ChanBaekYeol 01: Kung Maibabalik Ko Lang

482 18 9
                                    

[Dedicated to HahuYeah unnie because her stories are just Daebak! Haha! And excited na ko sa Cinde-Baek-la 3, The Kiss 2 and Fall for the Beast 2! Pero siyempre, Not the Plan muna sinusubaybayan ko! Saka sa last atory na dinedicate ko kay unnie ay angst. Haha! Fluff ito, unnie. Nainspire ako sa Pleasure Partner eh! Ay, yadong pala yun! Hihi! More power po!]

 

 

ChanBaekYeol: Kung Maibabalik ko lang

Song performed by: Julie Ann San Jose

(Inspired by Jdorama, "Propose Kyodai")

 

 

~~~~~

"Aking hiling mapasakin, dating matamis na pagtingin

Nanalig, nananabik, sa tamis ng iyong halik

Ngayon nga'y nag-iisa't nangungulila, sinta

Ang suyuan, ang ibigan, ang nakaraan

Kung maibabalik ko lang"

~~~~~

 

 

INTRO

Kung bibigyan ka ng pagkakataong bumalik sa nakaraan, ano ang pipiliin mong baguhin?

Yun bang oras na hindi ka nakapag-review kaya bumagsak ka sa exam niyo? O yung nang dahil sa balat ng saging na itinapon ng unggoy mong kaibigan eh nadulas ka sa harap ng crush mo?

Sa mismong araw ng kasal ng kanyang kapatid na si Taehyung aka V at ng tanging lalaking pinakamamahal na si Park "Yoda" Chanyeol, isang mahiwagang orasan ang lumitaw sa harap ni Baekhyun na siyang nagbigay sa kanyang bumalik sa nakaraan.

Mabago nga kaya niya ang kapalaran niya o sadyang huli na ang lahat?

----

BAEKHYUN's POV

"Those who are against this holy matrimony of marriage, speak now or forever hold your peace."

Ako. Tutol ako sa kasalang ito. Tutol akong matuloy ito. Itigil ang kalokohang ito! Eneber!

Gusto ko yang isigaw with matching pagwawala. Tapos hihilahin ko palabas si Chanyeol at magtatanan kami at hindi na muling magpapakita pa ever sa alien kpng kapatid! Bwahahahahaha!  Ang saya sana pero hanggang imagination ko lang ito lahat. Tss!

Sa tingin nyo ba magagawa kong pigilan ang kasal ng kapatid ko? Kahit na ba sarap ihagis ng alien na yun sa kung saang galaxy, mahal ko yun noh! At kahit na ba ikinakasal siya ngayon sa lalaking alam kong tanging mamahalin ko ever, hindi ko pa din yun magagawa. Guilty eh. Oo na. Wala naman kasi akong habol. Ako itong nang-iwan, ako itong magdusa.

THREE ARCS [EXO OTP ONE SHOT COLLECTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon