04

4 0 0
                                    


"Bal?" rinig kong paggising sakin ng girlfriend ko.

"Yes po?" sagot ko naman.

"Gising na, kain na tayo." pagaaya niya sakin.

Pag mulat ng mata ko nasilaw agad ako sa liwanag ng ilaw. Halos yun lang ang nakikita ko.

Bumangon ako at umupo sa kama. Nagulat ako nang di ko makita si Yesha. Nasaan ang girlfriend ko?

"Sir!" may biglang pumasok sa kwarto. Base sa suot niya, mukhang isa siyang nurse. Binalot ng gulat ang mukha niya nang makita ako. Nakita kong lalabas na sana siya, pero bigla akong bumagsak sa kinahihigaan ko dahil sinubukan ko tumayo.

Bakit andami kong benda? Ano tong nasa leeg ko? Bakit may nurse? Andaming tanong sa utak ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari, naguguluhan ako.

"Sir! Ayos lang po ba kayo? Itatayo po kita ha." sabi sakin ng nurse. Saka ko lang napansin na lumapit na siya sa akin.

Pagkatapos niya ako ibalik sa hinihigaan ko, lumabas siya. Bumalik din siya agad. At mas nagulat ako ng makita kong nasa likod niya ang parents ko.

"Juls!" tawag sakin ni Mommy. Halatang halata na nag alala siya ng sobra. "Salamat at nagising ka anak ko." gatong niya pa at biglang yakap sa akin at nagsimula nang umiyak. "Anak ko." bulong niya at walang tigil sa pag iyak. Habang si Daddy ay nasa likod lang niya.

"Ma? Si Yesha?" tanong ko naman kay Mommy nang maalala ko siya. Pero mas lalo lang lumakas ang iyak niya. Bigla ako kinabahan kasi parang naalala ko na ang mga nangyari.
-----------------------------------------------------------------

Shiroi gaunWhere stories live. Discover now