Prologue

8 0 1
                                    

"Alicia, naka-handa na ba ang maleta mo?" ani Tito Joaquin habang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin niya.


"Opo, tito. Aalis na lang po mamaya." 


Tapos ko lang mag-impake, ginamit ko ang maleta na ginamit ko nung pumunta ako dito sa Hawaii. Naligo na ako kasi sobrang init ng panahon ngayon sa Kailua. 


Uuwi kami sa Pilipinas for the Kara's child's first birthday. Magtatampo kasi 'yun dahil wala na nga ako nung binyag ay baka mawala pa ako nitong first birthday.


Mamaya pa ng gabi ang flight namin pauwi kaya bibili muna ako ng pang-regalo. Pumunta ako sa aking walk-in closet at nag-hanap ng damit. Gusto ko maganda ang damit ko dahil iyan ang last outfit ko dito sa Hawaii para sa taong ito. 


Magtatagal kasi kami sa Pilipinas dahil ikakasal na rin si Kara. Ikakasal siya six months after her child's birthday. Ayaw ko na kasi gumastos pa ng pamasahe kaya magste-stay nalang ako sa Manila for six months. Funny that the man she'll marry belongs to the circle of our friendship.


Ever since highschool ay hindi na talaga sila mapaghiwalay ni Marco kaya ayan, nauna ang baby.


I wore a simple black fitted crop top and paired it with a red cargo pants and black Prada baguette. 


I rode my Jeep Wrangler papunta sa Mall. Ni-regalo ito sa 'kin ng admirer ko dito noon sa Hawaii. Ayaw ko sana tanggapin kaso siya'y nagmakaawa na kung hindi ko siya tatanggapin ay sana raw ay tanggapin ko itong kotse. 


Nasa mall na 'ko, nag-dala ako ng handy fan kasi hindi kaya ng balat ko ang ganitong init. Paano pa sa Pilipinas?


I visited a baby shop and bought cool clothes. Mahal kasi ito sa Pilipinas. I also bought Kara and Marco a gift para sa kasal nila. Ayaw ko na bumili doon sa Pilipinas kasi mas mahal.


Nasa eroplano na 'ko at 11 hours ang byahe. Ramdam ko na ang takot. Natatakot ako sa ipapakitang ekspresyon ng mga tao sa 'kin. Natatakot ako sa mangyayari habang nasa Manila ako. 


Natatakot ako baka makita ko siya. Ineexpect kong makita ko siya sa birthdaybecause he and Kara are friends too, pero umaasa akong sana hindi muna. Hindi pa ako handa. Hindi ko pa kaya. Masakit pa. Natatakot ako.


Sobrang dami kong iniisip na pwedeng mangyari sa Pilipinas kaya sumakit ang ulo ko at natulog nalang. 


Nagising nalang ako ng alugin ni Tito yung braso ko para sabihin na pa-land na kami.


"Ali, nandito na tayo. Sigurado ka ba na kaya mo na?" tanong ni Tito na may bahid na pag-aalala ang tono.


"Wala naman pong mawawala kung susubukan kong kayanin." 


Inabot ni Tito ang maleta namin galing sa taas ng upuan namin. Narinig kong may nahulog na tunog metal galing sa maleta ko. 


Nakita kong bukas ang bulsa sa harap ng maleta ko. Agad kong hinanap ang nahulog. Nakita ko sa ilalim ng upuan ang isang susi na may design na Ampersand. 

The Return of the Dark PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon