"Grabe, hindi parin ako makapaniwala. Wala na talaga. Wala nang kami. Wala ng ALLEN." tears started to fall again and again.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko parin sya minamahal. Bakit umaasa parin ako sa wala. Alam ko naman na walang mangyayari kung iiyak at iiyak lang ako. Pero sa tuwing naaalala ko yung memories na magkasama kami, hindi ko maiwasang maluha at patuloy na susundan ng mga luha.
"Ano ba kasing nagawa kong mali? Masyado ba akong naging sweet? Clingy? Showy? Hindi naman mali yun dahil hindi rin naman ako masyadong ganun. Bakit Ace?"
Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko. Nandito kasi ako sa garden ng bahay namin, tahimik naman at umalis din si Mama at yung malikot kong kapatid na 1 year old.
BINABASA MO ANG
Trial and Error
Genç KurguNaranasan mo na ba yung feeling na ang saya saya mo lagi? Yung parang papasok palang yung bad vibes tinataboy na ng mga good vibes mo? Basta alam nyo na naman yung sinasabi ko. Yung mga kilig factors at kung anu-anong mga keme na nakakakiliti sa ty...