Kabanata 4

41 6 0
                                    

"Ang sabi namin ng daddy mo ay mag-aral ka nang mabuti, pero bakit sinuway mo kami?! Tignan mo tuloy ang nangyari sa kapatid mo. Kung hindi sana siya nagpunta sa iyo para hindi ka mahuli na mayroon ka pa lang kasintahan ay hindi sana siya hinika ng ganiyan!" Bago ko pa man imulat ang mata ko ay narinig ko ang boses ni Dad na sumisigaw. 

I opened my eyes and looked at them. I saw Mom, Dad, Ate Ezikiah and Ate Riana standing infront of my bed. Ate Riana moved to the side of my bed as soon as she noticed I was moving. They also saw me and went to the side of my bed.

"Della, are you okay? Do you need some foods?" Sunod-sunod na tanong ni Ate Riana sa akin. Umiling naman ako at dahan dahang umupo, tinignan ko si Ate Ezikiah na nakayuko, hawak niya ang kamay ko. Nakita ko ring may tumulong luha sa mga mata niya ngunit agad nya iyong pinunasan.

"A-Ate, sorry..." Sabi ko.

Napatigil siya at gulat na inangat ang tingin niya sa akin. 

Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit nalaman nina Dad na magkasintahan sina Ate Ezikiah at Kuya Triston, ako ang dahilan kung bakit nagalit si Dad kay Ate. Ako ang may kasalanan ng lahat. Kung wala lang sana akong hika ay hindi na nagalit sina Dad sa kanya, kung pwede ko lang pigilan ang hika ko 'e di sana wala nang problema.

"Hindi mo kasalanan, ako ang dapat sisihin dito. Kung hindi dahil sa akin ay hindi ka hinika ng ganiyan. Buti may doktor sa lugar natin kaya napapunta agad natin dito. Hayaan mo na iyon, makikipag hiwalay na lang ako kay Triston para wala nang problema saka iyon din naman ang utos nina Dad kaya ayos lang sa akin." Nakayukong sabi ni Ate Ezikiah, basag ang boses niya habang sinasabi iyon. Nagulat ako sa sa sinabi niya kaya naalis ko ang kamay ko na hawak niya. 

Tinignan ko si Ate na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin habang tumutulo ang mga luha niya na kahit anong pilit niyang punasan ay ganoon pa rin, patuloy pa rin ang pag luha. 

Hindi ko maintindihan kung bakit mas gusto niyang sundin sina Mom at Dad kung lalo naman siyang masasaktan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit gusto ni Dad at Mom na mag-aral nang mag-aral si Ate Ezikiah kahit alam naman nilang nahihirapan na ang kapatid ko.

Si Ate Riana naman ay malayang nagagawa ang mga gusto niyadahil tapos na siyang mag-aral ng college at nag-aaral na siya bilang architect. At ako ay binabantayan nila, gusto nila akong makapangasawa ng mayaman na lalaki sa hinaharap ngunit ayoko. 

Hindi ako mag-aasawa. Ayoko ng lalaking mayaman lang. Ayokong sayangin ang oras ko para sa mga tao na alam kong manloloko. Siguro kung may magugustuhan man ako, itatago ko na lang ang nararamdaman ko kung sakali.

"Huwag. Dad, huwag po. Wala naman silang ginagawang mali, dad, mom. Please po." Baling ko kay Dad na matalim ang tingin kay Ate. Hanggang ngayon ay galit pa rin yata siya sa mga nangyari. 

I want my sister to be happy, I'll be happy if they're happy too because I love them.

Kahit lumuhod pa ako at magmakaawa sa mga magulang ko ay gagawin ko basta pumayag lang sila sa hinihiling ko. Kahit ano gagawin ko para sa kanila dahil mga kapatid ko sila.

"Dad, please. Kung gusto niyo ay bantayan niyo silang dalawa, sa mga guards basta po payagan niyo lang si Ate..." Mahinang sabi ko sa kanila. Tumayo si Dad bago humarap sa aming magkakapatid, si Mom ay tumayo rin habang nasa tabi ni Dad.

"Pag-iisipan ko iyan. Magpahinga muna at bumaba kayong dalawa sa hapag kainan upang makakain tayo ng hapunan." Pagkatapos niyang magsalita ay umalis na siya sa kwarto ko. Si Mom ay naiwan na nakatayo sa harapan namin.

Tumingin siya sa akin ng matalim. 

"Hindi ako pabor sa sinasabi mo. Hindi naman papayag ang Dad niyo sa gusto niyong tatlo." Sabi ni Mom saka tumalikod at lumabas ng kwarto ko. I hate this side of my Mom.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon