[Man kamusta jan?] tanong ko kay Michael sa phone.
[All goods na, man.] sagot naman niya.
[Pasok nato pre HAHAHA CONGRATS AGAD!] pag gatong pa ni kupal.[HAHAHA sya! Kita kits nalang mamaya! Matsalove.] pag papaalam ko bago ko ibaba ang phone.
Nasa cr ako ngayon ng isang resturant. Kasama ko si Yesha dahil nag date kami. At ngayon din ang araw na magppropse ako sa kaniya.
Kinalma ko ang sarili ko bago bumalik sa table namin. Medyo kinakabahan ako sa gagawin ko.
Pagbalik ko sa lamesa, agad akong napangiti.
“Antagal mo naman?” pagsusungit niya agad sa akin.
“Nababalisawsaw kasi ako.” sagot ko pa na pabiro at tumawa.
“K fine.” sagot niya mukhang pikon na.
Wala akong ginawa kung di teignan ang mukha niya habang kumakain. At ang nasa isip ko lang, eto na yun wala ng iba pa. Sigurado na ako dito.
Pagkatapos kumain lumabas na kami ng restaurant para umalis. Pero bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya nagmadali kaming makapunta sa sasakyan ko.
Nagsimula na akong magmaneho at tinahak ang daan papunta sa lugar kung saan ako mag ppropose sa kanya. Habang nasa sasakyan kami dinadaldal ko siya.
“Bal?”
“Yes?” sagot niya naman agad sakin.
“Wala, never mind.” ngumiti na lang ako at hindi na tinuloy ang sasabihin. Baka mahalata na ako.
“Bal?” balik niya naman sakin.
“Yes bal?” sagot ko din agad.
“Gusto ko maranasan ikasal. Gusto ko mag susuot ako ng white dress na bongga.” chika niya sakin. Napalunok ako bigla dahil baka nahahalata na niya ako.
“Soon bal.” sagot ko na lang at nginitian siya.
“Yes, soon. Gusto ko ikaw yung kasama.” sinabi niya habang sinandal sa balikat ko ang ulo niya. Napangiti ako. “I love you.” pabulong niyang sinabi bago pumikit. Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
Inabot ko ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit. “I love you.”
Napansin kong habang tumatagal ay lumalakas ang ulan.
Binitawan ko ang kamay niya at akmang hahawakan ko ang ulo niya. Nang biglang may sumalpok na malakas sa gilid namin. Sa sobrang lakas ng puwersa, tumalsik ang sasakyan namin. Sobrang bilis ng pangyayari. Hanggang sa nawalan na akong ng ulirat.
-----------------------------------------------------------------