Kabanata 3

41 7 0
                                    

Maaga akong gumising para magpahangin sa labas at makalanghap ng sariwang hangin. Sa Maynila kasi ay puro usok ang maaamoy mo galing sa mga sasakyan pati sa mga pabrika. Ang sabi nila ay mas maganda raw sa probinsya dahil makakalanghap ka ng sariwang hangin.

Tulog pa ang mga tao rito sa mansyon dahil alas-sais pa lamang ng madaling araw ngayon. Hindi ko nga alam kung saan napunta ang mga jeans, t-shirts ko at ang iba ko pang dinalang damit dahil nawala iyon kahit nakailang hanap na ako ng mga damit ko ngunit hindi ko pa rin makita.

I know that Ate Ezikiah took that. Now, I am wearing shirred puff sleeve sleated dress. Ang haba ng dress na ito kaya hindi ako komportableng isuot ito pero wala naman akong magagawa dahil ito lang ang nahanap kong simpleng damit.

Nang makababa ako ay tumakbo ako palabas ng mansyon. Bukas na ang gate at ang mayroon pang nagwawalis ng mga dahon na nalalaglag. Sa gilid ng gate ay mayroong dalawang puno sa magkabila noon kaya magandang tignan.

"M-Miss, magandang umaga po." Ngiti ng lalaking matanda na nasa edad 50's na. Nginitian ko din siya. May hawak siyang walis na panglinis ng mga dahon na nahulog mula sa puno.

"Adelaide na lang po ang itawag ninyo sa akin. Hindi naman po magagalit ang mga magulang ko." Ngiti ko.

Ngumiti naman siya. Pinaupo niya ako sa isang bench na nasa gilid. Ngumiti ako at umupo roon, nagwalis na siya habang nakangiti samantalang ako ay tinitignan lamang siya.

"Ma'am ay Adelaide pala. Adelaide, maaga ka yatang nagising ngayon?" Natawa ako kay Lolo dahil sa unang tawag niya sa akin.

Isa rin yata siya sa mga nagtr-trabaho rito sa mansyon. 

"Gusto ko pong makalanghap ng sariwang hangin." Sagot ko.

Magsasalita pa sana siya ngunit may nagsalita sa likuran nila na isang lalaki. Hindi pa niya ako nakikita dahil nasa nakaupo ako sa gilid. Tinignan ko siya at namukhaan ko kung sino siya.

Siya 'yong lalaking narinig kong nagsalita kahapon at inabutan ako ng panyo!

Alam kong sinadya niyang lakasan ang sinasabi niya kahapon para marinig ko iyon ngunit hindi ko naman na intensyon na balikan pa iyon, naalala ko lang.

"Lolo Carding, ang sabi ni Tatay ay sabay na tayong kumain ng agahan mamayang tanghalian. Wala rin naman po akong pasok at trabaho hanggang mamayang tanghalian kaya matutulungan ko si Tatay sa pagluluto ng tanghalian..." Nagtataka ako kung bakit hindi niya tinuloy ang pagsasalita niya kahit hindi naman ako nakatingin sa kanya.

I looked at him, he was shocked when he saw me sitting here in bench.

"Hijo, oo nga pala, siya si Miss Adelaide. Siya ang bunsong anak nila Mister Bernard at Ma'am Charmaine. Ang bait niya at ka-kwentuhan pa namin siya kanina lang bago ka dumating." Pagpapakilala ni Lolo Carding sa akin. 

Tumayo ako at nginitian siya na gulat pa ring nakatingin sa akin. Ayos lang naman sa akin ang narinig ko mula sa kanya kahapon.

"N-Nice to meet you." I said.

Tinignan ko si Lolo na nakatingin sa akin sa akin nang nakangiti. Tipid na ngumiti sa akin ang lalaking nasa harapan ko.

"A-Ako si Dariel. Pagpasensyahan mo na ako kahapon sa nasabi ko sa inyo, Miss." He said.

"A-Ayos lang... Lo, una na po ako sa loob." Wika ko.

Biglang umihip ang malakas at malamig na hangin kaya hinangin ang buhok ko, ang laylayan ng dress na suot ko ay hinangin din kasabay ng ilang dahon sa lupa na nililipad ng malakas na ihip ng hangin.

Inayos ko ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Nakita ko na nandoon pa rin sa tabi niya ang lalaki at nakatingin sa akin, seryoso ang tingin niya sa akin.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon