“Eyy!” bungad agad samin ni Gelo pagbaba namin ng sasakyan. Kasama pa ang bebe, ampocha.
“Tara akyat na tayo?” tanong samin ni Khersten, girlfriend ni Gelo.
“Tara, tara” sagot naman namin.
Pag bukas ko ng pinto ay nagsigawan sila ng 'Happy Birthday'. Natuwa at medyo nahiya ako dahul doon. Anong oras pa lang kasi. Baka mamaya makaistorbo kami ng tulog.
Nagulat ako dahil nangunguna pa ang girlfriend ko. Matik na siya ang pasimuno nito. Lumapit siya sa akin nang nakangiti.
“Happy Birthday bal.” pabulong na sabi niya at humalik sa labi ko. Agad akong napangiti at.
“May paganto ha.” sabi ko.
“Syempre. Hindi ka nagsabi, sakin kupal ka ha.” sinamaan niya ako ng tingin. Ngumiti nalang ulit ako sa kanya at hinalikan sya sa noo.
“Wag mo ako daanin sa ngiti. Baka tadyakan kita kahit birthday mo.” pag babanta pa nya sakin. Tinawanan ko nalang siya at pinisil ang pisngi niya.
“Oh kami naman, Yesha. Pahiram muna ako ng bf mo.” pag papaalam ni Aikee sa kanya. Habang may hawak na alak ang kupal. Pumayag naman si Yesha. Kaya hinila na ako ni Aikee palayo sa kanya.
“Asan na si Michael?” tanong naman agad sakin ni Aikee.
“Nasa likod ko lang kanina baka lumabas lang ulit.” sagot ko naman. Hindi ko din kasi siya napansin. Nandito kami sa condo ni Aikee. Dito kami lagi pag may ganap dahil malaki laki ang condo niya.
“Happy birthday, pare. Gago pare.” pag bati naman sakin ni Nic nang makalapit kami sa table kung nasaan ang ibang tropa.
Bakit ganun? Kakarating ko pa lang bakit parang lasing na sila?
“Hoy!” sigaw ni Michael kay Nic sabay tawa. Puchaaa bakit koba sila naging tropa? Anlalakas nila.
“Asan si James?” tanong ko sa kanila dahil napansin kong si James lang ang wala.
“Andyan yun. Baka nakikipag lampungan lang sa jowa niya” marahang tumawa si Aikee.
“Gago kayo.” baling ko naman sabay tawa din.
Maya maya lang ay lumabas na ng kwarto si James kasama ang girlfriend niyang si Cindy. Lumapit na siya sa amin. Nag simula narin kaming uminom.
“Nahihilo na ako mga pre.” sabi ni Nic. Tinawanan nalang namin siya. Matik mamaya lang ay mas kukulit pa to.
“Tara sayaw!” aya naman ni Michael. Mukhang lasing na silang lahat. Kahit ako ay medyo may tama na rin.
“Juls!” rinig kong tawag sakin ni Mika, girlfriend ni Nic. Bumaling ako sa kanya. “21 ka na. When ang kasal?” tanong niya at binigyan akong ng mapagbirong tingin.
“Soon yan.” ngumisi ako “Very very soon.”
Napagdesisyunan kong tumigil na sa pag-inom. Tumayo na ako at dumiretso sa guest room. Nakita ko agad ang girlfriend ko na nakahiga na. Kawawa naman, mukhang pagod na. Wala na siyang paki kahit maingay sa labas. Humiga na rin ako sa tabi niya para makapag pahinga.
“Bal?” mahinang tawag ko pa habang nakahiga sa tabi niya. Hindi siya sumasagot, malalim na siguro ang tulog. “Pakasal na tayo?” tanong ko kahit alam kong tulog na siya.
“Parang tanga.” nagulat ako nang sumagot siya. Kinurot pa ako, halatang kinikilig. Kala ko tulog na, scam.
“Soon bal.” gatong niya. Sabay yakap sa akin. Sinabayan ko naman ng halik sa ulo nya at parehas na kaming nakatulog.
-----------------------------------------------------------------