[Ace's POV]
Hi, ako nga pala si Ace Luke Valdez. I'm 16 years old. Yes, parehas kami ng school ni Rose, at classmates kami!
Tama rin ang hinala niyo, ako yung dahilan ng pag eemote nya ngayon at kung bakit sya broken hearted.
Pero hindi naman ako yung nakipagbreak. Ewan ko lang, parang di ko magawa e. Pero nung sya na ang nagsabi, parang bigla akong na relieved. Parang nabunutan ng tinik, gumaan yung loob ko.
Hindi naman dahil sa masaya ako or what, para kasing nakalaya ako.
Ganun, alam nyo yun? Yung ang tagal kong tiniis at inisip kung pano ako makikipaghiwalay. Knowing Rise, napaka drama nun when it comes to relationship.
Sineseryoso nya talaga at dinidibdib. Syempre hi di naman natin masisisi kung ganun sya. Pero minsan naaawa din ako sa kanya.
Nung first ko kasi siyang naging close nung matapos siya umiyak sa isang lalaki nung 3rd year high school kami. Ewan ko ba, dahil ata daw nung ni-deny siya nung Ranier ba yun.
Sus, yun lang iniyakan pa. Basta nung mga sumunod na araw medyo naging close kami sa isa't-isa.
Sa likod yung pwesto ko, tapos dalawang part yung mga chairs namin. Sa left side ako sa last row tapos si Rise sa third row. Pero dahil pasaway sya, lumilipat sa right side sa last row, tumatabi dun sa friend nya, si Joy.
Tapos tuwing lumilipat sya, minsan nakikipag daldalan kami nung barkada ko, si Mark.
Tapos pag may mga quiz nagkokopyahan kami sa likod. Hahaha! Basta yun, dun kami nagsimulang magka close.
![](https://img.wattpad.com/cover/33844823-288-k187459.jpg)
BINABASA MO ANG
Trial and Error
Novela JuvenilNaranasan mo na ba yung feeling na ang saya saya mo lagi? Yung parang papasok palang yung bad vibes tinataboy na ng mga good vibes mo? Basta alam nyo na naman yung sinasabi ko. Yung mga kilig factors at kung anu-anong mga keme na nakakakiliti sa ty...