05

4 0 0
                                    

“Ma?” tanong ko ulit sa kanya. Tumayo lang siya at hinalikan lang ako sa ulo. “Pahinga ka muna anak.” Humihikbi pa siya habang yumakap sa akin.

Bigla akong natauhan. Bumalik na sa isip ko kung anong nangyari. Naaalala ko na.

At isa laang ang naisip ko. Gusto kong puntahan si Yesha.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang tumayo para makita girlfriend ko. Ilang minuto ko ding sinubukan na gawin iyon. Pero hindi talaga kinakaya ng katawan ko.

Napansin ko na lang na biglang bumuhos ang luha sa mata ko. “Asan si Yesha?” tanong ko sa kanila habang umiiyak ako. Gusto ko siyang makita. Gusto kong malaman kung nasaan siya.

“Anak, please. Pahinga ka muna.” pagmamakaawa ni Mommy sakin dahil pumapalag ako sa kanila. Gusto kong makita si Yesha!

“Ayos lang si Yesha anak. Pahinga ka muna.” dagdag pa ni Mommy kaya kumalma ako ng kaunti. Pero naiiyak pa rin ako dahil sa pagaalala. Wala na akong pakialam sa sarili ko mas nag aalala ako sa kanya.

Kahit hindi tuluyang panatag ang loob ko, sinubukan kong magpahinga. Sinunod ko ang gusto ni mommy. Tatlong araw ang nilaan ko sa pag iipon muli ng lakas ko.

Sa loob ng tatlong araw na iyon, walang araw na hindi ko inisip si Yesha. Lagi ko siyang iniisip. Madami akong tanong.

Nasaan siya? Anong nangyari sa kaniya? Ayos lang ba siya?

Sana oo.

-----------------------------------------------------------------

Shiroi gaunWhere stories live. Discover now