agad kang lumalapit sakin at sasabihing nasasaktan ka. Sinabi ko na sayo hiwalayan mo pero ito lang sinagot mo...

"Sorry Kleo mahal ko eh."

Kahit ilang beses ka na niyang sinaktan pero ayaw mo parin siyang iwan kasi nga mahal mo.

I was there every time you have a heartache. I was there to comfort you.

But still you chose him. The person who always make you cry. Minsan gusto kong sabihin sayo na ako na lang, ako na lang piliin mo para hindi ka na masaktan muli, but I can't. 'Cause in the end I know you will never chose me because you just love me as your best friend not as a lover.

-July 2022

One-shot storiesStories to obsess over. Discover now