*fast forward to March*
(walang Valentine's Day, kasi wala akong lovelife! Hahahahaha bitter!)
Djk, wala din naman akong makukwento kasi absent ako nun! Hahaha,tamang timing lang din na bumyahe kami sa City ni Mama nun!
Pero ito na, excited na malungkot kami lahat sa graduation!
Nagsisimula na kaming mag practice ng mga church songs para sa Mass before ceremony. Tapos busy na din kami sa mga requirements namin. Nag practice na din kami sa graduation march namin.
Pero may naalala ako, nung Christmas Party namin.
(flashbaaaaack..)
Nag bunutan kami sa magiging ka exchange gift namin. Pero blind item lang. Bale, hindi yung true name ilalagay,mga code names lang.
Yung name na nilagay ko, "Jung". Name yun nung magaling na guitarist, si Sungha Jung.
[Search nyo sya guys. Ganda nung mga guitar plucking covers nya sa Youtube. :) ]
Tapos yun, dahol hindi parin ako nakakapag move on sa kanya, hinanap ko kung sinong nakabunot sa kanya. Kilala ko yung handwriting nya kaya ayun, nahanap ko talaga! Hahaha
December 18, 20..
-Christmas Party-Nagsaya lang kami tapos kumain. Nanood sa ilang mga programs. Matapos nun, exchanging of gifts na.
Yung binili kong gift for him simple lang naman. Cap na gray yung color (kasi hilig nya yun), wrist watch na mumurahin, tapos necklace na cross ang pendant. Hahahaha (Jeje days pa kasi nun, kaya may necklace2 pa na ganun. Hahaha :D )
Tapos nung bibigay na yung gift, nagulat ako kasi sya pala yung nakabunot sakin. Syempre excited ako makita ano gift nya.
Isang crystal ball na merong glitters at tubig sa loob, tas may figurine ng couple naka bike. ^_^
Sumaya din naman ako kasi galing sa kanya, atleast may remembrance parin ako. Hahaha lande!
(end of flashbaaaack...)
*fast forward to Graduation Day*
Graduation Day..
Excited na akong gumising, kasi nga ye know, graduation.Hahaha.
Usual lang naman yung mga ginawa, naligo, kumain tapos nagsuot ng toga.
Pumunta na kami sa simbahan kasi simba muna. After ng simba, start nang ceremony..
*Ten ten tedededen, tedededen deren teden teden tededen tededen ten den* (imaginary graduation song) Hahaha. ;)
Gomez, Rise Lenchie D. ...
Ayun tinawag na ko, I glanced at mama at nag smile. tTapos lumakad na papunta sa stage para magkuha ng diploma.
Wala kasi akong awards noh. Hahaha, isang ordinary student lang naman ako at pasaway kaya nasa section 2. Mehehehe. :3
to be continued...

BINABASA MO ANG
Trial and Error
Ficção AdolescenteNaranasan mo na ba yung feeling na ang saya saya mo lagi? Yung parang papasok palang yung bad vibes tinataboy na ng mga good vibes mo? Basta alam nyo na naman yung sinasabi ko. Yung mga kilig factors at kung anu-anong mga keme na nakakakiliti sa ty...